"heto naman ang taniman ng mais kakaani lang kasi kaya wala kang makikita"
Napatango nalang ako sa mga sinasabi nya habang kinakalikot ko ang cellphone ko tinetext ko lang naman si jackson
Nagtaka ako ng parang tumahimik at ihip ng hangin lang ang aking naririnig
"nakikinig ka ba?"
"shit!"
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat sa lalaking ito
"ano ba!"
Sabay hampas ko sa braso nya napa-aww naman sya inirapan ko sya at tumingin sa paligid para akong naistatwa sa ganda ng nakikita ko bat ganito kaganda pag summer dito? What the heck?!
"hindi ka naman kasi nakikinig eh"
"im listening im just texting someone"
"magseryoso ka kasi muna sa pinapakita ko"
Nakangusong sabi nya napatingin naman ako sa lips nyang pinkish what the heck?! Napailing ako sabay bulong na nevermind
"hanggang saan ba ito?"
Turo ko sa pagtatamnan ng corn
"hanggang doon oh yung nakikita mong malaking bahay doon hanggang sa harap nya"
I look at what he pointed and i saw a big house i guess?
"hmm not bad malawak pala"
"oo malawak na malawak ang binili ng mama mo"
Nagkibit balikat lang ako at tumingin ulit sa paligid suminghap ako at napabuga ng hangin ng maalala ko ang nangyari nung panahong yun
"woi halika na!"
Istorbo ang lalaking to sinundan ko na sya para hindi na sya magsalita pa ang ingay nya eh
Mahigit 20 minutes kaming naglalakad ng marating namin ang mga kabahayan yung tinuro nya kanina
"hey andrei pwede bang magpahinga muna?"
"ha? Pagod ka na?"
"di ba obvious?"
Sabi ko habang hinahawakan ang tuhod ko hindi kasi ako sanay na naglalakd nang ganoong katagal
"oh sige dito muna tayo"
Turo nya sa isang upuan sa silok ng mangga hindi naman sya masyadong mainit kasi mahangin umupo ako doon at tumabi sya sakin
"nga pala pwede magtanong?"
"go ahead"
Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya
"i me-"
"naintindihan ko nagiisip lang ako ng tanong"
Ehh? Nagtanong sya kung pwede magtanong pero walang maitanong?
Hindi ako nagsalita at nilabas lang ang phone ko mahirap kasi ang signal dito kaya pahirapan
"ano bang buo mong pangalan?"
"Isabella Zoe Lee"
"wow sosyal"
Napatawa ako sa reaction nya kaya napatingin sya sakin at umayos naman ako ng upo at tumigil sa pagngiti
"eh ikaw?"
"Andread Gannaban"
Napatango tango ako at tumingin na ulit sa harapan
"halika na pupunta tayo sa may kabayo"
"ha?"
"sasakay tayo ng kabayo?"
"oo"
"how come? Kailan pa nagkaroon?"
"ah bago kasi m-mawala ang mama mo bumili sya ng dalawa"
Napatungo ako ng maalala nanaman sila mama pero napatingala ako ng tumayo sya sa harapan ko
"tara na?"
Ngumiti sya sakin kaya napatigil ako at napaiwas ng tingin tumayo ako at nagsimula naman na syang maglakad may mga kabahayan sa mga paligid ng nadadaanan namin at may mga tao
May mga tao na napapatigil at napapatingin sakin anong meron?
"Andread!"
Napatingin ako sa mga matatandang tumawag sa kanya kumaway sila at pumunta naman si andrei doon at sumunod naman ako
"naku paupuin mo ang kasama mo"
Sabi ng isang matanda talking about me umupo naman ako sa tabi ni andrei
"ay sino ba tong kay gandang batang to?"
"ahh sya po yung anak ng mga Lee"
Napatingi sila sakin na parang sinusuri ako napatingin naman ako sa kanila
"kamukha mo ang mama mo neng"
"nalaman namin ang nangyari neng condolence"
Nginitian ko lang sila dahil naalala ko nanaman sila kaya ayokong lumalabas eh
"sya po ang panganay"
"abay tagapagmana pala"
"ngayon ka lang ba dito neng?"
"oho"
"abay ipasyal mo sya andread"
"yun nga po ang ginagawa ko eh"
Nahihiyang sabi ni andrei may hiya pala to?
"abay sige na ipasyal mo na ingatan mo ha?"
"oo naman po"
Tumayo na ako at sumunod sa kanya
"ganun lang talaga sila pag may bagong salta "
"its okay"
Hindi na ako nagsalita at pati rin sya hanggang sa makarating kami sa may maliliit na hills at nandoon ang dalawang kabayo
Itinago ko ang nararamdaman kong pagkamangha alam ko naman ang sumakay sa kabayo natutunan ko nung bata ako
"halika na sayo nalang yung white babae yun"
Tumango nalang ako at pumunta na sa isang kabayo tinignan nya lang ako
Sumakay na ako sa kabayo mabait naman sya actually maamo sya napatingin ako sa harao ko at hindi ko na talaga mapigilang mamangha sa ganda
Bigla naman akong nalungkot ng maalala ko si william dahil ito ang pangako nya noon
Napatigila ko sa pagsesenti ng may tumabi saakin na sakay ng brown na kabayo
Tumingin ako at napatitig sa katabi kong tao ng dahil sa hangin ay nalilipad ang hibla ng buhok nya ang tangos ng ilong nya at dumagdag oa ang pinkish lips nya
Napaismid ako at napatingin sa malayo ng bigla syang tumingin saakin
"tara na? Sundan mo ko"
Nauna na sya sakay ng kabayo habang ako nakastay parin doon at hawak ang chest ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko
What the heck?! Why am i feeling this way?!