× C 15 ×

3 1 0
                                    

Habang nakasalampak sa kama ay iniisip ko parin yung nangyari kanina. Sa sobrang addict ko kasi sa (The Maltese Falcon) lahat nalang ng pagkamatay kinukwestyon ko.

Kanina nga habang ineexplain ko kay mama yung nangyari kung bakit suspended ang klase gusto na niyang ilipat ako ng school pero sabi ko masaya ako sa school na yun at kaya ko naman ang sarili ko kaya walang masamang mangyayari sakin.

Nagulat nga ako dahil sobra yung pagaalala ni mama at parang takot na takot din siya. Hindi ko alam kung bakit pero masyado kasing pre occupied ang utak ko kaya hindi ko nalang pinansin.

Matapos ang 8 oras ng pagkatulala ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto. Peste napabalikwas pa ako sa higaan.

"Tombs! May bisita tayo baba ka nga. Nandito girlfriend ko at yung kaibigan mo!" Walanghiya bakit ba napaka wrong timing naman ng pagdalaw nila gusto ko pang tumulala eh.


"Tch. Oo na bababa na!" Padabog akong tumayo mula sa pagkakabagsak ko kanina na sobrang sakit. Bakit ba kase napakalakas ng pagkatok nung pangit na yun katok talaga.

Nagpalit ako ng maluwag na t-shirt at jogging pants dahil kanina ay naka uniform pa ako habang nakatulala. Kasi naman sandali ko lang nagamit yung uniform sayang yung bango galing sa downy. Nagtooth brush na din ako dahil 8 na oras ba naman akong nakatulala at hindi nagsasalita.

Inayos ko ang buhok ko at tinali bago bumaba. Nakita ko ang buong pamilya ko na nasa sala nagtatawanan habang may meryenda dun sa maliit na table. Kumalam tuloy ang sikmura ko. Grabe nagugutom na ako.

Tsaka himala ah napaaga ata ang uwi ni papa at kuya Darwin  usually kasi 8 pm na sila umuuwi eh ngayon. Teka anong oras na ba? 8 pm na? Malamang napakatagal ko ba namang nagtulala at nagmukhang eengot engot sa kwarto ko.

"Eli gurl! There you are you're so bagal naman we've been been like for so many hours na." Pabulong na sabi saakin ni  Angel ng makaupo ako sa tabi niya.

"Dan dan ito nga pala si Celestine girlfriend ko. Babe si Dan dan utol ko" pagpapakilala saakin ni kuya Dex kaya tumayo ako at lumapit sakanya para sana makipag kamay kaso hinila niya ako para makipag beso.

Nako napakabango naman ng nilalang na ito. Medyo over sa pabango para nasinghot ko ata lahat ng pabango niya. Nang humiwalay siya saakin ay nginitian ko lang siya at umupo na sa upuan ko kanina.

Maganda si Celestine mukhang  model type na babae. Mukhang maarte din katulad ng kapatid niya pero mas bet ko si Angel kesa dito. Mukhang b*tch kase eh.

Oo na judgemental na ako pero kase si She ang gusto ko para kay kuya pero dipende na din naman kay kuya yan. Sana naman mag work out ang relationship nila ni kuya.

Nag uusap silang lahat ng tungkol sa nalalapit na graduation nila. Na oop na nga ako eh pati rin ata si Angel na oop na rin kaya inaya ko siya na pumunta muna sa kwarto para naman makapagchikahan kami nitong anghel na to.

Pagkapasok palang namin ay agad na siyang humiga sa kama ko at nagsimulang magtatatalak.

"You know what Eli gurl I shouldn't have come here talaga because I have a date with Caleb kasi but my father insisted he wants me to go here daw with ate. Ughhhh so boring pa nung pinaguusapan nila buti nalang you're here" napakamainipin naman nitong maarteng babae na ito.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now