× C 11 ×

6 3 0
                                    

Napagpasyahan namin ni She na lumabas at pag usapan ang problema niya sa mall daw. Weird nga eh diba pag may problema tapos naiiyak dapat sa kwarto ko nalang pero sabi niya hindi daw siya komportableng mag open sakin ng problema niya sa bahay namin.

Nagpaalam kami kay mama pumayag naman siya pero si kuya Dex ayaw kaso nung nakita niya si She pumayag nalang siya at nagkulong nalang sa kwarto niya.

Iniisip ko na nga na nagiiwasan ang dalawang to. Ano kayang drama nila? Parang mga ewan eh.

Pagkarating namin sa mall ay dumiretso kami sa Mcdo at nag order ng pagkain. Ako ang naghanap ng upuan at inantay ko lang siyang makapag order. Pagkarating niya palang sa table ay agad na siyang nagsimula magchika.

"El ganun ba talaga yung kuya mo masungit?" Huh? Si kuya masungit? Hindi kaya masyado ngang makulit yun ang sarap sipain papuntang Madagascar bagay siya dun.

"Hinde ah mabait kaya yun at abnormal katulad ng kinekwento ko sayo diba?" Nagtatakang sabi ko. Para sakin kasi napaka impossible na magsusungit si kuya ng walang dahilan.

"Sinusungitan niya kaya ako at binabalewala hindi katulad ng mga kinekwento mo na makulit siya at madaldal. Gusto ko ngang makilala yung side niya na yun eh" pagmamaktol niya. Hay nako ramdam ko talagang may iba sakanila nito ni kuya eh. Tsaka parang masyadong pursigido tong bruhang to kay kuya.

"Teka nga bakit ba parang gustong gusto mo si kuya? Akala ko ba ang lalake para sayo ay laro lang at for experience lang bakit parang iba na to?" Ano kayang nangyayari sa bruha na toh.

"You know El narealize ko lang na it's time for change. Mas gusto ko ng magsettle sa iisang lalake and guess what yung kuya mo ang target ko. I will do anything mapasakin lang siya" ngumisi ng nakakaloka ang bruha at pataas taas pa ng kilay akala mo naman ikinaganda niya nakakaimbyerna ang mukha ng babaeng to.

"Hay nako goodluck nalang sayo" natatawang sabi ko. Sana lang hindi masawi ang bruhang to dahil si kuya ay may iba ng napupusuan yung isa pa naman na yun hindi titingin sa ibang babae hanggang meron siyang ibang gusto. Loyal kasi ang abnormal kong kuya.

Umuwi kami ni She nang matapos kaming mag arcade at magliwaliw na nakakarelax daw sabi niya. Pagkauwi ko ay agad akong nilapitan ni kuya Dex. Ano naman kayang drama nitong king kong na to.

"Sa susunod wag ka nang sumama sa malanding yun ha? Baka mahawa ka sa kadesperada niya" pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na siyang pumasok sa kwarto niya at nagkulong ulit. Isa sa mga ayaw ko sa kuya ko ay masakit siyang magsalita kapag naiinis siya at seryoso talaga siya sa sinasabi niya.

***

Kinaumagahan ay pumasok ako sa school na antok na antok dahil sa tinapos ko pa yung isang story na matagal ng sinasabi ni She na basahin ko. Pinagbigyan ko lang ang gaga dahil sobrang makulit sarap sipain sa mukha.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now