Zoe's POV
Inopen ko naman at laking gulat ko ng makitang hawak niya yung tinitignan kong human size teddy bear kanina.
"Surprise" sabi niya
"Bakit mo binili? Sayang pera mo" sabi ko sakaniya
"Iba na pala thank you sayo" natatawa niyang sabi
"Thank you" sabi ko na lang tas ngumiti. Inabot niya sakin yung teddy bear at pinisil pisngi ko.
"Matutulog ka na? Nasan yung camera mo? Hiramin ko lang ipapasa ko lang pictures natin" Tanong niya sakin nang makitang humiga na ko
"Oo inaantok na ko ehh. Ikaw din matulog ka na siguradong pagod ka dahil sa pag dadrive. Yung camera andiyan sa table." Sabi ko sa kaniya sabay turo sa table na tinutukoy ko
"Good night, sweet dreams babe" sabi niya
"Good night and sweet dreams din" nasabi ko na lang
1st day pa lang ng road trip namin napagod na ko. But I really enjoyed his company. I feel so tired, kaya natulog na ko
Maaga akong nagising. Tinignan ko si Franco sa kabilang kama na mahimbing ang tulog napagdesisyonan kong magluto ng breakfast namin. May nakita ako sa ref na longganisa mukhang binili ni Franco kagabi kasabay nung teddy bear. Naghanap ako bigas laking pasasalamat ko naman nung may nakita ako sa naka plastic sa tabi ng lababo mukhang binili rin niya kagabi.
Kumpleto naman gamit netong napili niya kaya sulit. Naka saing na ko kaya isinunod ko naman yung longganisa. Hinugasan ko, pinaghihiwalay ko, tinusok ko para mas mabilis maluto. Nilagay ko sa kawali, kailangang lagyan ng kaonting tubig para ma boil muna then pag wala ng tubig lagyan na ng mantika.
Nagising ata si Franco sa amoy ng niluluto ko.
"Ginising mo sana ako para napanood kita magluto" naka ngiting sabi niya. Ang aga-aga yung kalandian niya to the highest level nanaman.
"Pano kita gigisingin ehh ansarap ng tulog mo lakas mo nga humilik ehh" panloloko ko sa kaniya
"Isipin mo na lang na pambawi ko sayo to. Lagi na lang ikaw ehh" dagdag ko pa
"Wala yun basta para sayo" kita mo napakalandi
Kakatapos ko lang maligo nang makapasok na siya sa banyo dun na ko nag damit. Simpleng white blouse and maong short ang napili ko and a grey sling bag.
First destination namin ngayon is Buluarte Resort and Mini Zoo. We took pictures with the tiger, lion and the dinosaur statues. Pumunta din kami sa museum ni Chavit.
"Look kamukha mo" pang-aasar ko kay Franco sabay turo sa hippopotamus
He chuckled
"Guess who's talking" pambabara niya sakin
Nagtawanan na lang kami.
After we get the picture I wanted, umalis na kami. Papunta na kami ngayon sa next na destination namin which is Hidden Garden
Tagong-tago talaga. I'm a bit surprised kasi yung pinsukan namin parang normal gate lang ng bahay.
"Sure ka eto yun?" Tanong ko kay Franco
He chuckled
"Yeah lika dito" iginaya niya ako papaloob and boom. Woah ang luwang. Ang daming kainan ang ganda. Pati cr nila ang linis nakakahiyang umihi. Bali ang itsura ng cr is puro bato yung flooring and a clear glass makikita mo yung mga halaman sa labas.
Naglibot libot kami may nakita pa nga kaming couple na nag mamake out sa likod ng halaman, gross
Naglibot-libot pa kami. Nang mapagod ako ayy inaya ko na siyang kumain.
BINABASA MO ANG
Accidentally Love Story
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong pinagtagpo sa di maipaliwanag na sitwasyon sana ay magustuhan niyo ito