•Chapter 03• (DILIM)

16 1 0
                                    


Nagwawalis si Madison sa labas ng kanilang bahay. Wala kasi siyang magawa kaya nililibang nalang niya ang kanyang sarili sa paglilinis. Nililinisan din nya ang mga di kaaya ayang mga tanim at itinapon. Mahilig siya sa mga halaman, kaya't bumili siya ng mga preskong mga bulaklak nung pumunta sila ni Beatrice kahapon sa kabilang bayan.

Sa tinagal niyang pagbabad sa labas, saka lang siya nakaramdam ng pagod ng maramdaman niyang sumasakit ang kanyang batok.

"Hays. Bukas ko na kayo didiligan ha? Pagod na ako e" kausap nya sa mga halaman.

"Amelia! Patayin mo nga yung sinaing ko. Paki dala din dito yung tuwalya ko. Salamat!" pasigaw niyang sabi. Nasa loob kasi si Amelia at nanunuod.

"Heto ate oh, napatay ko na din po yung sinaing" iniabot ni Amelia ang kanyang tuwalya at agad na ipinunas sa kanyang mukha at likod.

"Sge salamat" ngiti niyang sabi at pumasok na sa loob.

Habang nagmemeryenda sila, hindi niya ulit maiwasang maisip ang nangyari kahapon. Napakasama naman ng ugali ng boss ni Beatrice. Sinong tao kaya ang tatagal sa kanya. Kung ako si Beatrice, hindi ko siguro makakaya kung ganun umasta ang boss ko. Ikaw na nga tong nagmamagandang loob, ikaw pa itong parang mali. Siguro ganun talaga pag mayayaman no?

Pagkatapos naming magmeryenda, isinama ko si Amelia papuntang dalampasigan. Gustong gusto kong titigan at saksihan ang paglubong ng araw. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ng litrato ito. Isa ito sa kadalasan kong ginagawa sa tuwing naglalakad akong magisa sa dalampasigan.

"Uncle Dante, pupunta po ba kayo sa laot?"

"Oo. bakit Ija?" tanong ni Uncle Dante habang pilit na itinutulak ang bangka papunta sa malalim.

"Pwede po bang sumama kami ni Amelia? Matagal na po kasi simula nong naranasan naming pumunta sa laot. Gusto ko lang din pong ipasyal itong kapatid ko dun, kasi nabobored na po siya sa bahay. Pwede po ba?"

"Syempre naman Ija, walang problema. Halina kayo." Masaya naman si Madison at pinayagan sila ng kanyang tiyuhin na pumunta sa laot.

Huling naranasan nila ito nong buhay pa lamang ang kanilang mga magulang. Dati, palagi silang isinasama ng tatay niya sa tuwing ito ay mangingisda. Pero ngayong patay na sila, bihira nalang ang ganito.

"Ate, tingnan mo oh. May mga flying fish akong nakikita." turo ng kapatid sa mga isdang paulit ulit na lumilipad. Isang ngiti na lang ang ibinigay niya dito.

Ng tuluyan na silang makarating, agad na huminto ang kanilang bangka sa tapat ng isang kubo. Mababaw lang ito na parang puzzle (tama ba? Correct me if I'm wrong. Yan po yung mababaw tas malalim tas mababaw ulit na part sa dagat)

Agad naman kaming bumaba at lumubog sa dagat. Hanggang sa tuhod ko lang ang lalim kaya hanggang pwet din kay Amelia. "Ate, maliligo ako ha, pwede?"

"Sge lang. Lubosin mo na, matagal na naman bago mo ulit to maranasan"

Ayaw niyang iniispoiled ang kapatid, pero minsan binibigay nya kung ano yung hinihiling niyang kaya niya namang ibigay.

"Eto yung gallon o, gamitin mo para lumutang ka." Sabi ni Uncle Dante at ibinigay niya ito kay Amelia "Salamat po, Uncle"

Her PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon