Red 8

113 8 0
                                    

ACQUAINTANCE PARTY [GLORIDANE UNIVERSITY]

I'm just wearing a simple floral dress. Then some flats. Hindi talaga ako naghe-heels kung di naman kailangan. Mangangalay lang ako. Kinakabahan pa nga ako ngayon e. It's not like may performance kami or what pero kasi... Later, I'm going to see Pink! Oh my gosh! Will she recognize me? Nah! She grew up with Candice, not me! Huhu, I somehow miss her.

"Oh Red? Why do you look tensed?" Hannah asked me. She's with the girls. She's so pretty today! Nakalight blue siya na sparkly na dress then naka light blue rin na makeup. Everything's light blue! Parehas nga sila ni Liam e. Yie hahaha.

"Nothing! Ano lang, um, baka kasi wala akong partner later sa modeling." Kailangan kasi magmo-model before pumasok sa auditorium na venue. Eh walang nagyaya sakin. I'm expecting it to be Blue. Pero alam ko namang si Candice ang yayayain niya. Aish. I'm starting to hate Candice.

"Anong wala? Look who's coming, Red." Sandra winked at me then umalis na sila.

Huh? Sinong parating? Lumingon ako sa kaliwa, wala naman. Sa kanan...

Oh my gosh! Is Blue gonna make yaya to me to be his partner?! Omg! Omg! I'm so kilig right now! Okay, hush!

"Will you be my partner for the whole day?" He said. Ako ba talaga?

"M-me?" Ayaw kong mag assume. Tinuro ko pa ang sarili ko at tumingin sa likod ko at thank God, walang ibang babae. Kundi? Saklap. Huhu.

"Yes, you, Red." Omg! Ako dawww!

He took my hand then we walked hanggang sa part ng university where the students are. Medyo nasa hulihan kami ng pila before pumasok. Sinasabi yung names ng magpartner bago pumasok. Nakakahiya tuloy! Baka bigla nalang magpalakpakan yung mga tao kapag nakita nila ako. Kasi kahapon nung dumating ako, they smiled to me and one girl said "Here comes the Princess!" So humilating!

"Faye Santos and Kirby Ledesma."

"Prince Reyes and Sandra Navarro."

"Hannah Alcantara and Liam Jung."

"Mark Gomez and Sophia Montes."

HALAA! AYAN NAAA! Kinakabahan pa din ako, kahit may partner na ako. Aish. This is so not you, Red! Matapang ka, hindi ka nagdadalawang isip sa mga nangyayari sa buhay mo!

"Naku, paano ba to. Haha. Eto nalang, Blue and Red." Sabi nung emcee yata.

Kasi naman, kasama na sa names namin ang surname. Alangang Blue Evangelista eh the 'e' in his name stands for it. At kapag Red Darconia, para saan pa ang letter 'd' sa name ko.

Tulad ng inaasahan, nagpalakpakan sila. Waaahh. So nakakahiya!

"Tignan mo, pati mga tao, pabor satin." Bulong ni Blue sakin pagpasok namin ng auditorium. Naghahanap na kami ng seats near the barkada.

"Huh? Why should they?" I asked.

"Bagay daw kasi tayo." He chuckled and finally we found a seat. Nasa likod kami ng barkada.

"Hephephep! Ano yang bulong-bulong na yan?" Kirby.

"Nakakaloka kayo! Nagsama lang e!" Faye.

Natawa na lang kaming dalawa hanggang sa matapos ang modeling churva. Haha. I learned it from Hannah. Hahaha, she's so funny.

"Ay! May hahabol pa! Let's all welcome, Candice Chua and her sister from Mary Mount, Pink Chua!"

Parang tumigil ang mundo ko nung marinig ang pangalan ni Pink. Napalingon ako sa entrance. She is Pink. She's wearing a floral pink dress. Her hair, naturally brown. Those pinkish eyes. Those lips, that are pinkish red. Namiss ko si Pink! Kung dati, I'm starting to hate her, ngayon I'm starting to hate Candice more! Makangiti ng wagas akala mo walang alam sa sikreto. I should corner her for this!

"May kapatid pala si Candice?" I heard Sandra asked.

"Sa Mary Mount nag-aaral. Sabi daw kasi ni Candice, mas ligtas si Pink dun." Sabi naman ni Sophia.

"Bakit naman? Ang arte ha. Akala mo mamamatay yung kapatid niya dito." Comment naman ni Hannah.

"Eto ewan ko lang din ha. Dati naman kasi gustong-gusto ni Candice na dito mag-aral si Pink. Pero nung dumating si Red, parang ayaw niya." Sabi naman ni Faye.

Huh?

"Oo nga. Weird. Mabait naman si Red."

"Sssh. Hayaan niyo na nga sila. Wala namang ginagawa sa inyo yung tao eh." Saway ko sa kanila. Pero deep inside eh, bwisit na bwisit na ako kay Candice. Alam kong alam niya ang dapat kong malaman. I can feel it!

Nakita kong umupo si Candice at Pink sa bandang unahan. Napako ang tingin ko kay Pink. Nung nahuli niya akong nakatingin sa kanya, umiwas ako ng tingin. Pero may nakakuha ng atensyon ko sa mata niya. Tumingin ako ulit. May shiny crystal. Ibigsabihin, siya nga talaga si Pink. The one and only.

~

The party went good. Pagtapos kong kumain, nagstay lang ako sa upuan ko. Wala naman akong magagawa eh. Lahat sila, busy sa kakasayaw. I'm not really into dancing kasi. Singing lang. Dancing? Maybe kapag trip ko. Haha. Natapos ang freestyle dance, yung iba, bumalik sa upuan nila. Kabilang doon si Pink.

Chance! Thank Heavens!

Lumapit ako kay Pink na umiinom ng mango shake. Oh, same favorite.

"Um, hi?" I approached.

"Oh! Hello! OMG, you're Princess Red, right?" She squealed.

Kung alam mo lang, gusto ko sanang sabihin na 'And you're Princess Pink, right?' Eh kaso ayaw ko naman siyang biglain. Baka matakot pa sakin.

"Yeah, the one and only. Pink, right?" I said and sat beside her. Sa upuan ni Candice.

"Yes, oh my gosh. You know me. Haha. So, you're friends with Candice?" Ibang-iba sa inaakala kong ate si Pink ngayon. I thought she'd be cold and serious. Pero quirky and funny.

"Um, yes. But wait, do you know what my name means?" I asked. Baka sakaling maalala niya yung sa kanya, meron pala.

Why the heck to people have to forget those IMPORTANT memories?

"Absolutely! I'm a fan of yours. Rexine Emerald Darconia. Right?" She said.

Ohh Pink. Ugh. I want to hug her and bring her back to UK.

Pero hindi pa pwede. Wala akong maihaharap kay Candice.

"Yeah! Glad to be your idol. So, we're the same. Parehas na dedicated sa color. Cool."

Medyo nagulat siya.

"Kyaah. Nagsasalita ka naman pala ng Tagalog. Haha. Oo nga no? Cool!" She said.

Magtatanong pa sana ako pero biglang dumating si Candice. Ugh. Panira!

"Oh, bye Pink. Nice to meet you and see you soon." Umalis na ako doon ng nakangiti kay Pink.

Candice was looking furiously at me. See? Sa mga actions na pinapakita niya, halatang ayaw niya sakin at ayaw niyang lumalapit ako kay Pink. Too stupid girl. Bakit niya hinayaan si Pink na umupo lang mag-isa dun? But Pink is her ate anyways. Her ate, too.

Bakit ba marami akong kaagaw sa mundong to?

Princess RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon