Chapter 33

140 5 0
                                    









Nagulat ako nang pagpasok ko may babaeng nakaupo sa sofa na nakadress


"n-ninang" tawag ko sa kanya


Tumingin naman sya sakin at tumayo para yakapin ako


"hija i finally found my son" napapahikbing sabi nya sakin nginitian ko naman sya


"ninong ninang explain to him everything alam kong maiintindihan nya kayo" nginitian ko sila



Napatingin naman ako sa taong pumasok ng bahay nagtama ang paningin namin umiwas ako ng tingin


"ninang ninong sa taas po muna kaming dalawa" sabi ko at hinatak na si lyka papunta sa taas



"gaga sayang! Chismis sana eh!" maktol naman ni lyka nang makapasok kami sa kwarto ko


I just rolled my eyes gaga talaga to!
Pumunta akong veranda at sumunod naman sya napatingin kami sa labas



"grabe hindi ko akalaing anak pala sya ni tito" hindi makapaniwalang sabi nya tumango naman ako bilang pagsangayon



"kaya nga hindi ako nakapagsalita nung una ko siyang nakita kasi may kamukha sya si tito pala"



"nagtataka lang ako kung ano bang nangyari at iniwan siya noon"




"yun ang aalamin ko makikochismis ako kay daddy mamaya" hagikhik nya chismosa talaga ang babaeng to



"sabihin mo rin sakin ah"



"ay chismosa rin" tawang sabi nya saka kami tumahimik



Nalahikab ako ng maramdaman kong inaantok na ako lumabas narin si lyka at pumunta sa guestroom para daw makipagchismisan sa daddy nya hayyy how i miss mom and dad




NAGISING ako kinabukasan nang may marahas na kumakatok sa pinto ko at alam kong si lyka yun kilalang kilala ko ang gagang to napatingin akk sa orasan at 8 na ng umaga ang aga pa eh


Tumayo nako kahit pipikot pikit pang naglakad para buksan ang pinto pumasok naman kaagad si lyka kaya sinara ko rin agad



"i have chika!" sabi nya habang tumatawa pa nakasagap na siguro ito



"so ganito alam ko na ang dahilan!" sabi nya

Napahiga ako sa kama at nakaupo naman sya inaantok pa akong bumaling sa kanya hinampas naman nya ako ng unan kaya medyo nagising ang diwa ko



"ayun nga! Diba kilala mo na si lolo nakuuuu strikto daw sya noon kay tito kasi syempre panganay eh kailangang maganda ang dating!"


"just get to the point!" sabi ko dahol kating kati na ako na malaman ang dahilan dahil kapag kay andrei pa ay anga awkward



"nabuntis kasi ni tito si tita noon tapos si tita galing sa mahirap na pamilya" pagpapatuloy nya oo nga naman kahit hindi kami close ay somehow nasabi ni daddy sakin yan



"atttttttt nung nalaman ni lolo DAW na nakabuntis si tito gusto nyang ipapatay yung bata which is andrei dahil daw kahihiyan at gusto pang idamay si tita kaya naglayas si tito sinama si tita pero nawala lahat ng mana nya wala na syang maipapakain sa bata kaya napilitan silang ipaampon kahit ayaw nila" napaupo ako ng sunod sunod nyang sinabi yun



"at ayaw nya kasing tulungan sya ni daddy kaya kumayod sya ng sariling sikap"



"eh bakit hindi agad nila nakita si andrei" takang tanong ko



"ayun nga kasi yung kumuha ng bata ay hindi sinabi kung saan pinaampon kaya ayun nahirapan sila pero nakakaloka at dito lang pala ang anak nila! Gaga mayaman si andrei" hinampas nya ako sa braso na parang kinikilig


"tagapagmana yan pareho kayo hahahahaha" tawa naman nya

Kung ganun anong reaksiyon ni andrei kagabi? Nagkaayos ba sila? Anong nangyari?! Naiintriga ako



"at ayun nga umuwi na sila tito kanina" napatingin ako sa kanya ng magseryoso sya



"wag mong sabihi-"



"kasama nila si andrei na umalis" napaayos ako ng upo ng makita ang itsura nya na seryoso para akong pinagsakluban ng langit at lupa



"yung t-totoo?"



"oo nga halika na kakain na" sabi nya sabay labas ng kwarto pumunta akong banyo at iniisip parin ang pagalis ni andrei

Hindi man lang nagpaalam sakin? Sabagay kung hindi importante ang isang tao wag nang pagtuunan ng pansin siguro nagalit sa pagiwan ko sa kanya kagabi


Nagmessy bun lang ako at lumabas na ng kwarto pumunta akong kusina at muntik ko nang mabutawan ang hawak ko nang makita si andrei na nagluluto dito akala ko ba umalis sya?!


Tumingin ako kay lyka at ang gaga parang walang pakeelam na nandito ako umupo ako sa tabi nya at kinurot ko sya napadaing naman sya at tumingin sakin na masama ang titig



Tinitigan ko rin sya na parang sinasabi na ano yung si asabi nya na umalis nag peace sign lang sya at ngumiti sakin binatukan ko naman sya at ngumuso sya sakin



Napabaling naman ako kay andrei nang maglapag sya ng pagkain sa harap ko may kanin na yun at ulam saka sya nagtimpla ng gatas at nilagay sa harap ko




"ay may favoritism pinsan? Hahahaha" tawa naman ni lyka at tinawanan lang sya ni andrei okay??? Magpinsan pala tong dalawa



"asan sila bree?" tanong ko kay lyka habang umiinom ng gatas hinihintay ko yung pagkain nya para sabay kami



"may pinuntahan sila ni manang" sabi naman nya at nangningning naman ang mata nya ng maghain na si andrei



"wala akong milk?" natatawang sabi nya nginisian naman sya ni andrei



"you know you can make it on your own"



Tumingin naman ako sa kanya at hinila naman nya ang buhok ko at napadaing ako na natatawa pa



"ang landot mo ah" sabi nya at tumayo para magtimpla ng gatas pagbalik nya bumukas ang pinto at napatingin naman ako pumasok sila ninong



Napatingin ako kay lyka na inosenteng ngumunguya ng pagkain nya binatukan ko siya kaya muntik na syang mabulunan tumingin sya ng masama sakin tinaasan sya ng kilay



"akala ko ba umalis na sila?"



"oo umalis na sila kanina.....papuntang bayan" hinatak ko naman ang buhok nya at natatawa pa sya sa ginagawa namin



Napatigil kami nang may pumasok ulit parang ako naman ngayon ang nabubulunan dahil si Mona at ang tandang pangit ang pumasok aba! Ang gagga feel na feel ah!



"sino yan?" tanong ko kay lyka tumingin naman sya sakin saka tumingin sa sala



"kasosyo ata ni tito nakita ko noon yan" napatango ako sa sinabi nya saka bumaling kaky andrei na nagkakape na sa harap ko nagulat pa ako nang tignan nya ako at nginitian


"fake news ka talaga no?" baling ko kay lyka habang nilalantakan parin nya ang kanin nya and buraot talaga nito di naman tumataba




"hindi no! Wala akong alam sa fake news!" sabi naman nya at tinaas pa ang dalawang kamay



"baka fake face meron hahahahaha" saka sya tumingin sa sala at tinignan si mona gaga talaga to hahahaha pero



Mukha ngang fake face!



A Summer with him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon