× C 16 ×

4 2 0
                                    

Lakad takbo na ang ginagawa ko ngayon dahil 15 mins. nalang ay malalate na ako. Late kasi akong nagising kanina at hindi pa nakapag umagahan dahil hindi daw maganda ang pakiramdam niy kaya hindi siya nakapaghanda.

Sumakay na ako sa tricycle ng biglang nasiraan pa daw siya kaya pinababa niya kami at itinawag nalang ng bagong tricy hindi na niya kami pinagbayad pero binayaran ko siya kasi medyo malayo layo na  din naman ang idinrive niya kasi medyo malapit na rin ako sa school.

Nang makarating ako ay sobrang linis ng school walang ka estu estudyante hudyat na nagsimula na ang klase. Aishhhh bakit ba kasi late ako nagising. Actually kanina pa text ng text si Markus at yung tatlong loka loka. Hindi ko lang nirereplyan dahil tinatamad ako magtype.

Takbo ako ng takbo dahil medyo malayo ang building namin sa main gate kaya muntik pa akong matapilok buti nalang walang nakakita nakakahiya yun kung sakali.

Nakarating ako sa classroom na nagsisimula na silang lahat para magtake ng quiz. Pagpasok ko ay agad akong pinagtitigan ng mga classmates ko.

"Ms. Alvarez why are you late?" Mataray na tanong saakin ni Mrs. Asuncion. Sa 2 weeks na nakalipas na naging teacher kl siya ay napatunayan kong masungit lang talaga siya pero mabait naman at kapag kailangan mo ng tulong tutulungan ka talaga niya.

"Late po akong nagising ma'am" pabulong na sagot ko sakanya na ikinataas ng kilay niya. Naku po napakataray naman ng babaeng to.

"Don't you have any more valid reasons?" Nayuko ako sa sinabi niya. Takte naman yun kasi talaga ang rason ko eh ayoko namang magsinungaling at magsabi ng ibang rason. Nakakatamad kaya mag isip ng ibang rason.

"Tch don't you have anything more to say?" Masungit na tanong niya nanaman. Umiling lang ako sakanya kaya mas lalong tumahimik ang klase. Walangya nakakahiya talaga.

"Alright just go to your seat and get ready for your quiz" nakayuko akong pumunta sa upuan ko at dahan dahang umupo.

"Hey Elrinne what happened to you? It's almost 8:30" nakakunot noong tanong saakin ni Grace. Tch badtrip di ko din alam bakit late ako nagising eh. Nawili lang siguro ako kasi wala na akong weird na napapanaginipan. Di katulad ng dati tsaka ang sarap kayang matulog.

"Shhh... Magiistart na yung quiz mamaya ko nalang sasabihin dahilan ko" umayos na ako ng upo at naglabas ng ballpen. Actually nakapagreview naman ako kahit papaano nung isang araw akala ko kasi kahapon yun eh suspended naman ang klase kaya ngayon nalang tinuloy.

Nabanggit ko na ba sa inyo na favorite subject ko ang science? Well kaya lagi akong handa sa mga quiz ay lagi akong ginaganahan mag review dahil narin chemistry ang lesson namin kaya mas enjoy.

Natapos ang quiz na confident ako sa magiging score ko kaya ngiting ngiti ako ng umalis si Mrs. Asuncion. Nagulat ako nang sikuhin ako ni Angel. Nilingon ko siya ng Nakakunot noo kaya mas lalo niya akong siniko nang aasar ata ang loka.

Akala niya siguro nakalimutan ko na ang pagbibigay niya ng number ko kay Michael na parang binubugaw pa ako. Walangya kukutusan ko na talaga tong babaeng to.

"Hoy loka bakit mo ba binigay number ko kay Michael ha?" Pabulong na sabi ko baka kasi marinig ni Alli at baka sabunutan pa ako ng gaga bet na bet pa naman niya si fafa Michael na may british breeding.

"Ow I'm sorry Caleb is so makulit kasi kaya I gave him na I can't resist his charm kasi so cute diba? We're meant to be talaga" humahigikgik na tugon niya kaya sabay kaming nilingon nung dalawang loka na nakatutok sa mga notebook nila na sa tingin ko ay chinecheck kung tama ang naging sagot nila kanina.

Repeated TragedyWhere stories live. Discover now