*~*
Andito pa rin kami sa unit, tapos na rin kami mag buhat habang tagktak pa rin ang mga pawis na tumutulo sa katawan namin. Ang unit na ito, dito kami minsan nag uusap kung may kailangan pag usapan at din rin kami umuuwi kung di kami makaka-uwi sa mg sarili naming tahanan, sabihin natin na parng headquarters namin ito.
Andito rin naka-tago sa unit na ito ang mga iniipon naming pera kung sakaling may kailangan kaming pang gastusan, dito rin namain dinadala ang mga bisita namin kung kailangan silang sabihin sa'min, at andito rin sa unit na ito ang mga ibang gamit namin kagaya ng mga damit.
"Brad kamusta pala nangyari sa inyo kagabi?" tanong sakin ni Dylan. "Paniguradong nabungangaan kayo ng nanay niyo dahil sa nangyari" sabi niya pa. "Lalo na sa mga tama na natamo niyo"
"Syempre nagalit" sagot ko naman sa kanya. "Kung ano ano nga pinag-sasabi eh" sabi ko pa habang nag pupunas ako ng pawis sa katawan ko. "Nadala lang siya siguro ng pagod at iit ng ulo."
"Ah ganun ba brad" sagot niya naman sakin.
"Subukan lang nila ulit manggulo dito sa lugar natin yung mga lalakeng yun" inis ko naman. "Makikita nila ang galit ng isang Tristan" pag babanta ko pa. "Di ko na alam kung ano na ang magagawa ko."
"Basta brad" imik naman ni Rafael sa akin. "Andito lang kami sa likod mo" sabi niya pa. "Bilang isang grupo."Tumingin naman ako sa kanya at ngitian naman ito, yun ang hinihintay kong sagot niya sa'kin bilang grupo nga kami. Minsan ko lang marinig sa kanya ang mga salitang yun.
"Teka" sabi ko naman sa kanila. "Bat ang init?" tanong ko naman sa kanila habang linilibot ang tingin sa buong unit.
"Kakatapos lang nain mag buhat brad kaya mainit" sagot naman sakin ni Tristan.
Tumingin naman ako sa pinto at bintana naming naka sara. Kaya pala walang pumapasok na hangin dito sa loob eh.
"Eh kaya pala eh" sabi ko naman. "Bakit kasi naka-sara ang pinto at bintana?" reklamo ko naman sa kanila. "Buksan niyo nga para may pumasok na hangin" utos ko. "Buksan niyo!"
"Ay si Dylan kasi" pag bibintang naman ni Rafael. "Bat mo kasi sinara?"
"Ako pa ah" reklamo naman ni Dylan. "Ikaw na malapit sa pinto eh."
Hay nako, nag sisihan pa nga sila. Eto ang ayaw ko sa grupo namin eh, yung laging nag sisihan, di na lang may kumilos kahit isa sa kanila.
"Mag sisihan pa!" galit ko naman sa kanila. "Wala na lang mag kusa!" sigaw ko pa.
"Ay sorry brad" sabi naman ni Rafael sa'kin. "Eto bubuksan ko na."Binuksan niya naman ang pinto at bintana gawa nga ng sinagawan ko ito, kala ko mag rereklamo pa eh. Si Rafael ang pinaka-reklamador sa'ming apat.
"Para kayong mga babae" sabi ko pa sa kanila. "Kailangan niyo pa mag sara para di masilip dito sa loob" reklamo ko sa kanila. "Mag sara kayo kung dito mag huhubad ng brief niyo." pag bibiro ko naman.
Habang nag bibihis nga kami dahil sa mga pawis namin, inaya ko naman sila lumabas para pumunta sa tambayan namn at doon mag kwentihan, para mabantayan na rin namin yung mga tao sa labas, baka dumating nanaman yung mga tarantando na naggulo kagabi.
"Tara mga brad, sa labas" aya ko naman sa kanila. "Dun tayo sa tambayan natin mag usap" sabi ko pa. "Para mabantayan rin natin yung mga tao dto sa lugar natin kung may sakaling may dadating na naman na mga tarantado para manggulo."
"Ay sige tara kuya" sagot naman sakin ni Samuele habang sinusuot ang damit.
"Mag suot kayo ng damit" utos ko sa kanila. "Ayoko na lalabas kayong naka-hubad ah" saway ko naman sa kanila. "Ayoko na mag muka kayog siga sa labas."
Mabilis na rin sila nakapag-damit at lumabas na rin agad.
"Ang susi dalhin niyo at ilock niyo ang bintana at pinto para walang maka-pasok" utos ko sa kanila.
Mabilis naman na sumuod si Samuele at na ilock niya na rin ang dapat na ilock, yan ang kapatid ko.
Nag lakad na kami papunta sa tambayan namin. Sumalubong sa'min ang mga batang nag lalaro at mga ibang naka-tambay sa labas ng bahay nila. Masaya akong nakikita na masaya ang mga ao dito sa lugar namin at nalalayo namin sila sa mga manggugulo dito sa lugar namin
"Ang galing galing nila kagabi"
"Diba sila yung kumalaban sa mga naggulo kagabi?"
"Oo sila, natalo pa nila yun kahit pito sila"
"Mababait pla an mga ito eh, sila na yata ang tagapag-ligtas natin"Tuwang-tuwa kaming apat nang marinig namin ang mga salitang yun galing sa mga tao dito sa lugar namin, ngayon kilala na nila ang buong pagka-tao namin, ang maututri nilang tagapagligtas at kaiigan nila.
"Mga brad, narinig niyo yun?" tanong sa'min ni Rafael habang umiihi ng usok galing sa sigarilyo niya.
"Oo" sagot naman ni Dylan sa kaniya. "Nabago na ng iba ang tingin nila sa'tin"
"Masaya ako nang marinig ko ang mga yun" sabi ko sa kanila. "Ngayon kilala na nila tayo bilang grupo" sabi ko pa. "Kaya ipagpatuloy lang natin an sinimuan natin sa kanila bilang grupo."
"Oo naman, walang iwanan mga brad" sagot naman sa'kin ni Dylan.
"Good!" sabi ko naman.
Nakarating naman na kami agad sa tambayan namin para mag usap at umupo na rin sa upuan. Sa ilalim ng isang ang puno ang tambayan namin andun ang mga upuan, lamesa, at duyan na ginawa naming apat.
"Tungkol saan nga pala pala pag uusapan natin ngayon mga brad?" tanong naman ni Samuele sa'min.
"Ayan sasabihin ng kuya mo" sagot naman sa kanya ni Dylan. "Oo nga brad, tungkol saan pala ang pag uusapan natin ngayon?" tanong naman ni Dylan sa'kin.
"Tungkol doon sa gagawin natin sa sabado na magkaroon tayo ng hangout sa mga pamilya natin" sagot ko naman sa kanila. "Saan nga pala place natin dun?" tanong ko naman sa kanila.
"Pwede rin naman dito sa tambayan natin" sagot naman ni Rafael. "Syaka pwede naman tayo mag kabit ng extension dito para sa ilaw at videoke."
"Ayun! Oo nga pala" sabi ko naman. "Sino nga pala ang sasagot sa videoke."
Gusto ko yug videoke ah HAHAHA. Mahiig rin ako kumanta lalong lalo na si Samuele na kapatid, si Dylan at Rafael naman ay magaling sa sports, nakakapag-laro naman ako ng sports pero basketball at boxing lang ang kaya ko.
"Ang maganda, mag ambagan na lang tayo" sabi naman sa'min ni Rafael sa ayaw tumigil sa kakabuga ng usok sa'min. "Mag hati-hati na lang tayo sa babayarin."
Nainis naman ako nag masingot ko ang usok na galing sa sigarilyo ni Rafael kaya pinag-sabhan ko ito.
"Teka teka teka" sabi ko naman. "Rafael, itapon mo na ga yang yosi mo!" sigaw ko naman kay Rafael. "Sa'min mo pa binubuga yang usok" reklamo ko naman sa kanya. "Itapon mo na yan!"
"Ay sorry brad" sabi naman sakin i Rafael sabay tapon ng yosi.
"Sa susunod ayoko na nakikita na kitang mag yosi ah" saway ko naman sa kanya. "Itigil mo na nga ang pag yoyosi mo!" sigaw ko pa sa kanya. "Wag mo na hintayin na may gagawin ako sayo kung hindi ka susunod" pag babanta ko.
"Sorry na" pag papatawad sa'kin ni Rafael. "P-pero" nauutal niyang sabi.
"Sige mag reklamo ka pa!" muling sigaw ko sa kanya para matauhan ito sa pinag gagawa niya. "Sasabihan ko ang mga tindera dito sa mga tindahan dito sa lugar natin para sabihin na wag ka nilang bigyan ng sigarilyo kapag bibili ka" sabi ko pa sa kanya. "Rafael ah, wag matigas ang ulo."
"Oo na brad" mahinahon na sago niya naman sa'kin
"Good!" sabi ko naman sa kanya. "Sabi mo yan ah."
Nanood lang si Dylan at Samuele habang pinag-sasabihi ko si Rafael sa pinag-gagawa niya. Gusto ko baguhin o ilayo siya sa mga bisyo niyang iyan para lumakas at hindi humina ang katawan niya, para maka-layo na rin sa sakit.
*~*
YOU ARE READING
We Will Survive
Acción"A small but terrible group. Know their story with their big and rich opponents. What will happen to Tristan Guillermo's group after this group attacked them in their area?"