Dear life,
Ang dami mo talagang pagsubok na binibigay lalo na ngayon na tumatanda na ako. Di tulad ng noon wala akong halos pinoproblema kung di baon ko lang.
Eh ngayon pati maliit na bagay pinoproblema ko pa. Pero lahat ng ito may natutunan ako at nagiging matatag ako.
Akala ko nga di ko makakaya ang mga nangyayari ngayon pero sabi nga nila expect what is unexpected.
Kahit sa hirap ng buhay ko ngayon ngumingiti lang ako at ginagawa ng buong makakaya. At alam kung isa lang ako sa mga tao na nahihirapan rin sa buhay.
Nagpapasalamat ako sa mga pagsubok na iyong binigay para sa akin at lalo na ang mga taong nandito lagi sa tabi ko hindi ako iniwan ni minsan.
May mga oras na halos mag-give up na ako pero binigyan mo ako ng rason upang bumangon ulit. Totoo nga nalagi na nandyan ang Diyos para sa iyo kahit anong oras. Natutunan ko rin hindi lahat ng gusto mo nakukuha sa madaling bagay dapat pinaghihirapan. Hanggang sa muli nalang at paalam na.
The one and only,
Mind
BINABASA MO ANG
HUGOT LINES, QUOTES AND THOUGHTS
DiversosMga hugot lines na for sure nakakarelate kayo lalo na ngayong quarantine. Completed... Started on: June 18, 2020 Finished on: June 18, 2020 Language: tagalog