OO NA! AKO NA!

36 3 3
                                    

Chapter 7: OO NA! AKO NA!

" H-hindi nagkakamali ka, hindi a-ako yun... ah... Ano bang event ang pupuntahan mo? " tumalikod ako saka humanap ng suit na ibibigay dito, " Ah ito parang maganda tong pinstripe suit. Sige sir, itry mo, mukhang bagay sa'yo."

Hindi! Hindi ako aamin! Hindi pwedeng may makaalam nitong kalokohan namin. Magugulo yung lahat ng plano.

He gave me a sly smile, " Why do you have to look so tense? Wala naman akong gagawing masama kung ikaw nga yon. "

" Eh, hindi nga kasi ako yun. Maghubad na lang po kayo at isuot to. " inis na sabi ko dito pero tiningnan lang nito yung inaabot ko, " Sir? "

" Maghubad? Sigurado ka bang gusto mo kong maghubad dito sa harapan mo? Unless you want to see my... " he said while smirking then tap his abdomen , " 8 packs. "

Kapit guys, lakas ng hangin.

" Siyempre sir, kaya nga may konsepto ng fitting room, malamang dun kayo dapat maghubad at magbihis. " sarkastikong sabi ko dito.

Ngumisi na lang uli ito saka kinuha yung suit. Ngisi ng ngisi, sarap haklitin ng bunganga.

" Hmmm... Ayoko nito, parang masyadong formal tingnan. I want a simple one pero magi-stand out pa rin yung kagwapuhan ko. " nakahawak sa babang sabi nito.

" Kagwapuhan... baka kayabangan. " pabulong kong sinabi saka humanap ng suit na pupwede dito. " Sir how about this one, brown shawl lapel jacket. Pwedeng simpleng plain v-neck shirt lang ang ipangloob dito. "

Tiningnan lang nito ng nakakunot noo yung suit na inaabot ko saka umiling, " Masyadong malaki yan para sa'kin. Ayoko niyan. Ihanap mo ko ng iba. "

Asar! Composure, PS! Customer yan.

" Sir, we also offer bespoke services. Baka po gusto niyo para hindi na tayo mahirapang maghanap. Magagawa pa natin yung style na gusto niyo. "

" Nah. I need the suit tomorrow morning. Hindi na yun kakayanin kung igagawa niyo pa ko. " anito saka umupo sa sofa na naroroon.

" Eh bakit naman ngayon lang kayo naghahanap bukas na pala kailangan? " sabi ko dito ng may pekeng ngiti kahit asar na asar na ko. Nakakainis, sarap kutusan!

" You know a very busy person like me has no time for this stuff, it's just that I really need a new suit for the opening of my new coffee shop branch. Ayoko na kasi ng nag-uulit ng damit. "

" Siya sige po, kukuha lang ako ng mga suits na pwede niyong pagpilian, diyan lang po kayo. " sabi ko na lang dito saka ito tinalikuran.

Bakit pa kasi napadpad tong kumag na to dito? Kainis! Pumasok ako sa stock room at kumuha ng mga coat at jackets, dumampot na rin ako ng mga trousers at ties na pwede nitong pamilian. Medyo dinamihan ko na ang kinuha kong mga designs para kung sakali mang mag-inarte yung lalaking yun eh hindi na ko mahirapan.

" Wow! Now I'm not going to ask what took you so long. " amazed na sabi nito ng makita ang mga dala ko saka muling bumalik sa pagbabasa ng magazine.

Aba, kapag hindi ka nga naman namangha sa dami ng dala ko. Pati nga ako eh nahirapan na kasi bahagya na kong makahakbang. Tiningnan ko ito pero mukhang wala man lang itong balak tumulong.

" Grabe talaga ang panahon ngayon no sir? Hindi na uso ang GENTLEMAN. " parinig ko dito.

" Oo, hindi na talaga uso ang gentleman. Sinasayaw na nga lang yun eh. " anito habang nakatingin pa rin sa binabasa nito.

Wala na kong masabi. -_-# Pinilit ko na lang madala yung mga bitbit kong damit papunta sa pwesto niya.

" Hayan sir, pili na! " saka ko ibinagsak ang mga iyon sa lamesang nasa harapan nito, " Pinili ko yang mga sa tingin ko eh fit sa'yo. Kayo na bahala. Meron na diyan yung magkakapartner talaga pero pwede na din po kayong magmix and match ng coat and trousers na aayon sa panlasa niyo. "

P.S. I Love You! (Kuwentong Pag-Ibig ng Babaeng Bakla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon