< 5 >

0 0 0
                                    

*~*

Matapos ko ngang pag sabihan si Rafael, natahimik naman ito at mukang natauhan sa pinag-sasabi ko sa kanya, gustong-gusto ko talagang ilayo siya sa mga bisyo niya.

"Teka asan na ba tayo" tanong ko naman sa kanila.

"Tungkol dun sa paghahati-hatian nating bayad sa videoke" sagot naman ni Dylan.

"Ay oo nga pala" sabi ko naman. "Pabor ako dun sa sinabi ni Rafael na ambagan tayo sa babayarin" dugtong ko. "Sabihin na nating two hundred pesos ang renta, edi tig fifty tayo."

"Sige sige yun na lang" sabi naman ni Samuele.

"Sige okay na tayo diyan, sa mga magulang na lang natin ang problema natin" sabi ko sa kanila. "Di pa natin nakakausap."

Baka naman iba nanaman ang mood ni mama mamaya, sana naman good mood siya para makausap siya namin ni Samuele.

"Basta ako nakakapag-paalam na ako at pumayag sila" masayang sabi sa'min ni Dylan.

"Good!" sabi ko naman. "Ikaw Rafael. Naka-usap mo na sila?" tanong ko naman kay Rafael.

"Kakausapin pa lang mamaya brad" sagot sa'kin ni Rafael.

Habang nag uusap nga kaming tatlo may nakita si Samuele na dalawang lalake ng umaaaligigid at kahina-hinala ang kilos nila, mga bagong muka ito sa lugar namin kaya hindi namin sila kilala, tanging sila lang nag uusap at maayos ang kanilang pananamit kumpara sa mga tao dito sa lugar namin.

Sino kaya ang dalawang lalakeng ito?

"Kuya, Kuya" tawag sa'kin ni Samuele habag tinatapik-tapik ang balikat ko. "Parang bago yung dalawang lalakeng yun sa lugar natin kuya ah" sabi niya pa sa'kin sabay turo sa dalawang lalake.

"Oo nga, mukang bago yang dalawang yan ah" sabi ko naman habang pinagmamasdan ang dalawang lalake.

"Lalapitan ba natin?" tanong naman ni Dylan sakin

"Tara kausapin natin" sagot ko naman kay Dylan. "Tara" aya ko naman sa kanila sabay tayo sa kinauupuan ko. "Mag muka at umakto muna kayong mga inosente ah para di tayo mapag-halataan."

Agad naman akong sinundan ng tatlo at lumapit na nga sa dalawang lalake na pinag-hihinalaan namin.

"Sino po sila?" pa-inosente kong tanong sa kanila. "Ano po hanap niyo?"

"Ah may hinahanap lang na bata" sagot naman ng isang lalake sa'kin. "Mga kuya po niya kami."

"Ah ganun po ba, baka wala naman po siya dito" sabi ko naman at umakto ako na parang hinahanp din ang batag hinahanap nila. "Kanina pa kayo nag hahanap eh andito lang naman kayo sa pwestong ito."

"Paalis na nga rin sana kami kaso bigla naman kayo dumating" sagot naman nila sa akin.

Nag palusot pa nga, nag hahanap sila na hindi umaalis sa iisang pwesto, pano nila mahahanap ang hinahanap nila. Mukang nag mamasid nga ang mga ito sa lugar natin.

"Sige na makaka-alis na kami" paalam naman nila sa'min at bahagyang tumuro pa sa direksyon na dadaanan nila.

Umalis na nga sila habang sumalubong lang ang mata kong naka-tingin na parang agila habang papalayo sila sa'min.

Bumalik naman kami agad sa tambayan namin at umupo.

"Parang may ibang intensyon ang mga iyon dito ah" sabi ko sa kanilang tatlo. "Halata sa kinikilos nila at pano sila sumagot sa'kin."

"Pano na ang gagawin natin niyan brad?" tanong naman sakin ni Dylan.

"Malalaman nain kapag bumalik sila dito at ung manggugulo sila" sabi ko. "Di ko mapipigilan ang sarili ko sigawan sila para umalis sila dito." pag babanta ko pa. "Alam niyo na gaagwin niyo kapag may ibang nangyari."

"Oo brad, andito lang kami sa likod mo at lagi kaming handa" sabi naman sa'kin ni Dylan.

"Good!" sabi ko naman sabay linagay ko ang dalawang paa ko sa lamesa na nasa harap namin.

Mabilis lang tuamakbo ang oras, uminit na dito sa labas nga na sumapit na ang ala-una ng tangahali, nagsi-uwian na rin ang iba sa mga bahay nila.

"Mag tanghalian muna tayo at bumalik kayo dito ng alas-kwatro ng hapon" sabi ko naman sa kanila. "Umuwi muna tayo. Tara."

Agad naman kaming tumayo sa kinauupuan namin para umuwi at babalik din mamaya.

"Samuele tara" tawag ko sa kapatid ko sabay ang pag akbay sa kanya.

+-----+

Mabilis lang tumakbo ang oras at muli kaming bumalik dito sa tambayan namin, nakita ulit namin ang mga batang nag lalaro, ganun din ang mga ibang naka-tira dito sa lugar namin.

"Rafael ano na?" sabi ko kay Rafael. "Nakausap mo na mga magulang mo para sa gagawin natin sa sabado?" tanong ko sa kanya.

"Oo nakapag-sabi na ako sa kanila" sagot niya naman sa'kin.

"Ano sabi?" tanong ko naman sa kanya. "Payag ba?"

"Oo pumayag sila" masyang sagot sa akin ni Rafael. "Yung sa inyo ba ni Samuele?" tanong niya naman sa akin.

"Di ko pa nga namin nakakausap eh" sagot ko naman sa kanyan. "Siguro mamaya kakausapin namin" sabi ko pa. "Kailangan natin isure bukas yan para maihanda o maiayos na natin ang mga kailangan natin sa sabado." Gusto rin namin na mas lumalim pa ang relasyon ng pamilya namin sa isa't isa.

Sana naman matuloy ang plano namin ito, para na rin sa buhay namin ito, di naman namin gagawin ito kung hindi ikakaganda ng buhay namin eh.

"Mga lamesa pala syaka isang mahabang lamesa kuya" sabi sa'kin ni Samuele.

"Ay oo nga pala!" sabi ko naman. "Ano nga plano natin doon?" tanong ko naman sa kanila.

"Ang gusto ko sana doon ay kumuha na lang tayo sa mga bahay natin" suggest naman ni Dylan.

"Pwede" sabi ko habang napa- tango. "Para bawas gastusin na rin" sabi ko pa. "G ba kayo dun Samuele at Rafael?"

"Oo payag kami" sagot naman ni Rafael sa'kin.

"Sige basta ingatan lang natin ang mga yun para hindi magalit ang mga magulang natin" sabi ko sa kanila.

"Oo brad" sagot sa'kin ni Rafael.

"Good!" sabi ko naman. "Sabado bukas kaya magising tayo ng maaga bukas pa maihanda at maiayos natin ang mga kailangan natin sa sabado."

"Oo brad" sabay naman nilang sagot sa'kin

"Good!" masaya kong sabi sa kanila habang naka-ngiti.

Ang saya makita ang pagbabago ng grupo namin, ganun din sa mangyayaring pagbabago sa'min. San tuloy-tuloy na ito.

*~*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Will SurviveWhere stories live. Discover now