Zoe's POV
Months have been passed since I became Franco's girlfriend.
Kasalukuyan kaming nagkukuhanan ng dugo ni Isabella, activity namin. Pagkatusok ko ng injection sa kaniya I gently pulled the plunger. Then transferred it to a green top test tube. She also did the same thing to me.
"Samahan mo nga akong bumili ng mga gamit mamaya" sabi ko kay Isabella
Tumango naman siya. Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama dahil hindi pa tapos klase nung dalawa. We have different schedules.
"Which one?" Tanong ko kay Isabella habang hawak hawak ang dalawang kulay ng balloon. A clear and a pastel blue.
"Yang clear na lang tas lagyan mo ng chrismas light" sinunod ko naman suggestion niya. Bumili na rin ako ng battery powered Christmas light.
Andito kami ngayon sa Red Ribbon hinihintay yung cake na pinili ko. Pagkatapos nilang i-transfer sa box ay umalis na kami.
"Hi tita" bati ko sa mama ni Franco
"Oh andiyan ka pala pasok kayo" aya niya samin ni Isabella
Sinabi ko kay tita ang sadya ko kaya tuwang-tuwa siya. Inihatid niya kami sa kwarto ni Franco.
Ngayon pa lang ako naka pasok sa kwarto niya. Una kong napansin yung mga nakadikit na manila paper sa diding, reviewer niya.
Pinalobo namin yung balloons pagkatapos naman ay nilagay ko na yung Christmas lights. Nang matapos na namin ang pagdedesign. Nagpaalam na si Isabella na uuwi. Nagpasalamat ako sa tulong niya
Nagchat sakin si Franco
Franco: babe asan ka?
Me: nauna na kong umuwi, andito na ko sa bahay. Hindi maganda pakiramdam ko
I lied
Franco: luh, sige puntahan na lang kita mamaya. Pauwi na ko. I love you
Napangiti naman ako. Aww, buti na lang talaga at siya naging boyfriend ko.
Me: Ingat ka, I love you too
Bumaba na ako at kinuha yung cake sa ref nila tita. Sinabi ko sa kaniya na pauwi na si Franco at wag sasabihing andito ako
Pagkapasok ko sa kwarto pinatay ko ilaw para mas maenhance yung kulay ng christmas light.
Naka upo ako sa kama ng bumukas yung pinto. Kita ko yung gulat sa mata niya ng makita niya ako at yung mga ginawa ko
Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Akala ko may sakit ka talaga" sabi niya, natawa naman ako
I kissed him. "Happy 4th monthsary babe"
He kissed me gently while holding my nape and back for support. Habol-habol ko ang hininga ako nang matapos. Then he kissed my forehead.
"Happy 4th monthsary love" sabay yakap sakin.
Pagkatapos ay umuwi ako saglit para makapagpalit at makapagpaalam na matutulog ako kila Franco. Pumayag naman sila may tiwala sila samin.
Nagkaayaan kaming pumunta sa park. Kasalukuyan kaming naglalakad magkahawak kamay.
"Babe ang ganda ng buwan" sabi ko sabay tingin sa kaniya
"Mas maganda ka" kaagad ko siyang binatukan
"Aray naman. Sinasaktan mo na ko ngayon" naka pout niyang sabi. Tangena naman ohh pabebe neto
"Tigilan mo yan hindi ka cute" puna ko nanaman sa kaniya na dahilan ng pagtawa niya
Pagkarating namin sa park. Dumeretso ako sa swing. Nakakamiss maging bata, mga panahong ang problema lang ay ayaw ka bilhan ng laruan na gusto mo.
BINABASA MO ANG
Accidentally Love Story
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong pinagtagpo sa di maipaliwanag na sitwasyon sana ay magustuhan niyo ito