*~*Madilim na nga dito sa lugar, gawa nga ng gabi na pero dito pa rin kaming dito sa tambayan namin. Marami pa rin ang mga batang nag lalaro dito sa laba, may ibang natatakot kapag nakikita kami, may iba naman rin na tuwang tuwa at lumalapit amin ng kusa.
"Mga brad" sabi samin ni Dylan. "Tingnan niyo yung mga bata oh" dugtong pa niya. "Bakit yung iba takot kapag nakikita tayo?" anong niya naman.
"Siguro gawa nga sa itsura natin at tikas natin kaya sila natatakot" sagot naman ni Rafael.
"Pero hayaan niyo mga brad, mababago rin lahat yan kapag nagawa na natin yung mga pinag-usapa natin kanina" paliwanag ko naman sa kanila
Habang nag kekwentuhan nga kami may dumating na isang grupo mga lalake dito sa lugar namin, kaya bigla kaming napatayo at pinag mamasdan ang mga kanilang ginagawa.
"Tristan" tawag sakin ni Rafael. "Sino yang mga yan?"
"Wait lang, wag muna natin sila pakeelaman" Sagot ko naman sa kanya. "Alam niyo na gagawin niyo kapag may gagawin na masama yang mga yan."
Ayun na nga, kada bata na madadaanan nila ay sinasaktan nila gawa ng nahaharangan ang dinaadaanan nila. Dun na nga kumulo ang dugo ko. Bakit ba sila kasi nakarating dito?
"Brad sinasaktan nila ang mga bata!" sabi sakin ni Rafael. "Sugurin na natin" dugtong pa niya.
Susugurin niya sana ito pero nahila ko ang kamay niya. Ayaw ko naman na mag isa lang siya susugod, mas maganda pa rin na ang kalabang ang mangungunang harapin kami at kami na lang ang mag tatapos sa huli.
"Wag ka munang padalos-dalos Rafael" sabi ko naman kay Rafael habang hawak ang kamay niya. "Hintayin natin na maka-lapit sila sa atin" sabi ko pa. "Ngayon makikita nila ang lakas ng gruponatin" dugtong ko pa. "Magsi-handa kayo" sabi ko pa sa kanilang tatlo.
Mayabang nga na humarap samin ang mga lalakeng ito, pito ang bilang nila. Parang sila ang may-ari ng lugar na ito kung mag yabang.
"Boss sinong ang mga ito?".
"Parang mapapa laban tayo sa apat na ito ah"
"HAHAHAHAHA!" sabay nilang tawa."Ano sabi mo?!" sigaw naman ni Dylan at bahagyang usugod ito pero nahila ko ang kamay niya.
Naka titig lang ako ng masama, pinag mamasdan ko ang isa-isa sa kanila para malaman ko ang gagawin kong kilos kung magkaka dalian mamaya.
"Teka mga pre, baka kaibigan yang mga yan"
"Ako nga pala si Eyel Javier, alyas tigas" pakilala sakin sabay abo ng kamy niya sakin. "Lider ng grupo namin" pag mamayabang niya pa. Nag papatawa ba ito? Kaibigan daw,kahit kailan di ako nag karoon ng kaibigan na nanakit ng mga bata.
"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ko naman sa kanya habang naka titig ako ng masama.
"Ay kami, nangungumusta lang ng mga mga bata" pag mamayabang niya pa sakin
"HAHAHAHA!""Bakit kayo nanakit ng mga bata" tanong ko naman sa kanya. Ayaw ko pa naman nakikita sinasakan o naaapi ang mga tao dito sa lugar namin. "Umalis na kayo!" sigaw ko pa sa kanila. "Kung ayaw niyo makita ang hinahanap niyo!"
"Teka lang hindi kami andito para makipag away".
"Eh anong ginagawa niyo sa mga ba?! Ha!" sigaw ko naman sa kanila.
YOU ARE READING
We Will Survive
Action"A small but terrible group. Know their story with their big and rich opponents. What will happen to Tristan Guillermo's group after this group attacked them in their area?"