Chapter 2

2.2K 142 52
                                    

Chapter 2: Bliss

Aeres Point of View




Pilit akong inaabot ni Carlo habang tila namimilipit at hindi makahinga. Balot pa rin siya ng kung anong pulang iyon. Naguguluhan ako sa mga oras na ito. Parang gusto kong tumakbo at humingi ng tulong. Pero mayroong pumipigil sa akin.



Namumutla na si Carlo. Patuloy rin ang pagkakagulo ng mga gamit sa loob.



Hanggang sa bumagsak na lang ang lahat at nawala ang pulang iyon. Mainit ang kamay ko nang mga oras na iyon na tila ba humawak ako ng kung anong bagay na mabigat. Agad kong nilapitan ang bangkay ng Lalaki.



"C-carlo.." tawag ko pero ang dilat na mga mata ang sumalubong sa akin. Agad ko siyang pinulsuhan at nakumpirmang wala na nga siyang buhay.




Napaupo ako habang nanginginig.




"H-hindi...hindi ko kasalanan ito..." Bulong ko. Bumukas naman ang pintuan ng kwarto at nakita ang pagpasok ni Auntie. Nagulat siya sa nakita at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa malamig na bangkay ni Carlo.




"A-auntie hindi—"




"Kriminal ka!!" Sigaw niya at lumapit para sana sabunutan ako pero agad kong naisangga ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang may kung anong lumabas sa palad ko dahilan para lumipad si Auntie paatras. Tumama ang likod niya sa dingding ng kwarto ko bago bumagsak sa lapag.



Gulat at takot na ang pumalit sa expression nito sa mukha.




"Ha—halimaw!!!" Sigaw niya. "Halimaw ka! Lumayas ka rito!"




"A-auntie hindi—" pagpigil ko.




"Mga kapitbahay!! Tulong! May halimaw sa bahay ko!!" sigaw nito at agad na tumayo. Kinuha nito ang isang kahoy na napulot niya lang kung saan.




"Wag kang lalapit! Tatawag akong pulis!" Pagbabanta nito.




Hindi ko na siya nakikita ng mabuti dahil natatakpan nang luha ang mata ko. "Please po! H-hindi po ako ang may gawa nun!"




"Wag kang lalapit! Aeres! Papapatayin talaga kita!" Banta niya pa. Napaluhod na lang ako nang may marinig akong mga yabag.




"Tulong!! Tulungan niyo ako!!" Sigaw uli ni Auntie. Pero pagkatapos nu'n ay bigla na lang siyang natumba at tila nawalan ng malay. Agad akong lumapit sa kanya.




"Auntie?! A-auntie!" Tawag ko. Pero agad akong nawala sa focus at napansin ang isang pigura sa peripheral vision.





Nanlaki ang mata ko.




"A-avin? A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.






Someone's Point of View


Nakaramdam ako ng pagkabagot dahil sa tagal ng mga kawal na nanghahabol sa akin. Pipikit sana ako mula sa kinatatayuan ko para sana magpahinga nang makita na sila. Mukha na silang pagod at hinihingal pero wala akong pakielam.




Gamit ang wind current ay nakababa ako mula sa itaas ng puno at hinarap sila. Isang ngisi ang pinakita ko.



"Hulihin siya!" Sigaw ng isa. Gamit ang mga spears ng mga ito ay agad silang sumugod papunta sa akin. Wala namang pag aalinlangang gumawa ako ng wind spheres gamit ang kanan at kamay ko bago iyon pakawalan sa kanila.



Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB]  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon