Kabanata 2

3 1 0
                                    

Kabanata 2

Lipstick

"Girl bibili ako ng burger sa baba hindi kasi ako nakapag breakfast kanina. Sama ka?"

Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Lovi galing sa avr na nasa dulong bahagi ng fourth floor.

"Ayoko, I'm not feeling well. Sumasakit na ang ulo ko." Medyo namamaos na sagot ko sa kanya.

Hindi naman ako gaanong nabasa kahapon at nakaligo naman agad ako pagkauwi pero parang sisipunin yata ako.

"Oh?! Tingin nga." Lumapit sa akin si Lovi at sinipat ang aking noo at leeg. Nang matantong medyo mainit nga ako ay nagmadali syang kunin ang wallet sa bag.

"Nawawalan ka na ng boses. Ano ba yan!"

Iniabot nya sa akin ang isang gamot at kinuha ang bote ng tubig na bawas na.

"Mabuti na lang at parati akong may dalang gamot. Kumain ka ba? Inumin mo yang gamot ha para gumaling ka."
Kinuha ko ang gamot at tubig na inabot nya.

"Wag kang mag alala kabibili ko lang ng tubig na yan kanina bago ako tumaas dito. Ako lang ang uminom dyan."

"Thanks. Bumili ka na ng pagkain mo dahil baka dumating na ang sunod na prof." Paos na ang boses ko at mababakas na doon ang panghihina at nararamdaman ko na parang may pumipintig na sa loob ng ulo ko.

"Bakit kasi pumasok ka pa kung masama na ang pakiramdam mo? Ipasundo na kaya kita?"

"Wag na. Last subject na at kaya ko naman."

"Hayss. Bibili ako ng kool fever para umokey ka na ng totoo. Nagpaulan ka kahapon no? Alam na sakitin na nga...tsk tsk tsk." Doon ay umalis na sya kasama ang isa naming kaklase na kanina pa naghihintay sa kanya.

Noong gumising ako kanina ay maayos naman ang pakiramdam ko. Ngayon na lang sumama dahil na rin siguro sa panahon. Sobrang init kanina sa labas at sobrang lamig naman dito sa loob ng room dahil sa aircon. Idagdag pa na nabasa ako ng ulan kahapon.

Inihilig ko ng bahagya ang ulo sa may binta. Ngayon ko lang ata nagustuhan ang pwesto na ito na nasa may bintana sa bandang unahan. I never like this seat of mine dahil madalas ay nakatanaw lang ako sa mga students na dumadaan sa hallway sa halip na nakikinig sa lecturer.

Nasa ganoon akong lagay ng pumasok sa isip ko si Russ.

Siguro ay nilalagnat na siya ngayon dahil kumpara sa akin ay mas basang basa sya kahapon. Hindi ko sya nakita kaninang umaga na kasama ni Oliver noong pag akyat ko dito sa fourth floor.

Baka absent.

How stupid of him kung hindi sya naligo at uminom man lang ng gamot. Tsk

Teka..ano namang pakialam ko sa kanya?

Medyo naiirita na sa naiisip ay ipinikit ko na lang ang aking mata. I badly want to take a nap but it will just worsen the situation. Lalo lang sasakit ang ulo ko.

After a few minutes ay dumating na ang lecturer at bago pa man sya magsimulang magdiscuss ay nagtext ako sa driver na magpapasundo dahil hindi ko kakayaning magdrive.

Nagtagal ng halos tatlong oras ang huling klase at kahit papano naman ay may naintindihan ako. Dumating si Lovi kanina dala ang pangakong kool fever at kahit na nahihiya akong gamitin iyon ay wala na akong nagawa dahil mas makakagaan naman talaga ng pakiramdam ko kung ilalagay ko nga iyon sa aking noo.

Sa loob ng elevator ay hawak ako ni Lovi kahit na hindi naman kailangan dahil kaya ko naman.
Simula pagkalabas namin ng room ay salita na sya ng salita at naririndi na ako. Mas lalo atang sumasakit ang ulo.

In Love With Your FlawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon