This can't be, Borrow One from Three!

131 4 2
                                    

Chapter 3: This can't be, Borrow One from Three!

"Inhale!" saka ako huminga ng malalim
"Exhale!"

"Hoy! Baka maubos na ang oxygen sa kaka-inhale mo dyan, aba magtira ka naman! Ikaw naman kasi masyado mong dinidibdib ang mga pangyayari eh may likod ka pa naman." ani Syra habang nagmamaneho.

"Eh wala naman akong didibdibin kung wala silang ginawa sa'kin. Sila kaya ang nanguna! Bakit? Sino ba ang nang-away dahil sa nabaling lipstick? Sino ba iyong nanabunot dahil sa jowa nyang bisugo? At lalong higit... sino ang tunay na nang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend? Ako ba? Hindi ba iyang mga baklang iyan?"

"Eh kaya nga may konsepto ng pagmu-move on! Tapos na eh, mag-move on ka na lang! Nangyari na lahat ng puwedeng mangyari sa pagitan mo at ng sangkabaklaan, sa tingin mo ano pang puwedeng mangyari? "

"Ano pang puwedeng mangyari? Marami Syra! Marami pa! Baka maya-maya lang may mababangga tayong bakla! Tapos huhulihin tayo ng baklang traffic enforcer! Tapos isusurrender tayo sa baklang pulis! Tapos ikukulong tayo kasama ang mga baklang inmate! Tapos bubugbugin tayo ng baklang lider ng gangster sa loob ng preso! Tapos gagamutin tayo ng baklang doktor pero mamamatay tayo! Tapos eembalsamuhin tayo ng baklang embalsamador! Tapos ililibing tayo ng baklang supulturero! Tapos iiyakan tayo ng Crying gays! Tapos ano pa?! Ano pa?! Sabihin mo!" gigil na sabi ko kay Syra.

"Tapos may magdidiwang na bakla kasama ang ex-boyfriend ng isang babaeng napagkamalang bakla and they live happily ever after!" asar na sagot niya sa akin. "Ang saya, 'di ba? Kaya ka nga pumunta dito sa Laguna para mag-recuperate at mag-move on, tapos nagkakaganyan ka. Kung saan-saan na nakakarating iyong imagination mo, dinamay mo pa ko."

"Bakit hindi ako magkakaganito? Nakita mo naman iyong mga nangyari, 'di ba? Sobrang sunod-sunod ang disaster na ginawa sa'kin ng sangkabaklaan! Sinong hindi magwawala? Iyong awayin ka tapos sabunutan ka ng bakla! And worse napagkamalan akong bakla! Grabe! Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas mang-asar ng tadhana! "

"Eh baka pati tadhana bakla!" anito saka umirap. " Kanina pa tayo paulit-ulit dito Princess Shaine Alvarez! Ano ba?! Sabi nang move on, PS! Move on! Alam mo kung patuloy ka pang magpapaapekto sa issue ng sangkabaklaan maha-high blood ka lang. Kumalma ka! Isipin mo na lang at the end of the day merong magandang mangyayari at iyon ay ang makitang muli ang lolo, lola at kapatid mo. So smile and think positive!"

Natigilan ako saka tinitigan si Syra, " Seriously? Sino iyong nagsalita? Sino ka? Lumabas ka sa katawan ng taong iyan kung ayaw mong pagsisihan ang-- AYY!! Ano ba bakit ka biglang pumreno?!"

"May biglang tumawid na bakla eh."

"Wala naman eh!"

Pambihira! Nantitrip na naman to.

"Ah wala ba. Parang may nakita ako eh. Ngapala may ikukwento ako sa'yo..." saka ito tumikhim at muling nagmaneho, "Na-sightings ko ang post ng Mario Quirino sa IG yesterday and guess what? Ang fafable pala ng ipinalit— "

"Cheee!!! Manahimik ka kung ayaw mong hugutin ko yang kaluluwa mo mula dyan sa katawang lupa mo!"  pagputol ko sa pang-aasar ng bruha,  "Hindi ko alam kung pinagmu-move on mo ako o sadyang pinaglalaruan mo lang."

"Char lang. Lakas mo ring mang-asar eh. Pero seriously, I want you to move on. Kaya chill ka lang. Kalma."

"As of the moment, I can't just stay calm. Hindi ko sila mapapatawad! Mark my word, 'pag may bakla pang humarang sa landas ko, tatanggalan ko talaga ng skeleton kasama ang bungo tapos gagawin kong bulalo!"

"Eeh! Why so violent? Puwede ba maghinay-hinay ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Mamaya may makarinig sa'yo sugurin ka pa ng mga kafederasyon. Anyway, saan ba 'ko liliko? Una o pangalawang kanto? "

P.S. I Love You! (Kuwentong Pag-Ibig ng Babaeng Bakla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon