•Chapter 04• (SUMBONG)

8 0 0
                                    

(unedited)

THIRD PERSON'S POV:

Kinaumagahan pagsapit ng alas-otso, agad na pumunta si Madison sa bahay nina Beatrice. Pupunta siya para sabihin ang nangyari kagabi dahil tanging si Beatrice lamang ang nakakakilala kay Sir Valviento. Hindi niya muna ito isusumbong sa kanilang barangay. Kailangan niya muna ng sapat na ebidensya na totoo nga ang nasaksihan niya

"Tao po! Beatrice!" Katok niya sa pintuan, pero ang nanay ni Beatrice ang bumungad sa kanya. "Oh bakit Ija?"

"Tita, si Beatrice po?"

"Puntahan mo nalang sa kwarto niya, di pa ata siya gising e"

"Sige po." Agad naman niyang tinungo ang warto ni Betrice at binuksan ito.

"Hoy Beatrice gising, may sasabihin ako sayo na importante" Tapik niya rito, pero ayaw pa rin gumising. Tulog mantika itong kaibigan niya kaya mahirap talagang gisingin. At ng hindi pa rin ito gumigising, pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. Ito ang kadalasang ginagawa ni Madison sa tuwing pumupunta siya sa kanila at maaabotan niya itong tulog pa.

Kumuha siya ng kaunting tubig at iwinisik wisik sa mukha ni Beatrice. (ganito po kami gisingin ng lola namin noon)

"Tsk! Hayst, ano ba yan!" pakamot na sabi ni Beatrice at halatang naiinis.

"GUMISING KA NA KASI! MAY SASABIHIN AKO SAYO!" sigaw ni Madison para mas lalong itong mainis.

"Aish, bakit ba? Ano bang sasabihin mo?" agad naman itong umupo sa kanyang kama at inayos ang sarili.

Umupo naman si Madison sa isang  upuan na malapit sa bintana. Bumuntong hininga munas siya bago nagsalita "Hayst. Alam mo ba kung anong nangyari sakin kagabi?"

"Malamang hindi." irap ng kaibigan.

"Beatrice, nakita ko si Sir Valviente kagabi at..." agad namang napatingin sa kanya ito na parang hindi naniniwala sa kanyang sinabi.

"Madison, ilang ulit ko bang sabihin sayo na hindi pumupunta sa ganitong lugar si Sir Valviente. Mayaman yon, marami silang pera. Sa tingin mo anong pupuntahan niya dito? Sige nga?" paliwanag ni Beatrice.

"Oo Beatrice. Kita mismo ng dalawang mga mata ko na siya talaga yun. At hindi ako nagkamali, siya talaga yun. Nakausap ko pa nga siya e."

"T-talaga? Pero Mads, imposible naman kasi yang sinasabi mo e."

"Tandang tanda ko ang nangyari kagabi at hindi ako gumagawa ng storya lang. Kilala mo ako Beatrice."

"Hayst. Oo na. Pero sa anong dahilan bakit siya nandito sa bayan natin? Wala akong alam na rason para pumunta siya dito"

"May kasama siya. Kung di ako nagkakamali, Sebastian ang pangalan." magsasalita na sana si Beatrice nang itinuloy ni Madison ang kanyang sasabihin. "May dala din silang yate. Ewan ko pero may kutob akong di maganda ang ginagawa nila."

"Anong ibig mong sabihin?" Tumayo si Beatrice at lumapit sa kaibigan.

"Alam kong masama ang manghusga sa kapwa, pero sa tingin ko nagnanakaw sila ng mga isda nina Uncle Dante."

Her PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon