WAY BACK 0.1

1.3K 22 0
                                    

11-11
3:19 AM

To Calix,

Hi, gov! Nakakatampo ka alam mo 'yon? Umalis ka ng walang pasabi. Well, technically, meron naman pero bigla na lang kasing nawala yung ugnayan. Akala ko naman magkakahiwalay lang, pinaglayo ng distansya pero heto tayo ngayon, nagkalayo. As in malayo, pinaglayong puso.

Kasabay ba ng paglayo ay ang pagbabago... ng puso?

Nagreread ako ng convo natin. Di ko pa dinelete, tatag ko 'di ba? Hmp! Narealize ko lang, kilala pa ba kita? Sa panahong lumipas, panigurado andami mo ng nakilala, andaming bagong naranasan, maraming bagong natutunan. Naisip ko lang, yung nararamdaman mo kaya... kumupas?

Nagiging poet na ata ako? Ang lungkot ko kasi ngayon sa apartment. Stress na nga ako sa college, namimiss ko pa sina mama pati si Hazel. Syempre, pati ikaw. Ang galing... pati ikaw.

Nakakainis na nga eh. Naiiyak na ako't lahat- lahat dito sa reaction paper ko kasi wala na talaga akong mapiga sa utak ko pero heto naiisip pa rin kita.

Ang dami kong what ifs... ikaw din ba?

Nakakainis! Gusto ko ng magdrawing ng emojis dito para mas ramdam yung inis ko!!! O kaya naman mag-insert ng meme!!!

Nakakainis ka rin Prof Lucas! Akala mo ba madali lang 'tong pinapagawa mo, ha!!!

HAY!!!!

Super frustrated,
Bella-ng nag-aagaw buhay

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon