Red 14

73 6 3
                                    

One month passed, maraming nangyari. Hannah and Liam had their cool-off. Faye and Kirby had a misunderstanding na hanggang ngayon, hindi pa rin ayos. Sophia and Mark had their almost break-up day yesterday. At magkaaway pa sila ngayon. Sandra and Prince are not in good terms after the party. Inshort, lahat ay nagkakagulo. Minsan ko na nga lang makausap sina Hannah ng matino eh. They usually answer me with a nod or a smile. Talagang hindi sila okay these past few days.

At alam kong kahit di nila alam, ako ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi siguro ako dumating sa mga buhay nila at nagkagusto kay Blue, hindi magkakanda-leche ang buhay nila ngayon. Pero one thing really bothers me.

I like Blue. At ayokong pati sa kanya ay may kaagaw ako. No. Not Candice.

Maya-maya lang ay nagkagulo na sa may hallway. Looks like may dinudumog sila sa center part ng hallway. Halos babae ang mga nakapalibot at yung iba, may dalang phones at parang kinukuhanan ng picture ang nasa gitna. I even saw Liam, Mark, Prince and Kirby over there. Nasa bandang unahan sila. Pero hindi naman sila yung pinagkakaguluhan. They were watching with their jaws dropped. Dahil na rin sa curiousity, nakisiksik ako sa mga tao dun.

Which I really regreted in my whole life.

"My gosh! Hindi sila bagay. Seryoso." Rinig ko pang hirit ng babae sa likod ko.

"Oo nga. Blue-Red pa naman ako for the win." Sabi pa.

I fighted the urge to cry. No, not this time. Ayokong makita ng mga tao na mahina ako. Ayokong makita nila na nasasaktan ako. Ayokong makita ni Blue na mahina ako, ayokong makita ni Candice na talo ako. Kasi hindi naman diba? What Red wants, she gets. But now, maybe she have to let someone go. Until she knows it's for best.

"Candice... will you be my girl?"

May mga naghiyawan. Pero karamihan ay parang nadismaya. Isa na ako dun. Blue left me hanging happy with the thoughts about him, then he suddenly left me for a secret bitch. Yun ang di ko matatanggap.

Syempre, oo agad si Candice.

"Yes!" Pagkasabi nun ay tuluyang bumuhos na ang mga luha ko. Kaya naman yumuko na ako at umalis. The girls who are talking earlier, maybe noticed me.

Bakit ganun? Palagi nalang akong nauunahan. Maybe I was in the stage of planning how to be close to Blue when Candice already came by. Hindi ko masisisi si Blue. Candice is really pretty. Pero ayun nga, masama ang ugali niya. Only me can see that. She is very competitive. At kung gusto niyang lumaban, edi lumaban.

I won't do anything to get Blue. I won't flirt. I'll let destiny do it.

Napaisip ako. Isang buwan na ako dito sa Pilipinas. Mom haven't called me yet, regarding about Pink. Speaking of Pink, class hours niya ngayon sa Mary Mount na napagalaman kong malapit lang pala dito. For the first time in my life, I ditched my classes. Alam kong masama. Pero ang rason ko, enough na para kay mommy kung malaman niya man ang pagcutting ko. Linakad ko nalang tutal dalawang kanto lang ang layo.

Nang makarating ako, tatapak palang ako sa gutter nang naramdaman kong may nagtext sakin.

From: Hannah
Hey, where are you? First period of class na! Hurry up!

At may isa pa.

From: Liam
Where are you, Red? Nag-aalala na sayo sina Hannah. Don't make them worry like I do. :)

Hindi ko nalang pinansin. I have bigger problems than their love quarrels.

May guard sa may gate. Papasukin kaya ako? Even if nag-aalangan ako ay I approached the scary big guard. Tinignan niya ako at ang uniform kong suot. Gloridane, what he was reading. Sister school naman namin ito kaya paniguradong papasukin ako. Just think of a reason why you're here, Red. Magaling ka dyan.

"Am, hi po. May bibisitahi--"

Tumungo si kuya guard. Huh? "Pwede po kayong pumasok, Princess Red." And I almost forgot about fame and being a princess.

Tinanguan ko lang si kuya guard. Binuksan niya yung gate at tuluyan na akong nakapasok. Kinakabahan ako. May ilang nakakilala sakin dahil na rin sa suot kong uniform at dahil sa buhok ko.

"Si Princess Red yan diba? Bakit siya nandito?"

"Baka may binibista? O kaya naman representative ng Gloridane?"

Representative? Saan? Nevermind.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa mapatigil nalang ako sa harap ng isang room. Ito ang room ni Pink. Sigurado ako.

ROYALTY SECTION.

The door slightly opened, nakita ko ang mga estudyante sa loob. They were well groomed. Di kaya tinuturuan sila ng royalty? Napansin ko si Pink sa unahan. She turned her gaze to the door. Napansin niya yatang nakabukas.

And then she saw me.

Princess RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon