< 1 >

2 0 0
                                    

*~*

Andito kami ngayon nila Rafael, Dylan, at Samuele sa tambayan namin dito sa lugar namin. Eskwater area ito kaya magulo at maraming tao ang nandito. Dito kami lumaking apat at mula pagka bata namin ay magkakasama na kami kaya parang kapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa.

"Mga brad, ano pala plano natin bukas?" tanong naman samin ni Rafael at bahagyang napa akbay pa sakin. Brad ang tawagan naman simula't sapul, in short sa brader.

"Si Tristan tanungin mo, siya lang naman nag paplano ng mga gaagwin atin e" sagot naman ni Dylan sa kanya.

Kagaya nga ng sinabi ko, ako ang parang lider ng grupo namin, kaya  kuya na rin ang tawag nila sakin minsan. Dati pa lang, ako ang nag paplano ng mga gagawin namin, parang naka ugalian na. Minsan tutol minsan di sila tutol kaya minsan ako ang nahihirapan, pero nadadaan naman sa usapan.

"Mamaya baka tumutol nanaman kayo sakin" reklamo ko naman sa kanilang tatlo.

"Ano ba kasi plano mo kuya" tanong naman sakin ng bunso kong kapatid na si Samuele.

Tumahimik kami saglit, nag iisip pa ako kung ano ba gagawin namin buka.s. Gagala ba o ano. Basta bahala  na, ang hirap din mag desisyon.

"Oh ano na brad?" tanong sakin ni Rafael.

"Di ko ga alam eh" sagot ko naman kay Rafael. "Kung kayo naman kaya mag isip at pag usapan na lang natin" paliwanag ko naman sa kanila sabay tumayo ako sa kinauupuan ko. Mahirap na baka mag away away pa kami dahi lang dito kaya sila naman mag isip, hindi yung puro ako, madadaan naman sa usapan yan.

"Oo nga naman, tayo naman mag isip mga brad, hindi yung si Trstan lagi ang pinapahirapan natin siya kakaisip ng mga gagawin sa mga susunod na araw" paliwanag naman ni Dylan sa grupo.

Oh ayun ang hinihintay ko, may makakaramdam din pala HAHAHAHA.

"Oh ayun good" sabi ko naman sa kanila.

"Oh sige sige" pag payag naman ni Rafael. "Umupo ka nga dito brad" sabi sakin ni Rafael at hinila pa ang suot kong damit para makaupo.

"Oh mag bigay na kayo ng mga opinyon niyo, ako na lang bahala mag approved" sabi ko sa kanila. "Simulan niyo na" dugtong ko pa.

Ayan bahala kayo mag isip dyan. Sana naman maayos ang pag uusap nila, malilintikan talaga sila sakin kapag nag away itong tatlong to.

"Ako muna mga brad" panimula ni Samuele.

"Oh ano nasa isip mo naman kapatid?" tanong ko naman kay samuele.

"Tayo bilang grupo na tayo ang humaharap dito sa lugar natin, gusto ko sana magkaroon tayo bonding sa mga bata" sabi naman samin ni Samuele. "Like sa pag lalaro ng basketball" dugtong pa niya.

"Pwede rin" sabi ko naman habang tinataas baba ang ulo ko. Gusto ko yung naiisip ng kapatid ko ah, makakatulong yan para mawala ang takot ng iba samin, manang talaga sakin tong kapatid ko. "Kayong dalawa naman" ani ko kay nila Rafael at Dylan sabay turo sa kanila.

"Ako! Ako!" pangunguna naman ni Rafael. Kahit kailan talaga ayaw magpa huli etong si Rafael. "Renta sana tayo ng videoke tapos bila tayo ng beer ng mga 5 case buong araw, wag lang tayo magpapa abot ng gabi baka mahuli tayo ng barangay" dugtong pa niya. Hay nako kahit kailan, alak lagi ang laman ng utak neto. "Corny naman kasi etong naisip ni Samuele eh" sambit niya pa kay Samuele.

"Anong corny? Ikaw nga lagi alak ang laman ng utak mo, syaka magandang gawain ba yan" sambit naman ni Samuele kay Rafael. "Atlis sakin may matutulong sa lugar natin,  eh sayo wala!" sigaw pa niya.

We Will SurviveWhere stories live. Discover now