Turning Tables

80 3 3
                                    

Chapter 4: Turning Tables

Nice to meet you, where you've been,
I can show you incredible things,
Magic, madness, heaven, sin
Saw you there and I thought
Oh my gosh, look at that face
You look like my next mistake,
Love's a game, wanna pla---

Ay, takte... Ang aga pa, sino ba 'to?

"Hello, sino 'to?" pupungas pungas na tanong ko sa nasa kabilang linya.

Ilang oras pa lang kasi ako nakakatulog. Ewan ko ba, kahit anong pilit kong blankohin iyong utak ko para makatulog, kusang bumubukal ang sandamakmak na isipin na hindi nagpatulog sa'kin. Ang pagiging bakla ni Shaune, iyong sakit niya saka si...

" PS, s-si Marqui to. "

" Sino— awww!"

Sa gulat ko sa nasa kabilang linya ay napapitlag ako kaya bahulog ako sa kama. Ouch!

"Si Marqui 'to. Teka, anong nangyari sa'yo? Are you okay?"

"H-ha? Ah, wala. Bakit ka ba tumawag? "

Putek! Ansakit ng puwet ko!

"A-ano k-kasi..."

"Ano? Mas mahalaga pa sa platinum ang bawat segundo ko kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin," panggagaya ko sa linya nito.

Siyempre, taray-tarayan lang kunwari. Broken hearted eh, masakit ang puso. Pero mas masakit talaga ang puwet ko ngayon.

"Ah... I-i just wanna hear your voice..."

A-ano raw?

"Ah... I-i just wanna hear your voice... "

Pakiulit?

"Ah... I-i just wanna hear your voice... "

Gusto daw niyang marinig ang boses ko!? Iyong boses ko gusto daw niyang marinig?! Anak ng tokwa! Nilayasan na ako ng antok sa narinig ko! My goodness! Spell KILIG? Waaah! Kumakawala na naman ang puso ko mula sa ribs ko!

Pero teka... HINDI PWEDE TO! NILOKO KA NG KUMAG NA IYAN! IPINAGPALIT KA NIYAN SA ISANG NAKABABAHING NA PAMINTA! HUWAG KANG MAGPAPADALA SA MALALANDING SALITANG GINAGAMIT NIYA! COMPOSURE PS! COMPOSURE!

"K-kung ano..." nauutal na tugon ko pero hindi ko alam paano itutuloy.

Princess Shaine umayos ka, si Mario Quirino lang iyan, ang dakilang manloloko kaya pumanatag ka, " Kung w-wala ka nang s-sasabihin, ie-end ko na—"

"Huwag! Teka lang. Tumawag talaga ako para alamin kung anong oras tayo magkikita mamaya. Hindi mo kasi nasabi kagabi noong tumawag ka. "

Oh 'di ba? Basag ka ngayon! Asa ka pa eh noong niloko ka nga niyan ni hindi mo naranasang sumabog ang inbox o kaya malula sa dami ng miss calls niya para mag-explain sa'yo! Tumawag iyang baklang iyan dahil lang sa usapan niyo! Iyon lang, PS!

"10 am. Sige—"

"I love you, PS. I still love you. Please—"

I ended the call. Uso magputulan ng sasabihin. At last sinabi niya din iyong mga salitang iyon. Iyong mga salitang ang tagal-tagal kong hinintay na marinig mula sa kaniya.

Pero bakit ngayon lang niya sinabi ang mga iyon? Bakit ngayon pang huli na ang lahat? Siraulo ka talaga Mario Quirino! Bakit ba pinahihirapan mo pa nang husto ang kalooban ko?

"BOOOOOOO!"

"Ay Mario Quirinong kalabaw! Eh... Ano ba Syra? Gusto mo bang pati ako magkasakit sa puso?! Pambihira!"

P.S. I Love You! (Kuwentong Pag-Ibig ng Babaeng Bakla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon