Chapter 1

4.8K 203 112
                                    

Chapter 1: Aeres

Aeres’ Point of View



Naramdaman ko ang mahihinang yugyog mula sa dalawqng kamay. Kasunod nu’n ay ang pagtama ng mainit na bagay papunta sa mukha ko. Idinilat ko naman ang aking mata at nalamang umaga na pala at medyo mataas na ang sikat ng araw.



“Salamat sa Diyos at gumising ka na rin. Bilisan mo na dyan bago pa dumating yung masungit mong tiyahin!” sabi ng isang babae. Si Ate Rose, kasambahay ni Auntie Yssa, na siyang kumukupkop sa akin ngayon.



Magmula kasi noong maiwan akong mag-isa sa bahay dahil sa misteryosong pagkawala ng mga magulang ko ay sa kanya na naiwan ang responsibilidad ng mga ito. Gulat man ang mga kapitbahay sa nangyati sa amin pero laking tuwa ng mga ito dahil may kukupkop na sa akin, dahil raw magiging maayos ang buhay ko rito.




Akala ko rin magiging maayos ang buhay ko eh.

Syempre, may kapalit ang pagkupkop niya sa akin. Mula sa pagtatrabaho ko sa kanya kapalit ng pagpapatuloy nito sa akin at pagpapakain. Hindi rin ako nakakatakas sa mga pananakita nito sa akin mula sa pisikal hanggang emosyonal. Sinubukan kong tumakas noon pero natatakot akong magpalaboy-laboy.



Napailing na lang ako.


Hanggang ngayon, gusto ko pa ring malaman kung bakit noong gabing iyon ay nawala si Mama at Papa, nawala ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam ang buong detalye. Basta ang alam ko lang ay may kung anong humila palabas kay Mama nu'n. Habang clueless ako kung nasaan si Papa.



Bigla akong nagising ng may bumatok sa akin.



"A-aray!" Daing ko at napatingin sa tiyahin kong kadarating lang habang may mga dalang pinamili.



"Nakatulala ka na naman?! Kanina pa kita tinatawag para tulungan ako! Kahit kailan kang bata ka— Sige at tumayo ka dyan! Hindi ka muna ngayon kakain!" Aniya at hinila ako papunta sa kusina kung nasaan ang mga pinamili niya.


Nakita ko ang nakakaawang pagtingin sa akin ni Ate Rose habang hinuhugasan ang karneng lulutuin.


"Kapag nakita kitang nakatulala dyan, kakainin mo yang mga gulay na yan ng hilaw!" Banta pa niya kaya agad akong kumilos at iniwasang isipin ang malas kong buhay.



"Sinabi ko na sayo. Hindi mo tuloy nakain yung naihanda ko," ani Ate Rose.



"Pasensiya na po." Matipid na ngiti na lang ang naisukli ko matapos ko iyong sabihin.




Kahit kumakalam ang sikmura ko at malapit ng maiyak ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. Para naman akong hindi nasanay sa ganitong buhay. Bakit nga ba kasi hindi pa ako tumakas noon? Bakit hindi na lang ako binigay sa bahay-ampunan? Bakit mas pinipili kong makita ang kabutihan sa kalooban ni Auntie Yssa?



Siguro, dahil na rin sa dahilan kung bakit ganyan siya ngayon.



Nawalan siya ng anak noong maliit pa ako. Hindi ko  na ito masyado pang nakilala pero ang alam ko nakausap ko siya noong kumpleto pa kami nila Mama. Pero matapos yun, nawala na siyang parang bula. Hindi matukoy kung saang lupalop kinuha ng mga kidnappers. Wala ring tawag mula sa mga dumukot dito na natanggap ayon kay Auntie. Ni wala ring naitulong ang mga pulis at mga nakakakilala sa kanila.



Kaya siguro ganoon na lang siya kagalit sa mundo, nawalan ng kaibigan, ng pamilya at lalo na ng kasangga sa pag-iisa.



"Kasalukuyan ngayong kumikilos ang super typhoon papunta sa Souther Luzon. We expecting na dadaanan nito ang Region-4A at mga kalapit pa nitong iba pang lugar na parte ng iba pang region. According to PAG-ASA, always be prepared to this kind of situation. Lagi dapat tayong maghanda," ulat ng Newscaster mula sa TV na naririnig ko mula sa sala.


Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB]  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon