Chapter 27

151 4 0
                                    

"bat mo hate ang summer?"

Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun saka ako tumingin sa labas ng canteen

"kasi doon nangyari ang lahat"


Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun nagkwen to naman sya tungkol sa buhay nya at nakikinig lang ako ampon pala sya? Ramdam ko ang lukot nang pagkwekwento nya

Habang naglalakad kami palabas ng canteen nila nakikinig lang ako sa kanya



"pero wala ni isang sulat o papel kung saan malalaman ko lang sana kung sino talaga ako"

Nakatingin lang ako sa daraanan namin pero ramdam ko ang bigat at kung gaano kasakit na kinimkim nya ito

"sabi nila inay hihintayin daw namin ang totoong magulang ko at kung kukunin nila ako maghihintay daw sila"


Nakalabas na kami ng school nila at naglalakad na papuntang hill doon sa pinuntahan namin nila ton ton noon


"pero nauna silang umalis eh iniwan akong magisa na hindi ko manlang nakikilala ang mga magulang ko"

Hindi ako nagsasalita dahil naiintindihan ko ang mga sinasabi nya

"you have manang and bree and your friends right?"


"oo pero iba parin kasi kapag may magulang"

May point rin sya wala nang nagsalita saamin pagkatapos nun hanggang sa makarating kami ng hill nilatag ko ang panyo ko doon at umupo nakatanaw sa baba saktong mahangin at mag susunset na umupo naman sya sa tabi ko pero malayo saakin saka humiga

"paano mo nakakaya lahat? I mean wala kang magulang ni hindi mo makilala sila ganun?"

"misan nga tinatanong ko kung kaya ko pa kasi sa kalooban ko may kulang talaga saakin eh pero iniisip ko nalang na may darating sa buhay ko na kukumpleto sakin kahit hindi yon ang mga magulang ko"

Napaigtad ako ng pagkatapos nyang sabihin yun ay tumingin sya sakin saka ngumiti napakurap ako sa knaya saka tumingin na ulit sa harap ko saka tumahimik

"kaya ang gago siguro ng ex mo no ginago ka nya"

"yeah he's gago at sa kaibigan ko pa talaga"


"may mga ganun talaga mangyayari ang hindi mo inaasahan hindi mo alam palihim ka na palang linoloko"

Bat ba andaming alam ng lalaking to?



"ang ganda mo na ang bait pa ang talino pa kaya nagtataka ako eh kung bakit ka nya niloko eh full package ka na"


Namula ako sa sinabi nya kaya hindi ako makatingin sa kanya


"gago nalang ang lalaking sasaktan at iiwan ka"


Ano ba andrei! Nakakaloka naman to ang awkward eh baka umasa ako sa pinagsasabi nya


"uwi na tayo baka mapagalitan ako kay manang kapag gabi na kita inuwi"

Tumango naman ako sa sinabi nya at tumayo na nauna syang maglakad kaysa saakin pero napahinto ako ng huminto sya pero hindi sya tumingin sakin nanatili syang nakatalikod



"hindi ka naman mahirap magustuhan eh at ang dali mong mahalin"


With that napatulala ako sa sinabi nya  kahit parang nanghihina ang tuhod ko ay naglakad parin ako pauwi ng bahay ng kasama sya hindi ako nagsasalita dahil ang awkward talaga pagdating namin sa bahay ay dumeretso agad ako sa kama feeling ko lalagnatin ako dahil sa init ng pisngi ko

Whats the meaning of that? Is he saying that he likes me too? Ow god!

K I N A B U K A S A N



bumaba ako ng maaga dahil nagugutom ako naabutan ko naman si bree at manang na paalis na baka ihahatid si bree deretso agad akko sa ref at uminom ng tubig

"morning"

Muntik ko nang madura ang iniinom ko ng magsalita si andrei saka inilapag ang gamit sa mesa para kumain

"m-morning"

Sabi ko saka umupo rin ako sa harap nya at tahimik na kumain

"a-ah yung sinabi mo kahapon na hindi ako mahirap mahalin at magustuhan, a-anong ibig mong sabihin?"


"hindi naman talaga mahirap ah ang bait mo kasi kahit hindi halata pero caring ka sa loob ng ilang linggo na kasama ka nakita ko na ang totoong ikaw"

Namula nanaman ako sa sinabi nya ano ba naman yan! Ang hirap magtago ng mukha

Tumayo na sya at nilagaw sa sink ang pinagkainan nya saka sya bumalik sa pwesto nya at kinuha ang gamit tumalikod na sya sakin pero may sinabi pa sya


"at hindi rin mahirap ang gustuhin ka"


H-ha? Anong sinasabi nya?


"sa tingin ko nga gusto na kita"




Putangina!

A Summer with him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon