Nga pala, bago ko makalimutan, STEM strand si Cholo kasi plano niyang mag-engineer! Ako naman, HUMSS kasi I would want to take a pre-law course in college.
Aba, kung mayroon lang special award na "greatest best friend ever", I'll consider myself as the one for him!
We've been through a lot. Tampuhan, iyakan, sapukan, kahit hanggang guidance office pa 'yan! Name it! We are really that close.
But I guess those things just made our bond a lot stronger, and I'm beyond proud to say that, we're on our 5th year on this merry-go-round friendship.
Oh! Walang malisya, friends lang talaga.
Since Senior High na, naging classmates na lang kami sa mga General Education subjects namin, katulad kanina sa Oral Comm. Sobrang strict kamo ni Ms. Ricarte kaya kahit nandito na kami ni Cholo sa canteen to take our break, eh hindi pa rin ngumingiti 'tong kasama ko!
Tumikhim ako nang maupo sa table na pinili niya.. "Hoy! Eto na sukli! Manlilibre ka na lang ako pa pabibilihin mo. Kainis!"
Nilingon niya ako pero wala pa ring emosyon ang mukha niya. Badtrip pa rin. "Sige, sa'yo na 'yan. Upa, ganon!"
"Anong upa? Akala mo binilhan kita ng sa'yo?" Natatawang sabi ko.
"Oo! Kung nahihiya ka ay bibilhan mo 'ko! Kita mo nang wala ako sa mood eh!" Sabay tayo niya at pumunta na sa line.
Wow! Utusan na rin ba ko ng gagong 'yon? Eh parang araw-araw na lang ay nagiging human alarm clock niya 'ko! Walang palya ang pagtext ko sa kanya every weekdays para gisingin siya at ipaalala sa kanya na nag-aaral siya!
Aba, Alfonso Luis! What a thick face you have!!
Pagkalapag niya ng tray sa table, ay saktong pagtayo ko papunta sa may counter para ibalik ang utensils ko. May deposit kasi na five pesos, sayang naman.
Sinira niya talaga ang mood ko sa mga pinagsasabi niya kaya naman binilisan ko nang kumain para 'di niya na ko maabutan.
Kinuha ko na ang aking bag at iniwan siya mag-isa sa canteen. Napamaang lang siya at 'di na nagsalita pa. Alam na alam niya talaga 'pag ako na ang nabadtrip kaya 'di na niya ginatungan pa.
Naisipan kong pumunta na lang sa library para magpalamig dahil nga pinainit ng punggok na 'yon ang ulo ko!
Nang makahanap ako ng vacant table ay nilabas ko ang Statistics book ko para i-refresh ang lesson namin about standard deviation kahapon.
Chapter 3 na kasi kami ng groupmates ko sa thesis kaya marami na kaming computations na gagawin.
Habang nalulunod ako sa pagbabasa, ay may mga panget na bumasag ng focus ko!
"Teh, baka gusto mo munang magpahinga. Breaktime naman, panay ka pa rin aral d'yan?" Si Mella, kaibigan ko since Junior High. She's with our JHS friends, Kath and Bianca.
Napatawa naman si Kath na para bang 'di na nasanay sa mga biro ni Mella.
"Oo nga naman, Ali. 'Di ka pa nga yata natutunawan n'yan." Dagdag niya sa pang-aasar sa'kin ng kaibigan.
"Hayaan n'yo nga siya guys. Pinapunta niya ko rito para sa thesis namin!" Mabilis na singit naman ni Bianca, groupmate ko at super duper close friend.
Napamaang ako sa sinabi ni Biancs dahil wala akong maalala na nagpadala ako ng message sa kanya tungkol sa thesis namin.
Naupo siya sa vacant seat sa tapat ko at naglabas din ng notebook at ballpen. Mukhang seryoso siya na magdi-discuss kami ng thesis sa oras na 'to. Lalong uminit ang ulo ko.
Balak ni Mella na maging accountant kaya naman ABM ang napili niyang strand. While Kath is taking up STEM because she wants to become a nurse in the near future. Ngayon pa lang, proud na kami sa kanya dahil magiging isa siyang frontliner para maglingkod sa bayan. Magkaklase sila ni Cholo sa mga major subjects.
Si Bianca naman ay gustong sumunod sa yapak ng Mom niya na isang teacher, the reason why we are on the same page.
"Siya, maiwan na namin kayo at dadaanan pa ni Kath ang workbook niya sa Chem Lab." Pagbawi ni Mella, saka nagbeso sa'kin.
"Kita na lang tayo after dismissal." tugon ni Kath at dumiretso na sila palabas ng library.
Binalot ng katahimikan ang paligid. Masyado yatang obvious na wala ako sa mood kaya 'di mawari ni Biancs ang sasabihin.
Magsasalita na sana ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Buti na lang at text lang 'yon kaya naman hindi ito nagdulot ng malaking ingay.
Message received
From: Cholo Panget
Sa'n ka? Peram bike. Daanan mo na lang dito sa bahay.
Napatitig ako nang matagal sa phone at pikon na pikong napapikit sa sobrang pagkainis. Napamura ko sa isip.
"Oh, bakit? Sino 'yan?" Usyoso ni Biancs sa phone ko.
"Ahh, wala. May ungas lang na nangungulit sa'kin." Saad ko, at mabilis na isinilid ang phone sa bag.
Ngumisi naman si Biancs at tuluyan nang nag-imagine ng kung ano-ano.
"Manliligaw mo?" Kinikilig na anas niya.
Agad naman akong napalingon sa gawi niya at inambahan siya. "Sapok, gusto mo?"
Napaiwas naman siya ng tingin at kapagkunwa'y nilaro-laro ang ballpen na hawak.
"You know what, why don't you entertain some other guys, Ali? Si Cholo? He's smart and handsome, gurl. Full package! Why don't you give it a try?
Natawa naman ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya with my WTF-look.
"Are you out of your mind? 'Di kami talo!" Napapailing pang sambit ko na para bang siguradong-sigurado sa sinabi.
She looked at me with an amused smile like she's not even convinced with what I've just said.
"Or baka naman hininintay mo pa rin si-" sambit niya.
Napasinghap ako kaya naman naputol nang kusa ang sasabihin niya.
"Please, Biancs. Don't dare to mention his name ever again.." sabat ko, at iniligpit na ang mga gamit kong mukhang hindi man lang nagulo mula pa kanina.
Kingina, mood swings. Magkakaroon na ba ko?
Agad naman siyang sumunod sa'kin dahil magkaklase kami sa next class, major 'yon. Creative Writing.
Natapos rin agad ang maikling discussion dahil ni-remind lang kami ng subject teacher regarding sa final output namin na isang full-blown novel.
"Ali!" Tawag sa'kin ni Biancs bago ako lumabas ng classroom. Nagmamadali ako dahil dadaanan ko pa kina Cholo ang bike ko. Hays, hassle talaga.
Nilingon ko siya at nginitian, para naman mawala ang awkwardness sa'min dahil sa napag-usapan kanina sa lib.
Dahan-dahan siyang lumapit at pilit na ngumiti pabalik sa'kin. Kinabahan naman ako sa iniasta niya at hinintay na magsalita siyang muli.
"Have you heard about it?" Nag-aalangang tanong niya.
My brows furrowed upon hearing that question. It was just a simple one but my heart skipped a beat. Napuno ako ng pagtataka sa mga kinikilos niya pero parang nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.
"He's back, Ali. He's here." Nauutal na aniya.
Natulala ako at sandaling nawala sa sarili. Makalipas ang halos isang oras at mahabang paglalakad, namalayan ko na lang ang aking sarili sa tapat ng bahay namin. Hindi na nag-abala pang dumaan kina Cholo para kunin ang bike ko.
__________
xoxo, kie