× C 4 ×

15 5 0
                                    

Nakilala na namin ang 3 sa magiging teacher namin at hinihintay lang namin ang next na sa pagkakaalam ko ay strict daw na teacher aba ewan ko may mga sabi sabi daw kasi na strict daw siya. Actually narinig ko lang yan sa paguusap nila Grace kanina.

Nagulat kaming lahat nang biglang nagbukas ang pintuan at pumasok ang babaeng medyo matanda na pero mukhang sophisticated at mayaman. Una nagpakilala siya bilang Gelli De Belen look alike DAW. Aba ewan lakas ng trip ni ma'am eh.

"Hello class I'm Gelli De Belen your one and only kyutie"

*Winks*

Nakanganga lang kaming lahat sa kanya kasi over confident si ma'am. Honestly hindi nama siya gaanong kaganda pero maganda ang aura niya kaya oks na rin.

"Kidding aside well I'm your Madam Gracianna Asuncion but you can call me madam Gigi for short not GG as in galunggong ha kung yan ang iisipin niyo sisipain ko kayo palabas ng classroom na ito. GG is actually for Gorgeous Girl."

*Winks*

Nako parang naparami ata ng nasinghot si Ma'am parang hanggang ngayon high na high parin siya.

"Okay since you alrey know my name, I will be your science teacher and I will be expecting you all to participate when I ask you to do something or else..."
Tahimik kaming nag aantay lahat sa kung ano ang katuloy ng sasabihin ni ma'am

"Or else you're dead" napasinghap kaming lahat dahil sa binitawang salita ni ma'am at kahit isa ay walang ginawang ingay.

"Kidding HA-HA-HA I will never kill class I eliminate... If you don't obey me then go find your other science teacher but I bet you will never find anyone prettier and sexier than me"

*Winks*

Ang hangin sarap hambalusin ng upuan si ma'am nananakot tapos biglang magyayabang ng wala namang basehan ampucha.

"Okay introduce yourselves... Starting at the back" tinuro niya si Angel na nasa pinaka gilid dito sa likod.

Natapos ang kalahati ng araw namin na nag introduce lang kami ng paulit ulit hayyys.
Nag lunch naman ako kasama sila Grace sa isang fast food chain malapit sa school. Ayaw daw kasi nila kumain sa canteen kasi hindi daw masarap ang mga luto dun.

"You know what guys I think I'm nahuhulog na kay Dave and I'm so frustrated kasi he's with someone that I so much loath" napabuntong hininga si Angel a.k.a Conyo girl. Hay gusto niya yung Dave na yun? Eh mukhang walang pakealam sa mundo yun eh.

"Alam mo Gel ilang beses mo nang sinabi yan samin. Atsaka bakit ka ba kasi dun magkakagusto mukhang zombie tulog ng tulog" korek ka dyan Alliyah a.k.a loka lokang may stage fright.

"Hay nako Alliyah hayaan mo na yang si Angel alam naman nating matagal na yang may crush dun sa yelong yun naglevel up lang kasi ngayon nafafall na daw siya." Saad naman ni Grace na kumakain ng sundae niya na tunaw na.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now