Kabanata 3
Picture
Isang oras at kalahati lang ang itinagal namin sa unang subject dahil hindi naman iyon major subject at tanging about sa history ng school at kung ano ano pa na related sa pagkakabuo ng institusyon na aming kinapapalooban.
We have a twenty minutes break before the next subject which is also not a major one. Hindi na kami bumaba pa ni Lovi dahil magiging hassle lang. Nanatili na lang kami sa loob ng room at ilang kaklase na kapareha din namin ng kurso. Ang ilan naman na sa subject lang na iyun namin kaklase ay umalis na dahil may kasunod pang klase sa ibang room.
Lovi is busy curling her lashes at inabala ko na lang din ang sarili sa panonood sa kanya.
Hindi naman ako ignorante sa paglalagay ng talagang hindi ko lang hilig ang maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ako komportable.
"Kamusta kaya si Gian, Hobi? Siguro ngarag yun dahil ang dami nyang hahabulin."
"Siya mangangarag?" Then I gave her a 'are you serious look'. "Matalino naman si Gian at magaling sa time management. For sure makakahabol din agad yun."
"Sabagay, varsity nga pala ng basketball yun noong highschool at kahit na hirap sa training at acads ay nagawa pa ring grumaduate ng may honor at mvp pa ng magkakasunod na taon."
Parehas kaming napangiti ng maalala iyon. Totoong achiever si Gian. Matalino na gwapo pa, kaya malaki rin ang pagtataka namin ng nagawa pa syang lokohin ni Sanny gayong napaka swerte na nya sa boyfriend. Bukod sa mahal na mahal sya ni Gian ay kahit kelan noong sila pa ay hindi ito nawawalan ng oras sa kanya miski sobrang abala sa maraming bagay.
Gian's not only a good catch but the very best catch. It is so rare to find someone like him. Kaya hindi kataka taka na marami ang nagkakagusto sa kanya at isa na nga ako roon.
Me crushing him is not a secret for everyone. Halata naman iyon sa kilos ko pero ewan ko ba, hindi ako nahihiya o miski nakaramdam man lang ng ilang ng kumalat iyon dati.
I don't have a lot of crushes just like other girls of my age. Honestly, sya lang ang naging crush ko at napakaswerte ko naman dahil naging kaclose ko pa.
I had a lot of suitors way back and all of them are all nice looking but I don't do boyfriends. Masyado pa akong bata noon para doon and besides I don't easily like a guy. Gian's my one and only crush for the reason of having a substance. He's not only charismatic and attractive because of the looks but also because of his very pleasing attitude and broad mind.
"Yeah, so stupid of Sanny for wasting someone so precious like him."
"Ewan ko din nga dun sa babaeng yun. Gwapo rin naman ang ipinalit kaya lang ang sabi sakin ni Drei, babaero daw yun at kama lang ang habol sa babae. Kaklase nya yun sa isang subject at naging magkagroup pa sila sa isang project. Nung araw nga ng gumawa silang project ay ibang babae ang kasama at hindi si Sanny..." Iiling iling na sabi ni Lovi. "hayy kawawang Sanny." saka dinampot ang cellphone at nagselfie para isend sa boyfriend.
Bakit kaya may mga taong ganun. Hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila at nagagawa pang maghanap ng iba.
Napailing na lang din ako sa naisip at tinanaw ang maliwanag na kalangitan. We didn't sit to our usual sit at piniling dito maupo malapit sa bintana na tanaw ang malawak na field ng school at katabing parking lot.
Siguro ay nasa Singapore na sila mommy dahil mabilis lang naman ang flight papunta doon.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Lovi matapos nyang magpicture nang dumating na ang prof kasunod si Russ.
BINABASA MO ANG
In Love With Your Flaws
Novela Juvenil#1 Alena Hope Arevalo and Lincoln Austin Ramirez story. ©