< 3 >

6 0 0
                                    


*~*


Naka uwi na kami ng bahay ginagamot pa ni mama ang mga sugat namin galing sa tama na nanggulo dito kanina sa lugar namin, pero ang alam, mas napuruhan namin sila sa mga tama namin sa kanila kaysa sa mga tama nila samin

"Ano ba yan kasi mga anak!" sigaw samin ni mama habang inagmot ang mga tama namin. "Bakit kayo nakipag away" sabi niya pa. Ganito talaga si mama mula nung bata pa kami, grabe kung mag alala, ginagawa kaming babae.


"Ma, nanggulo kasi sila kaya nadaan sa away" paliwanag naman ni Samuele. "Syaka sila ang nanguna kaysa sa amin" sabi niya pa.


"Ang babastos pa ng bunganga!" sigaw ko naman dahil sa inis. "Kung maka-yabang, prang sila ang may ari ng lugar na ito" reklamo ko pa.


"Ayan, ayan" inis pa sakin ni mama habang itinutusok niya ang hintuturo niya sa noo ko. "Puro galit ang pinapa-iral mo!" galit niya pa. "Bakit ba ang tigas ng ulo niyo?"


"Ma, ipinag tanggol lang namin yung mga bata" paliwanag naman ni Samuele kay mama. "Syaka ang bastos ng mga bungaga nila kaya napunta sa away".


Kunot noo kong tinitingnan si mama habang ginagamot ang mga tama ko, sigaw kasi ng sigaw, hindi niya muna alamin ang nangyari bago siya mag salita. Pero okay lang, sanay na kami, dati pa siyang ganyan.


"Bakit ano ba ginawa nila sa mga bata?" tanong naman ni mama sa amin.


"Sinasaktan po nila, kada madadaanan po nila ang mga ito" sagot naman ni Samuel kay mama. "Syaka hindi nagustuhan ni kuya yung sinasabi nilang walang nang kwenta ang mga bata dito sa mundo syaka ang dapat daw sa kanila ay tinatapon na" paliwanang naman ni Samuele.


Haaays. Sana naman huminahon na si mama sa paliwanag ni Samuele. Totoo ang mga sinabi ni Samuele, tumpak na tumpak. Napunta ang tingin ko kay Samuele nang masabi niya yun. Good job, kapatid nga talaga kita.


"Oy ganun ba" mahinahon na sabi ni mama. Ayan buti naman at huminahon ka na. "Mga ilan ba sila?" tanong niya naman.


"Pito po sila" sagot naman ni Samuele sa kanya. "Kung di po namin sila hinarang, baka marami na po ang nasaktan nila" paliwanag ni Samuele.


"Eh ang dami naman pala nila eh, tapos aapat lang kayo!" muling sigaw ni mama sa amin. Minaliit niya kami, di ko nagustuhan yun, di niya pa kami kilalang apat kay ganyan na lang siya mag salita. "Tingnan niyo yung mga tama niyo, yan ba sinasabi niyo na small but terrible group ninyo" sabi niya pa.


Hay nako, yan nanaman. Di alam ni mama ang nangyari kung bakit ganyan na lang siya kung maka-sigaw, siguro kung andun siya, maiintindihan niya ang ginawa namin.


"Ma naman" reklamo ko naman kay mama.


Muling bumalik ang tingin sakin ni mama nang mag reklamo ako sa kanya.


"Dapat pibayaan niyo na yung mga bata eh!" sigaw ni mama samin. "Sana hinayaan niyo na lang at sarili niyo na lang ang linigtas niyo" sabi niya pa. "Yan tuloy napala nyo sa kanila" sabay turo sa mga tama namin ni Samuele. "Ganito na nga ang buhay natin tapos ang buha ng iba pa ang papakeelaman ninyo!"


Kilala ko si mama, di siya ganyan, sadyang natalo lang siya ng pagod at ini ng ulo. Pero panget at bastos pa rin ang mga sinabi niya. Di maka-tao ang sinabi niyang iyon.


Uminit naman ang dugo ko nang narinig ko ang mga sinabi ni mama. Di ko nagustuhan yung mga sinabi niya, parang ng ibig sabihin niya na wala siyang pakeelam na kahit anong mangyari sa mga mga bata dito sa lugar namin.


"Ano sabi mo!" walang respeto kong sigaw kay mama sabay tayo sa kinauupuan ko. "Palibhasa kami, sarili mo lang ang iniisip mo!" sigaw ko pa. "Wala kang pag mamahal sa kapwa mo" sabay padabog akong pumasok sa kwarto ko.


Papag lang ang higaan namin kaya medyo masakit sa liko at mahirap matulog, pero sanay naman na kami. Concrete lang ang tanging harang sa pader namin kaya pwede itong masira kung dadaanan kami ng malakas na bagyo, sa isang iglap pwede mawala ang pinag-hirapan mo dito.


Dahil sa kahirapan, dito kami napunta sa eskwater area, pero dito marami akong natutunan nang dumating kami dito, natutunan ko maging mapagmahal sa kapwa ko, lalong-lalo a nung nakilala namin ni Samuele sila Rafael at Dylan, at dun kami nagkaroon g isang grupo na mag babantay at aalalay dito sa lugar namin kung may naaapi o maaapi.


"Tristan! Tristan!" tawag sakin ni mama. "Anak!" sigaw niya pa. Di ko na lang siya pinansin at patuloy ako sa pag tulog para magising ako ng maaga bukas.


"Ma tama na" awat ni Samuele kay mama.


"Hay nako! Isa ka pa"
sigaw naman ni mama sa kanya at tumayo ito diretso sa kusina namin. "Ang titigas talaga ng ulo niyo!" sigaw niya pa.


+-----+


Maaga aong nagising, 8am na ng umaga, maliwanag at maingay na sa labas ng bahay dahil sa mga batang nag lalaro. Nakita ko naman nasatabi ko si Samuele na mahimbing pa rin ang tulog,kaya tinapik-tapik ko siya para gumising.


"Samuele, Samuele, gising na"
gising ko naman sa kanya habang tinatapik ang binti niya


Dati pa itong ganto, kailangan pa gisingin para gumisng ng maaga, naka-saanayan na kasi.


"Kuya ang aga pa" reklamo niya naman saki habng nag iinat eto atnag kakamot ng mata niya.


"Bumangon ka na at mag almusal ka na, para maaga tayo makapag workout kasma sila Rafel at Dylan" sabi ko naman sa kanya. "Wag matigas ang ulo ah" saway ko naman sa kanya. "Ligpitin mo yang mga hinigaan mo, sige na bumangon ka na diyan".


Bumangon naman na siya a linigpit niya na rin ang hinigaan niya. Takot ito sa akin kaya madaling sumunod ito sa akin, malilintikan siya sa akin kapag matigas uo nito. Tinetrain ko na siya para sa grupo namin, ganun din ang giagaa ko kay nila Rafael at Dylan na para ko na ring mga kapatid.


Mabilis niya namannatapos ang almusal niya kaya lumabas na rin kami agad ng bahay. Maganda ang araw ngayon, mukang masaya at mapayapa ang na ito ah.


"Tristan"


Liningon naman namin ni Samuele kung saan ito nanggaling. Isang lalake ito na isa sa mga sumugod kagabi ng mangyari ang away. Kumakaway ito at masayang ngiti niya ang sumulobong sa'min ni Samuele.


"Oh kuya" masayang bati ko naman sa kanya.


Dumating na kami sa unit dito sa lugar namin, andun ang mga barbell, dumbell, punching bag, at anumang uri ng pang pwedeng pang workout. Andito na sila Rafael at Dylan na nag sisimula na silang mag buhat.


"Mga brad" masayang panimula sa amin ni Rafael. "Naunahan namin kayo na makarating dito ah" sabi niya ba sabay binitawan niya ang buhat niyang dumbell.


"Kanina pa namin kayo hinahantay" sabi naman a amin ni Dylan.


Lagi kaming maaga ni Samuele na dumating dito kaysa sa kanila, kaya ganyan na lang ang mga sinasabi nil sa amin.


"Oh Musta?" pangungumusta ko naman sa kanilang dalawa. "Hirap kasi gisingin ni Samuele eh, kaya nahuli kami ngayon" sagot ko naman sa kanila. "Samuel ah, sa susunod ayaw ko na ng ganun" saway ko pa kay Samuele.

Hinubad na nga namin ni Samuele ang suot naming damit para makapag-simula ng mag buhat. Nag stretching muna kami ni Samuele bago kami nag simula.


"Opo kuya" sagot naman sakin ni Samuele habang nag s-stretching kami.


"Good!" sabi ko naman sa kanya. "Sabi mo yan ah".


Tapos na nga kami nag stretching ni Samuele, umupo na rin ako at kinuha ko na ang dumbell para makapa-buhat na. 18 years old nung nag simula na ako mag buhat, inempluwensyahan ko na silang tatlo para pare-parehas kaming apat na maganda at malaki ang katawan.


"Anong oras kayo nakarating dito mga brad?" tanong ko kay Rafael at Dylan habang buhat ang dumbell.


"Mga 7" sagot niya naman sakin. "Mga isang oras na kaming nag hihintay sa inyo".


"Maganda yan" sagot ko naman sa kanya. "Dumating pa rin kayo ng maaga kahit di ako dumating ng maaga" sabi ko pa. "Pagpatuloy yan mga brad".


Patuloy lang kami sa pag bubuhat, tagaktak na ang mga pawis na tumutulo sa katawan namin.


*~*




We Will SurviveWhere stories live. Discover now