Prologue

1.2K 20 1
                                    

Prologue

"Naganap ang sagupaan kaninang alas kuwatro ng madaling araw sa kabundukan ng Cordilleras. Ayon sa isang sundalong nakaligtas, naunang nagpaputok ang kampo ng New Philippine Army.

Isa lamang sana itong pribahadong misyon ng sandigang lakas ng bayan ngunit nagsimulang mamomba ang mga NPA sa malapit na kabahayan.

Sampu ang naitalang patay sa nangyaring pamomba at nasa bilang na pitongpu't-isa ang mga sugatan." Pagbabalita ko habang nakatingin sa camera man. Napaka-propesyonal ko sigurong tingnan ngayon na tila ba hindi nagpapanic ang loob ng sistema ko pero ang totoo, kabang-kaba na ako. 

"Anong balita sa ating mga sundalo riyan, MJ?"

"Sa kasamaang palad, nasa bilang na dalawampu't walo ang nasawi sa engkwentro kanina. Patuloy pa rin pinaghahanap ang iilan pang sundalo at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng hindi opisyal sa gubat."

"Gaano katotoo ang balita kanina na may ginamit na helicopter ang mga nasa New Philippine Army?"

"Ayon sa interbwu kanina kay Heneral Aranas kaninang alas singko ng hapon ay totoo ngang may gamit na helicopter ang mga NPA. Kaya mabilis na rumesponde ang mga sundalo para masundan ito ngunit nakakita rin sila ng pagsabog sa himpapawid. Sa ngayon ay pinaghahanap pa ang ang iilang sundalo o kahit ang mga labi na lamang. Ginagawa ng pulisya ang lahat ng makakaya para maidala ang lahat ng katawan ng mga sundalong nakasama sa labanan."

"Sino ang nangunguna sa mga sundalo?" Napalunok ako nang marinig ko ang tanong ni John, hindi ko siya masisisi. Trabaho namin ito. 

Inayos ko ang postura ko bago ako sumagot. 

"Pinangunahan ni Captain Ardiente ang nasabing misyon," napahinto ako saglit para kumuha ng lakas ng loob. "Kabilang si Captain A-ardiente sa labanan na nangyari sa himpapawid. Sa ngayon, ay wala pang balita tungkol sa sakay ng helicopter dahil ito ay sumabog sa kalagitnaan ng digmaan."

Nagpakita kami ng mga interview at nakuhanan na letrato bago natapos ang parte ko. Pagod akong umupo pagkatapos na pagkatapos na i-off ang camera na nakatutok sa akin. Alas-syete na ngunit wala pa rin akong balita tungkol kay Haze.

Ayokong isipin ang posibilidad na sinasabi nila, na kasama ang katawan niya sa pagsabog ng helicopter na sinasakyan nila. Hindi. Hindi niya ako iiwan, nangako siya, pang-hahawakan ko iyon. 

"Maeve!!" Malakas ang pagtawag sa akin ni Hansen na tila magbubuga ng apoy sa lebel ng galit niya. Sa likuran niya ay si Hendrich na nag-alalang dumalo sa akin. Napatingin sa amin ang kasama naming mga staff sa tent, tinanguan sila ni Hendrich kaya marahan silang lumabas.

"What the hell you're doing?" Utas niya agad pagkalapit sa akin. Pagod kong hinilamos ang mukha ko. 

Kanina palang narinig ko na may nangyaring digmaan ay kakaiba na ang kutob ko dahil sa kinikilos ni Haze noong nakaraang araw. Kaya kahit ayaw man akong payagan ng pamilya ko at netong mga kaibigan ko na magpresinta na pumunta rito ay ginawa ko pa rin, nakiusap pa ako sa network namin para makakuha ako ng mga impormasyon at hindi nga ako nagkamali na si Haze ang naglelead ng operation na ito.

"You both know, right?" Pagod na tanong ko sa kanilang dalawa. Kaninang als tres kami nakarating dito at hanggang ngayon ay wala pang balita tungkol kay Haze. 

"We didn't tell you because Haze told us not to." Tumango ako sa sinabi ni Hendrich, lumambot na ngayon ang tingin ni Hansen sa akin tiyaka ako hinigit para yakapin. 

"He's alive, okay?" Tumango ako nang wala sa sarili tiyaka ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko ang kamay ni Hendrich sa likuran ko para patahanin nila ako. 

Bloom In Session [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon