Chapter 1

25 3 1
                                    


Grabe! Ano ba naman ‘to! 6:40 na pala! Bakit ba kasi ‘di ako nagising agad?! Si Nanay naman, ‘di man lang ako chineck sa kwarto. Terror pa man din ‘yung teacher namin sa first subject.

7AM pa naman ang class ko pero dahil nagba-bike ako papuntang school, I usually allot 15 minutes of my time for it.

Sa sobrang pagmamadali ay ‘di ko man lang nasuklay ang buhok ko. Kung sa bagay, magugulo rin naman ‘to sa hampas ng hangin sa daan. 

Ang hirap pala talaga ‘pag Grade 12 na, daming requirements, ‘di na ko makapagrelax man lang. Swerte na kung maka-limang oras ako ng tulog sa gabi. Napapadasal na lang talaga ko minsan na sana kunin na lang ako ni Lord. Hays.

Syempre, joke lang! Marami pa kong pangarap na gustong tuparin ‘no!? Saka ‘di pa nga ko nagkakaroon ng serious relationship eh. Panay fling lang. Hmm, ganda ko talaga.

Pagdating ko sa tapat ng South Ridge High ay halos pumila na sa dami ang mga estudyante makapasok lang sa gate.

Oh, Ali! Mukhang tinanghali tayo ng gising ah?” Si Kuya Yem, school guard namin.

Baka isipin n’yo, feeling close ‘to si Kuya, hindi naman sa ganon. Sa anim na taon ko kasi dito sa campus eh, natandaan na rin niya ‘tong magandang mukha ko. Bakit ba?

Ahh, oo nga po eh. Natraffic po kasi ako d’yan sa may papasok ng village, naniningil po kasi ng 5 pesos ‘don ‘di ba kapag walang sticker? Ginawa na pong negosyo eh.” Natatawang paliwanag ko habang bumababa ng bike at inaayos ang bag ko.

“Osiya, paano po ba ‘yan, park ko na po ‘tong bike ko ha, saglit na lang po kasi, male-late na ko sa first period ko! Galingan n’yo po today, Kuya! Ngiti lang po palagi!” Nag-wave na lang ako at nagmadaling umakyat sa 2nd floor.

Pasensya na ang daldal ko, nasanay kasi ako na kinukumusta saglit si Kuya Yem sa umaga. Medyo may pagka-old soul kasi ako, kaya madali sa’kin maki-jive sa mga nakakatanda.

Naging habit ko na rin ang maya’t mayang pagtingin sa aking relos, kaya naman nang makitang 5 minutes na lang ay time na, lakad-takbo na ang ginawa ko.

Lagot! Saktong nasa last step na ko ng hagdan nang iniluwa ng pinto mula sa faculty room ang subject teacher namin.

Nauna lang siya sa’kin ng mga 3 minutes papunta ng classroom.

Jahe, first time ‘to ah! Nakasunod ako sa kanya, so apparently, mauuna siya sakin ng kaunti.

Buti na lang, bakante ‘yung seat sa may tabi ng pintuan, sana makalusot pa!

“Ms. Madrid? Is that your proper seat?” Mukhang mabe-bengga pa nga ako, ah? Ganda ng pa-breakfast ko today. Ni-hindi pa rin nga ako nagsusuklay eh. Lalaitera pa man din ‘tong si Ms. Ricarte! Ang talas pa ng memorya, hassle naman oh!

“Ahh, yes, Ms! I’ll go back to my proper seat. I’m sorry.” Pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Ay, grabe! Sigh of relief!

Buti naman at tinanguan niya na lang ako at ‘di na nagtanong pa. At dahil wala siyang sinasayang na oras, nag-umpisa na agad itong magcheck ng attendance.

Isa-isa niya kaming tinawag, syempre. Ayaw niya raw kasi ng nagfifill-up lang sa papel, dinadaya daw kasi ng ibang sections eh.

Kaya kahit medyo time consuming, naglalaan talaga siya ng 10 minutes para ma-assure na physically present ang bawat estudyante sa klase niya, kahit pa minsan, absent-minded.

“Barretto, Alfonso Luis C.? Not yet here?” ‘Pag sinuswerte nga naman ‘tong bespren ko, inabutan na naman ng attendance. Paano ba ‘to?

Hays, Cholo! Ano ba naman ‘yan! Syempre kailangan natin maging to the rescue n’yan. That’s what friends are for, right?

Kahit pa kabado, nagtaas na ‘ko ng kamay.

“Yes, Ms. Madrid? Nasa B pa lang ako. Nagpalit ka na ba ng apelyido?” Naging matunog ang hagikgikan ng klase. Lintek din talaga mamahiya ‘to si Ms. eh. Strike 2 na ko ah!

Ngitian mo lang siya, Ali. ‘Wag mong papatulan.

“Ahh Ms., si Mr. Barretto po, nag-CR lang, he’s on his way na po.” Shet, gumana sana ’yung magic ko. Kingina kasi nito ni Cholo, sa likod lang ng school ang bahay, palagi pa ring nale-late.

“Make sure he’s back here before I finish checking the attendance!” nag-uumpisa nang maasar si Ms.

Grabe! Para kong binuhusan ng malamig na tubig ‘don ah! Teka nga, matadtad na ng text ‘to si Cholo! Hays kahit kalian ka talaga!!!

“Madrid, Kristina Allison B.!” Napabalikwas naman ako mula sa pagkakatungo sa armchair.

May school policy kasi kami na bawal ang cellphone during class hours. Tss. Panira talaga ng umaga ‘tong si Ms. Ricarte. Malapit na yata ‘tong mag-menopause kaya high blood pa rin eh.

“Present, Ms!” Nagtawag pa siya ng ilang pangalan hanggang sa makumpleto niya ang listahan.

Halos nasa pinakahuling estudyante na siya nang biglang may kumatok sa pintuan at nakuha naman nito ang atensyon naming lahat.

“Good morning, Ms. Ricarte!” tatawa-tawang ani Cholo habang papasok ng classroom.

Ha! Akala mo ligtas ka na? Tingnan natin.

Pawis na pawis ang loko mula sa pagmamadali at halatang kakagising lang dahil sa namamaga pa niyang mga mata, sabayan mo pa ng pagkasingkit niya, parang wala na siyang makita.

“Akala ko ay hindi ka na makakarating Mr. Barretto, litro-litro ba ang inihi mo?” patutsada ng guro sa matalik kong kaibigan.

Sinenyasan ko naman si Cholo na hayaan na lang si Ms. at dumiretso na sa seat niya sa bandang kanan ko.

“Kingina, Ali! Anong sinasabi no’n?” Inis na bulong naman sa’kin ni Cholo pagkaupo niya.

“Ahhh, sabi ko kasi dumaan ka lang sa CR. Sorry naman, kaysa i-mark ka nya as late or absent. Tss! Wala ba munang thank you?!” Giit ko naman sa kanya.

“Pangit kasi ng gising ko. Maya na sa canteen, libre ko.” Pagputol niya naman sa’kin. Maraming namuong tanong sa isip ko ngunit pinili ko na lang tumango at makinig sa lecture.

Pero isa lang ang sigurado, may problema na naman sila sa bahay.

__________
xoxo, kie

Between UsWhere stories live. Discover now