Kinabukasan, nagsilbing alarm ko ang pagring ng iPhone ko. Ibigsabihin, may tumatawag sakin. Kay aga-aga. Hay nako. Bumangon ako at kinuha ang iPhone ko mula sa katabing drawer nitong kama. Hindi ko na tinignan ang caller ID, at sinagot ang tawag.
"Hello?" Ugh. My grunge voice when I woke up.
"Red." Napabalikwas ako agad at nagising talaga ang diwa ko nung narinig ko ang boses ni mommy. I'm sure si Pink nanaman ang itatanong niya. Well, I'm planning to say it pero baka biglang sumugod si mommy dito.
Then get me and Pink. Mas mabuting iwan nalang ako dito. I won't let Candice win. Lalo na at si Blue ang prize. Haha. Just kidding. I love Blue.
"Y-yes, mommy?" Aish. Nagtanong pa eh noh.
"How's the search, Red? I haven't called you for some weeks. Imposibleng wala ka pang news about Pink." Mommy said.
I sighed, deeply.
"I've seen Pink. Infact, nakausap ko na siya. But hindi ko pa siya maisasama pabalik." Alam kong natulala si mommy sa sinabi ko.
"Really? B-but, why? Anong nangyari?" There's a hint of concern on mommy's voice. Meron talaga. Solid, para lang kay Pink.
"She was got from us when she was a toddler. Now, 2014, halos nabago na siya. She may have a mental block on what happened before. Hindi niya tayo natatandaan, mommy. Wala siyang maalala tungkol sa pagiging prinsesa niya."
I heard mommy gasped.
"K-kamusta siya? Is she fine? Anong itsura niya? U-um, sinong nag-aalaga sa kanya? How is she?" Sunod-sunod na tanong ni mommy.
Mas nauna pang tinanong si Pink kesa sakin. Si Pink agad ang bungad ng bawat tawag sakin ni mommy. Si Pink agad ang iniiisip. Pero isang bagay lang ang narealize ko, mahal ko si Pink kahit anong mangyari. Kung dati, I envy her? I love my sister. I somehow hate her before. Pero inggit lang pala yun. Ngayon? I love her, no matter what.
"S-she's okay. Perfectly fine. Pretty and healthy... and she went to this family... Chua family." I answered.
"What? Do you... need help from me? Pupunta ako diyan."
See? Lahat gagawin para kay Pink. She really loves my sister.
"No need, I can handle everything. Just... a mother's concern for me will do." Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Siguro I'm longing for her love, care and attention.
"G-ganun ba, anak? I'm sorry. I love you, I really do. Take care, okay? I don't want my Red gone, too."
Pwede nang pangringtone sa umaga. Ang sarap ulit-ulitin. Sarap pakinggan. First time in my seventeen years of existence. Pero masaklap namang isiping posibleng napilitan ang mommy ko na sabihin yun dahil alam niyang kapag sinabi niya iyon ay may lakas na ako ng loob hanapin si Red.
I ended the call. Bigla akong napaluha.
Just then, nakatanggap ako ng text from Hannah.
From: Hannah
It's settled! Candice invited us on Pink's birthday party on Friday. We should shop, tomorrow, okay? :)Napangiti ako. Gagawa na ako ng paraan para makuha si Pink. Para matigil na lahat ng to. At mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Selos ba to kay Blue at Candice? Hindi ko alam. Basta... nasasaktan ako kapag nakikita silang masaya.
Because I love him... as much I love Pink.