7:26 ng umaga, ng magising si Madison dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nakalimutan na naman niyang isarado ang kanyang bintana.
Inayos niya ang kaniyang pinaghigaan at bumaba para makapagluto ng kanilang kakainin. Nagpainit siya ng mainit na tubig para makapagtimpla ng kape, nag prito ng itlog at hotdog at pinainitan din niya ang pandesal na binili niya kahapon kina Aling Gina. Nagluto na rin siya ng pinakbet para uulamin nila pang haponan. Pagkatapos niyang magluto, agad naman siyang naligo dahil pupunta siya sa kabilang bayan.
Normal lang ang buhay nina Madison. Mas gugustuhin niyang manirahan sa isang mapayapa at may sariwang hangin na malalanghap kesa sa isang syudad na puno ng ingay.
Nang matapos na niya ang lahat, pumunta na siya sa itaas para gisingin si Amelia. "Amelia, gising na. Umaga na oh. Pupunta ako ng bayan kasi may importante lang akong bilhin. Naihanda ko na rin ang almusal mo"
"Sinabihan ko na rin si Aling Gina na dun ka na muna sa kanila habang wala ako. Di ko lang alam baka gagabihin ako ng uwi. Ipainit mo nalang yung pinakbet na niluto ko ha"
"Sige po ate. Ingat ka " ang tanging sagot naman ng kanyang kapatid.
"Sige. Wag kang magulo dun ha. Sasabihin din sakin ni Aling Gina kung nagkukulit ka dun o hindi. Maglaro nalang kayo ni Dianne. Wag kang pupunta ng dalampasigan ha? Baka mangyari na naman yung nangyari nung nakaraan" aniya habang pumipili ng kanyang damit na kanyang susuotin at ibang gamit na kakailanganin nya. "Sige po ate"
"O siya, pag natapos ka jan. Hugasan mo yang pinagkainan mo a" sasagot na sana si Amelia ng biglang dumating ang kanyang kaibigan na si Beatrice.
"Oy! Madison tapos ka na ba? Hali ka na! Aalis na raw yung bangka. Bilis! Baka maiwan tayo!"
"Ha? Ay o sige teka lang magsusuklay lang ako. Amelia! Yung bilin ko ha, wag mong kalimutan. Sge aalis na ako!" Hindi na niya narinig ang naging sagot ng kapatid ng kinaladkad na siya ng kanyang kaibigan. Patakbo nilang tinungo ang port at hingal na hingal silang nakarating.
"Sensya na po manong, nagpapaganda pa po kasi itong kaibigan ko e kaya po kami natagalan.'' aniya ng kaibigan niya. Natawa nalang si Madison sa sinabi ng kaibigan. Sanay na siya kay Beatrice, may pagka lokaret din ito. Matagal na silang magkaibigan simula nong maliliit pa lamang sila.
"O sige. Tara na at aalis na tayo." Ani ng may ari ng bangka. Malayo layo pa ang kanilang lalakbayin, nasa 2 oras ang byahe galing sa kanilang probinsya hanngang sa bayan.
Bangka ang kanilang ginagamit pantawid, minsan nasisiraan din sila sa gitna ng paglalakbay kaya mejo matagal bago sila makarating.
Habang tinatawid na nila ang malawak na karagatan, pinagmamasdan nalang ni Madison ang papalayong pigura ng kanilang probinsya at di namalayang nakaidlip na pala ito.
Nagising si Madison nang may tumatapik sa kanyang braso "Hoy babae! Gising, andito na tayo. Tulo laway mo oh"
Agad naman na tiningnan ni Madison ang kanyang relo at mag a-alas onse na pala, pinagmasdan niya ang paligid at napagtantyang nakarating na pala talaga sila sa kanilang paroroonan. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Muli, andito na naman siya sa isang maingay na lugar. Ayaw nya sa mga ganitong klaseng lugar bukod sa maingay, polluted din ito dahil sa mga usok ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Her Plea
Ficção AdolescenteMadison was happy living in a simple province of Santa Monica together with her younger sister Amelia. Her parents died because of the typhoon na tumama sakanila noon kaya siya ang tumayo bilang isang ina sa kapatid nya. Aside from that she was hap...