Chapter 4

15 1 2
                                    

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Hindi naman nagagalit si Nanay dahil sanay na siya sa ganoon kong gising tuwing Friday. Ito lang kasi ang bakanteng araw ko para magpahinga.

Kapag naman Sabado't Linggo ay maaga kaming gumigising para maglaba at mag-general cleaning ng bahay. May pasok pa ang mga kapatid ko pati na rin si Tatay dahil normal naman ang schedule nila. Binubuno nila ang weekdays sa eskwela at si Tatay naman ay sa pabrika.

To keep myself busy and entertained today, kinuha ko ang panggantsilyo ko at napag-isipang tapusin ang bag na matagal nang nakatengga sa cabinet ko. The original plan was to have it done before graduation. Inumpisahan ko iyon last February pero March na at nangangalahati pa lang ako. Hassle. Aabot pa kaya 'to?

Ibibigay ko sana 'yon kay Biancs. Hindi naman mayaman ang pamilya nila. Katulad lang 'din namin sila na maykaya sa buhay. Nakakaraos sa pang-araw-araw, at kung sinuswerte ay naibibigay ang hilig at nasusunod ang luho.

Kabaligtaran ni Cholo na masyadong mayaman, pera ang pinag-aawayan ng pamilya. Sobra sa pinansiyal na pangangailangan pero kulang sa pagmamahal. Tho, mabait naman si Tita Lyn, ang mommy niya.

O baka, sa akin lang siya mabait? Sabi kasi ni Cholo ay madalas siyang pagalitan ng parents niya. Palibhasa'y middle child, isinasabuhay niya yata 'yung mga Psychological trivia na black sheep siya.

Nag-iisip ako ng pwede kong iregalo kay Cholo habang ginagawa ang shell design mula sa mga chains ng crochet thread na hawak ko. Iyon siguro talaga ang kakaibang power ng utak natin 'no? It doesn't stop working. Not that it doesn't want to, but it just can't. Parang kapag nago-overthink lang. Hays.

Mabilis na natapos ang araw at finishing touch na lang ang kulang sa bag na iyon. Masyado akong nalibang sa ginagawa kaya naman halos matapos ko na. Kinailangan ko lang ng ibang kulay ng thread para sa sling nito kaya naman sa Linggo ko na lang gagawin 'yon.

Naging mabilis ang paglipas ng araw dahil sa dami ng house chores na kailangan naming tapusin.

Tulad ng napag-usapan ay dadalhin ni Cholo ang bike dito sa bahay ngayong Linggo.

Napagpasyahan kong tumambay muna sa veranda dala-dala ang ginawa naming graham cake ni Ani upang magpahinga dahil kakatapos lang namin sa lahat ng gawain.

Hapon na nang tumunog ang phone ko. Habang umiinom ng tubig ay kinuha ko 'yon at binasa ang message.

Message received

From: Cholo Panget

Hey, im omw na.

Muntik ko nang maibuga ang tubig mula sa bibig ko dahil sa pagka-conyo ni Cholo! Kingina! Nagmamadali na siguro siya dahil hapon na.

Maya-maya pa'y may bumusina na sa tapat ng bahay namin. Napaisip naman ako na baka may iba pang lakad si Cholo dahil dala niya ang Navara nila. 'Yun bang parang pick-up truck na sasakyan na may kargahan ng gamit sa likod. Pero 'yung pang-mayaman ang datingan. Ah, basta ang hirap mag-explain.

Dali-dali kong binuksan ang gate para papasukin siya. Sakto namang nakuha niya na ang bike ko mula sa sasakyan kaya naman idiniretso niya na sa grahe iyon.

Sinalubong naman siya ni Tatay pagpasok niya sa loob ng bahay.

"Oh, Cholo! Long time no see, ah?" ani Tatay sabay mano ni Cholo sa mga magulang ko.

Naupo naman siya sa single sofa saka ngumiti at tumango sa mga kapatid ko.

"Ahh, opo, Tito! We've been very busy po eh. Alam niyo na po, graduating." Saad niya sa mga ito.

Sumingit naman si Nanay sa usapan. "Dito ka na maghapunan, hijo."

Tumingin naman ako kay Cholo at sumenyas kung okay lang sa kanya dahil malakas ang kutob ko na may date siya tonight.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between UsWhere stories live. Discover now