Zoe's POV
Umangang-umaga nabuburyo na ko. Ano ba naman kasi, biology nanaman. Mula grade 3 lesson na namin yan ehh. Paulit-ulit na lang.
Recess na at papunta na kami sa canteen habang papalapit na kami may nahagilap akong pamilyar na mukha.
Lumiko ako para maiwasan sana pero mga gago kaibigan ko at tinawag pangalan ko. Naagaw naman atensyon nung gago, kaya kinawayan ako. Ngumiti na lang ako ng pilit.
"Cyst sino yan? Kilala ka ata ahh? Kinakawayan ka ohh" usisa ni Rexelle
"Bagong lipat na kapitbahay namin. Malandi di ko keri" sagot ko naman.
Wala na akong choice kundi dumeretso na sa canteen. Habang kumakain kami nilapitan ako ni Maharot.
"Hi babe" bati niya sakin.
Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Nagngiting aso naman mga kaibigan ko. Mga depungal tulungan niyo ko dito. Makuha naman sana kayo sa tingin.
"Hi babe daw ohh. Zoe ikaw ahh may jowa ka pala di mo sinasabi samin."
"Tigilan niyo ko. 'Di ko yan jowa"
"Bilis maka move on kay Isaac ahh" ani Isabella
"Kailangan mo?" Tanong ko kay Franco
"Wala naman na miss lang kita" pabebeng sabi niya
"The fuck? Tigil tigilan mo nga ko anlandi mo talaga" tawang tawa naman ang gago sa sinabi ko
Pinagtitinginan siya nung mga nasa paligid namin na babae nagtataka siguro kung anong ginagawa ng college dito sa senior high department.
"Sige na una na ko pinagtitinginan na ko ng tao dito mukhang gwapong-gwapo sakin eh. Alis na ko babe. Bye" paalam niya saming apat
Sobrang kapal talaga ng pagmumukha netong lalake na to.
Uwiian na namin at inaantay ko si kuya dito sa parking lot ng makita ko si Isaac na kumakaway sa banda sakin kaya kumaway ako pabalik, naalakad siya papalapit sakin kinalma ko sarili ko at nagpanggap na busy sa pag-cecellphone. Nagtataka ako ng makitang nilampasan niya ako kaya tinignan ko kung saan siya papunta at nakitang may babae pala sa may bandang likuran ko at siya yung kinakawayan putangina. Yung babaeng kasama niya sa mall noon. Nakakahiya pakshet. Buti na lang at nakita ko si Franco na naglalakad papalapit dito sa parking kaya nilapitan ko na lang.
"Kanina pa ko kumakaway dito di mo ko nakikita?" Malakas na sabi ko para marinig nung dalawa at hindi nila isiping mukha akong tanga kanina
"Oww? Na miss mo agad ako babe?" Panlalandi uli niya
"May kotse ka?" Tanong ko naman
"Meron, bakit sabay ka sakin?"
"Hindi, natanong ko lang, inaantay ko si kuya"
"Ahh si Zinox? Naalala ko tuloy ibinilin ka niya sakin. Sabay na daw kita may date daw siya ehh"
"Ahh may date pala. Sige sabay na ko sayo" walang pag-aalinlangang sagot ko. Kapitbahay ko naman ehh
Sumunod na ko sa kaniya papunta sa kotse niya and then boom, freaking Mitsubishi Expander 2020.
" 'di ka pa papasok?" Tanong niya sakin na nagpagising sa ulirat ko
"Ahh wait lang" sabay kunyareng may pinulot sa baba para hindi magmukhang tanga
Nang makapasok ako sa loob huminga ako ng malalim amoy na amoy ko kasi yung pabango niya Lacoste perfume.
Itinuon ko ang pansin ko sa cellphone ko para 'di ako kausapin kase lalandiin lang naman niya ako. Pero nagtataka pa rin ako kung bat di niya pa inistart tong sasakyan niya sinilip ko siya at nakatingin sakin
"Why?" Tanong ko
Nagtaka ako nung lumapit siya sakin at bumulong
" Kanina pa kita hinihintay mag seatbelt pero di mo ginawa, kaya ako na lang maglalagay sayo" agad akong namula sa ginawa niya kasi tangina ang init ng hininga niya nakiliti ako.
On our way home puro Ben and Ben ang mga pinapatugtog niya which is I like, they're one of my fav band.
"Favorite mo Ben and Ben?"tanong ko sa kaniya
"Oo" tipid niyang tanong
"Ohh, ako rin"
Then the music change to Araw-araw.
I unconsciously humming then started to sing in the chorus part
Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yoy malinawI enjoyed the ride with him kasi nung nag narinig niyang kumanta ako sumabay na rin siya, damn ang ganda ng boses niya.
The days have been passed medyo naging close na kami ni Franco. Ewan baka dahil gusto naming pareho Ben and Ben. Tuwing hindi ko makakasabay si kuya sa kaniya na ko nakikisakay pauwi. Tinutulungan din niya ko minsan sa mga assignments ko na 'di ko alam sa physics, chemistry, biology.
Andito kami ngayon sa canteen nila Shyrelle kumakain tas review na rin malapit na kasi finals ehh. Finally magiging college na ko next pasukan.
"Shyrelle ano itatake mong course pag college na?" Biglaan kong tanong
"Architecture, pero di ako sure nag-aalanganin na ko kasi hindi naman kasi masyadong ano dito sa pinas" napatango tango naman ako
"Ehh ikaw?" Turo ko kay Rexelle
"Ewan siguro Nursing"
"Wow ang sisigurado niyo naman." Sarkastiko kong sabi
"What about you?" Ani ko kay Isabella
"Med Tech" buti pa to sure na sure na hahahaha
"Ayun may kapareho na ko" nagdidiwang na sambit ko
Makalipas ang ilang weeks na puro aral, research ang inatupag ready na ko sa exam bukas. Tsaka on the moving on process na ko kay Isaac kasi alam ko naman na never siyang mapapasakin. Bali-balita nga na jowa jowa yung lagi niyang kasama. Kaya naman mga kaibigan ko inaaya ako ngayong pumunta sa mall total Linggo naman ngayon. Kasalukuyan akong nag-aayos kasi kailangang maganda tayo, malay mo may mabingwit ako mamaya sa mall
I'm wearing a maong high waisted jeans pairing with stripes fitted top then white chunky shoes.
Hinatid na ko ni kuya sa mall na tagpuan namin kasi may pupuntahan din naman daw siya, siguro may kadate, ewan well it's none of my business.
Nasa loob na ko at papunta na sa arcade na napag-usapan naming hintayan. Then I finally saw them playing games pfft. Linapitan ko na sila at inaya na maglaro dun sa baril-barilan nakalimutan ko na tawag dun.
Kami ni Isabella dito sa baril-barilan then yung dalawa nasa dance dance revolution. Kakatingin ko sa kanila may pamilyar uli na mukhang nahagilap mata ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Love Story
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong pinagtagpo sa di maipaliwanag na sitwasyon sana ay magustuhan niyo ito