"manang!"
Sigaw ko mula sa kusina dahil nagugutom na talaga ako alam ko namang magluto pero ang problema eh walang maluto
Medyo takbo namang dumating si manang sa kusina at tinignan ako
"manang nagugutom ako"
"ay hija wait lang pupunta palang kasi akong palengke eh"
"ah sige manang okay lang"
"saglit lang to hija babalik agad ako ano bang gusto mong ulam?"
"sinigang manang"
"sige hija"
Umalis na si manang dala ang eco bag sa kamay nya pumunta akong sala at umupo doon saka nagcellphone mula nung dumating ako dito kahapon ngayon lang ako lumabas ng kwarto pagod na pagod kasi ako eh
Pero naisipan kong gumala kahit saglit lang yun lang naman ang ipinunta ko dito eh isinuot ko ang hood ko dahil mahangin sa labas alas tres na kasi ng hapon
Nagpaalam ako kay manong na kung pwede ay maglakad lakad muna ako pumayag naman sya basta lang daw wag akong lalayo sang ayon naman ako sa sinabi nya dahil hindi ko alam ang daan dito
Dumaan ko sa makahoy na lugar mahangin at nalilipad ang ilang hibla ng buhok ko ang balita ko kapag summer dito sa cagayan ay mainit pero parang hindi ngayon natatakpan kasi ng mga mga sanga ng kahoy ang sinag ng araw na sinabayan pa ng hangin
Naglakad lakad ako ng maabot ko ang palayan walang mga bahay sa paligid tanging palayan lang ang meron at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil nagpapaganda ang sinag ng araw dito
"habulin mo ko!!!!"
*splashhh*
"shit!"
"halla ate sorry poooo"
Palapit na sabi ng bata sakin na maputuk ang katawan
"dont come near me"
Sagot ko sa kanya habang diring diri na inaalis ang putik sa legs ko
"sorry po ate"
"i said dont touch me ang dumi mo"
Sabi ko sa kanya mukha namang iiyak na ang bata pero wala akong pakielam dahil busy ako sa pagpunas ng legs ko
Kaya ayaw na ayaw kong lumalabas eh buset
"anong problema bree?"
Nangibabaw ang isang tinig ng lalaki tumingin ako sa likod ko at napalunok ako nang bumungad sakin ang shining shimmering abs ng isang lalaki
"kuya hindi ko po sinasadyang maputikan sya"
Nabalik ako sa riyalidad ng itinuro ako ng bata tumingin naman ako sa lalaki
"sorry sa ginawa ng kapatid ko"
"alagaan mo kasi tsk ang dumi na tuloy"
"kaya nga nagsorry na"
"tsk i dont need your sorry"
"aba english sya"
"dont talk to me"
"aguyyy attitude"
Natatawa namang sabi nya tumingin ulit ako sa kanya nakipagtitigan naman sya sakin doon ko lang napansin na may buhat syang isang sako at lumalabas doon ang isang mais kaya ang naisip ko ay galing sya sa farm
"huy miss laway mo!"
"ano ba! Ang dumi ng kamay mo!"
Iwinaksi ko ang kamay nyang sinundot ang pisngi ko inirapan ko sya at akmang aalis na ng magsalita nanamaan sya
"sorry daw ate"
Slow motion akong tumingin sa kanila nung bata habang yung bata ay natatawa naiinis naman ako sa lalaking to
"ako? Tinawag mong ate?"
Pigil ang inis na tanong ko
"bakit hindi ba?"
"excuse me? Baka mas matanda ka pa sakin"
Natawa naman sila sa inasta ko kaya inirapan ko sila at tumalikod
"whatever"