Alexa's POV
"Tara sabay sabay na tayo pumunta sa canteen." Pagaaya samin ni Krisha...lunch time na namin at nagliligpit nalang kami ng gamit para makakain na...
"Agree ako sayo." Kumindat pa ako habang nakangiti pagkatapos kong sabihin yon...tumawa pa kami ng sabay...
"Oh pano,bilisan nyo na kasi nagugutom na kami."...
"Oo na ayan na tapos na."...sabi ni Ethan habang sinusuot yung bag niya.."Oh tara na bilis.."...
Tiningnan ko si Gab pero tahimik lang siya at hindi nagsasalita kaya kinausap ko...
"Huy,bakit ang tahimik mo?." Akala ko hindi siya sasagot pero pagkalipas ng ilang segundo saka siya sumagot...
"Kasi nalulungkot ako." Mahina pero sapat lang para marinig ko ang bulong niya..
"Bakit ka naman nalulungkot?." Tanong ko dito...akala ko sasagot ulit siya pero hindi na siya ulit nagsalita...
Dahil iniisip ko kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niya kanina ay di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng canteen...kaya nabunggo ako kay Ethan,siya kasi yung nasa harap ko..
"Oops!,sorry.(^_^V." Sabi ko sabay nag peace sign...
Natatawa nalang na pailing-iling si Ethan at Krisha habang straight face naman si Gab...kaya napapout ako...
"Pinagtatawanan niyo na naman ako:3." Sabi ko saka nagpout..
"Hahaha,ang cute mo tara na nga." Sabi naman ni Ethan at pumasok na kami sa canteen...pagpasok na pagpasok palang namin nakita agad namin ang Dark Ace at doon narin kami umupo...
"Hi guys." Sabi ko saka kumaway...
Pumunta ako sa tabi ni kuya Xav...sila Ethan at Krisha pumunta sa kabilang side pero puno na sila dun kaya sa side ko na tumabi si Gab...
"Kuya Xav nakaorder na ba kayo?."
"Oo kanina pa habang inaantay namin kayo,umorder na kayong apat hihintayin namin kayo.?"
"Sige,order lang kami kuya ha?."
"Tara na." Sabi ni Krisha...tumango naman kami sakanya at sumunod..
Nang makarating kami sa cashier nagkanya kanya na kaming order. At bumalik na sa pwesto namin..mabilis lang naman dumating yung order namin at kumain na kami...habang kumakain kami nag-uusap usap din kami ng mga kung ano ano lalo na si reese grabe kung magpatawa... kung ano ano ang sinasabi...halos lahat nakatingin samin pero wala silang pake kung maingay kami subukan lang nila pagbawalan kami lagot sila samin...
"Eto pa,eto pa,ano ang english ng batang kambing?."
"Edi Kid." Koro na sigaw namin.
"Eh english sa matandang kambing?."
"Edi Goat." Koro ulit namin.
"Eh ano ulit sa maliit na kambing?."
"Kid nga." Sigaw namin paulit ulit ha...
"Hindi kaya,tanong niyo kung ano."
"Ano!?."
"Edi kapirang-GOAT"..
"Ahhahahahaha!!!." Tawa namin kahit medyo corny...
"Eto pa,convo ng isang holdaper saka nung hostage niya. Sabi nung holdaper 'bigay mo wallet mo o papasabugin ko yang ulo mo?',tapos sagot naman nung hostage 'Okay lang parehas naman walang laman yan'."
"Hahahaha!!!.Ayoko na,sumasakit na tiyan ko sa kakatawa." Sabi ko sa kanila.tapos na kaming kumain kanina pa at umalis kanina si gab ewan ko ba kung saan yun pumunta.."Guys wait lang ha,punta lang ako sa restroom." Umalis nako at pumunta na sa Restroom...pagpasok ko pumasok agad ako sa cubicle at narinig ko na may naguusap na dalawang babae...kaya hindi muna ako lumabas..
"Uy, nabalitaan mo ba na may mga gwapo daw na lalaki dito,transferee ata dito sa school eh."
"Oh talaga?,kanino mo naman yan nalaman?."
"Narinig ko lang may mga nag-uusap na mga babae,ihhh excited nakong makita sila." Kinikilig na sabi nung isa.Psh! Pwera gwapo lang,kilig na agad pano naman yung ugali nila.Hay! Girls!
Nang makaalis na yung dalawang babae ay lumabas na ako ng cubicle at nag ayos ng sarili inayos ko na rin pati yung salamin ko nagmomoist kasi...pagkatapos ko magayos lumabas na ako ng cubicle at umalis na. pumunta muna ako sa library para matulog itinext ko nalang sila...
Pagdating ko sa library kumuha muna akong libro para pantakip sa mukha ko,nang makakuha na ako ng libro.binuklat ko ito at pinantakip ko na sa mukha ko para matulog.
*************
GAB'S POV
Kringggggg!!!!..Kringgggg!!!..
Nagising ako ng biglang magring yung bell...ang tagal ko rin palang nakatulog...pasukan na at paalis na sana ako ng may mahagip ang mata ko,nakatagilid siya sakin at mukhang natutulog..
So pinuntahan ko na siya since magkaklase naman kami at baka malate pa siya...
Nang nilapitan ko ito at umupo sa tabi niya para gisingin,inalis ko na yung libro na nakatakip sa mukha niya akala ko magigising na siya dahil biglang humarap yung ulo niya sa akin pero tulog parin ito...
Napagmasdan ko yung mukha niya at masasabi kong maganda siya hindi lang masyadong nailalabas yung ganda niya dahil sa salamin niya...
Maya maya biglang kumislot ito at nagising...
"Gising na late na tayo oh,bell na." Bigla naman itong napaayos ng upo sa sinabi ko at tumingin sa relo niya...
"Oo nga hala,tara na bilis." Nagmamadaling sabi niya saka iniwan nalang basta don yung libro.
Habang naglalakad kami biglang nagsalita si Alexa..
"Uy Gab,ano ba yung sabi mo kanina na nalulungkot ka?."
Narinig niya pala yon,sabagay halos magkatabi lang naman kami kanina ng sinabi ko sakanya yun eh..
"Wala yon."
"Uhm,Gab pwede ba tayong maging magkaibigan?."
Tiningnan ko ito at sumagot.
"Bakit mo naman ako gustong maging kaibigan?."
"Magaan kasi ang loob ko sayo"....."oh ano pwede ba?."
Napangiti naman ako sa sinabi niya..
"Oo naman,miyembro ka narin naman ng Dark Ace so lahat tayo magkakaibigan na."..
"Alam mo ang cute mo pala pag ngumingiti"......."Oh let me rephrase that,gwapo ka pala pag ngumingiti."
Napangiti ulit ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pinahalata.
"So.."
Huminto muna ito saka humarap sakin at pinagpatuloy ang sasabihin niya. "Friends?." Sabi niya habang tinaas yung kamay niya.
Inabot ko naman ang kamay niya "Friends."
*********
Hope you like it...(^/^)
Please Vote and Comment guys!!!
Thank You!!! L♥VE ya guys ....muahh!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/28040891-288-k890614.jpg)
BINABASA MO ANG
"That Nerdy Girl Is A Gangster"
Novela JuvenilNoon: Noon mahina ako Noon lampa ako Noon hindi ako lumalaban kaya binubully ako Noon madalas loner ako Pero nagbago lahat ng iyon ng makilala ko SILA .Sila ang GRUPO na nagturo sa akin kung paano maging malakas at maging matapang...Naging kaibigan...