A Letter for Crush

92 10 1
                                    

Dear Crush,

Alam mo ba unang pasok ko palang ng high school nung una kitang makita at di ko alam na totoo pala ang love at first sight. Naalala mo ba yung mga oras na lagi tayong magkagroupmates sa klase siguro hindi eh kasi naman parang wala lang sayo ang mga pagtingin koh. Pero isang araw nilapitan mo ako at kinausap mopa kaya inisip ko nung mga oras na iyon na may pag-asa ako para sayo.

Ngunit akala lang pala iyon at ang totoo gusto mong magpatulong sa akin para sa best friend ko. Nung mga oras na iyon gusto kung tumanggi  sa iyo pero wala malakas ang tama ko sayo eh. Kahit gusto ko magalit sa iyo at sa best friend ko. Wala naman akong magagawa dahil mahal nyo ang isa't isa pero ayaw nyo pang amin.

Ni minsan ba nakita mo ba ako katulad nya? Nagtanong ba kayo sa akin kung okay lang ako? All this time kinakaya ko ang sakit dito sa puso ko pero ni walang bahala nyo lang. Mismong best friend ko iniwan ako nung mga oras na kailangan ko nang sandalan para lang sayo dahil nagkatumpuhan raw kayo.

Pero alam mo ang pinaka masakit nung foundation day dahil kinantahan mo sya sa harap ng maraming tao at ang akala ko sa akin ka magpropropose. Sa kanya ka pala umamin ng iyong pagmamahal at ang malala sinaktan kalang nya.

Bakit kasi sa dami ng taong gugustuhan mo sya pa at hindi nalang ako? Nung mga oras na iniwan ka ng lahat nandito ako pero wala lang naman ako sayo.

Please naman alam ko na hindi mo ko mahal ngunit minsan naman sundin mo.ang sinasabi ko dahil mas masakit sa akin na makitang nasasaktan ka.

Pwede ba tumigil ka nang kakahabol sa kanya, di kaba nag-sasawa at dimo ba alam ginagawa ka nyang tanga.

Bakit di mo nalang sya kalimutan at ako nalang ang ibigin mo siguradong hindi kita sasaktan kahit kailan. Oo madaling sabihin gawin pero mahirap gawin. At least sinubukan mo ang iyong makakaya para kalimutan sya dyan sa puso mo.

Siguro nga mali ang pagkakakilala ko sayo at hindi na ikaw yung taong minahal ko. Oo nga naman, sino ba ako sa buhay mo? Eto na siguro ang huli nating pag-uusap o hindi. Walang makakapagsasabi na baka muli tayong magkita ng landas sa huli.

Mahal na Mahal kita higit pa sa kanino man. Lagi kang nandito sa puso ko Ivan.

Ito na siguro ang oras para kalimutan ang ka ang pagmamahal ko sa iyo.

Alalahanin mo hindi lang sya ang babae sa mundo at marami pang nagmamahal sa iyo katulad ko.

Paalam na sa iyo at sa muli pagkikita nalang kung magkikita pa tayo.

                    Your Secret Admirer,
  Miss Invisible

HUGOT LINES, QUOTES AND THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon