•Chapter 01• (ANG SIMULA)

11 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Sa probinsya ng Santa Monica, isa ito sa mga mapayapang probinsya sa kanilang lugar. Mapayapang huni ng mga ibon at hampas ng mga alon ang iyong maririnig na siyang naging musika sa dalampasigan. Mga sariwang isda at iba pang pagkaing dagat ang isa sa mga ikinabubuhay ng mga tao doon. Bukod dito, mayaman din sila sa gulay at mga prutas na siyang naging dahilan ng pagdayo ng mga taga-kabilang bayan.

Habang abala ang lahat sa kani-kanilang mga paninda, hindi nila namalayan na may isang batang nangangailangan ng tulong- isang batang babaeng nalulunod.

"tulong! Ate! Ate! Tulungan niyo ako!"

Lahat ng mga tao sa dalampasigan ay nagkagulo dahil sa nasaksihan. Isang mama ang nagmalasakit na sagipin ang bata ngunit, naunahan na siya nito ng isang binata.

"Ako na po ang sasagip sa kanya, " ani nito.

Sa di kalayuan, isang dalaga ang patakbong tinungo ang karagatan ng malamang nalulunod ang kanyang nakababatang kapatid.

"Amelia!" "Amelia!" Sa sobrang kaba, di niya namalayan na nasa dagat na pala siya at hanggang hita na niya ang tubig. Di niya  napansin kung sino ang lalaking lumigtas sa kanyang kapatid. "Kuya! Kapatid ko po yan!''

Pagahon nila sa dagat, inihiga ng binatilyo ang batang babeng walang malay at agad na ginawa ang pag-CPR dito. Agad naman silang pinaligiran ng mga tao. Nang magkamalay ang kanyang kapatid, agad nitong iniluwal ang bumabarang tubig sa kanyang lalamunan at agad na pinaupo ito. Laking pasasalamat ng dalaga na ligtas ang kapatid nito.

"K-kuya! maraming salamat po! Maraming salamat!" Paiyak nitong saad habang niyayakap ang kapatid.

Habang umiiyak ang dalaga, agad namang tinitigan ng binata ang mukha nito. Sa di niya maipaliwanag na dahilan, agad siyang tumikhim at umiwas ng tingin ng tumingin ito sa kanya pabalik.

"Kuya, maraming salamat po ulit sa pagligtas sa kapatid ko. Pero pwede ko po bang malaman ang pangalan niyo? "

Sasagot na sana siya ng, "Sir, kailangan na po nating umalis. Nakahanda na po ang lahat at handa ng i-dideliver papuntang hacienda."

"Sige." ani ng binata at tumayo na ito para umalis. Sa huling pagkakataon, muling tiningnan ng binata ang mukha ng dalaga saka na ito tuluyang umalis.

Umuwi na din sa kanilang bahay si Madison kasama ang kapatid.

Hindi niya alam kung ano  ang gagawin nang sabihin ng kanyang mga kapitbahay na nalulunod ang kanyang kapatid. Hindi niya ito hinahayaang lumabas mag-isa lalo na at may iniinda itong sakit.

MADISON'S POV:

"Bakit andoon ka na naman? Diba sabi ko sayo wag kang pupunta don? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kung wala sana yung lalaki kanina ewan ko na lang kung anong mangyayari sayo!" Pagalit na bulyaw nya sa kapatid.

"Pasensya na ate, may nakita kasi akong aso na lumalangoy sa dagat kaya pinuntahan ko. Hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari e" pabulong nitong sagot

Naawa naman si Madison nang makitang nakapuot ang bibig nito. Hindi niya kayang magalit ng matagal sa kapatid dahil ito na lang ang natitira niyang pamilya.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita "Hayst. Sa susunod na mahpunta ka ulit sa dalampasigan, sabihin mo sakin nang masamahan kita. Alam mo namang pinagbabawalan kitang pumunta don magisa diba?"

" Oo na ate, pasensya na. "

"Hay naku. Sge na maligo ka na at magbihis. Maghahanda lang ako ng mainit na tubig para mahimasmasan ka."

ADAM'S POV:

Pagdating niya sa Hacienda, agad itong naligo at nagbihis ng isang komportbaleng t-shirt at isang sweatpants. Pagkatapos ay bumaba na ito para kumain. Habang pababa siya patungong kusina, nakasalubong niya ang kaniyang ama na nakaupo sa isang wheel chair na tulak tulak ng kanyang personal maid.

"Magandang Tanghali po Papa, tapos ko na po ang ipinapagawa mo. Nakahanda na po ang lahat gaya ng pinaguutos niyo." Magalang kong saad.

"Talaga ba hijo? Sige. At tatawagan ko si Marco para ipadala ang lahat ng yon sa palengke."

"Sige po, Papa"

Dumiretso na ako papuntang kusina at nagluto ng aking makakain. Sa katanuyan, hindi ako nagugutom pero baka dahil sa pagod ko kailangan kong kumain. Habang abala ako sa pagluluto, bigla ko ulit naalala ang nangyari kanina.

Abala ako kanina na chinicheck ang mga binili naming mga isda para ipapadala sa hacienda papuntang palengke. Ako muna ang pinadala ng Papa na mag-manage sa mga binili naming mga isda. Isa kami sa mga suki sa bayang ito. Dito kami palaging nagsasakada dahil presko ang mga isda, bukod pa dun mura din dito.

Hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na iligtas ang batang babaeng nalulunod kanina. There's something that bothers me and I didn't know what was it.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ng dalaga kanina. Aish! Bat ko ba iniisip to. Napakamot nalang ako sa aking batok at itinuloy ang pagluluto.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Hi guys, can I have a suggestion about the cover. Okay lang kahit simple, beginners palang naman tayo e. Suggest na kayo guys, it will be more appreciated. Kahit ano. Thankyouuuu 😊


Her PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon