PROLOGUE
"Nakikilala mo na siya hija. Nasa tabi mo lang siya." Sabi ni Aling Pasing.
Andito kami sa labas ng simbahan. Inaya ako ni Clarisse rito sa tent ni Aling Pasing, isang manghuhula. Gusto kasing magpahula ni Clarisse dahil nais niya malaman kung kailan niya raw makikilala ang soulmate niya.
Kanina pa sana kami nakaalis pero kasi si Aling Pasing bigla hinablot yung palad.
"Andiyan lang siya." Sabi ulit nito.
"Ito naman si Aling Pasing. Ano nasa tabi lamh niya kaya andiyan? Ako tong nasa tabi Euna. Huwag niyo pong sabihing ako yung soulmate niya?" Natatawang tugon naman ni Clarisse.
Sinamaan ni Aling Pasing ng tingin si Clarisse kaya nahinto siya sa katatawa.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Yung taong nakatakda sayo. Andiyan lang siya parati." Nakangiting sagot nito. Pero biglang nagbago ang ekspresyon nito na siyang kinakunot ng noo ko.
"Bakit po." Tanong ulit sa kanya.
"Mahirap ang pagdadaanan mo hija. Maraming taong darating na magiging dahilan ng sakit na maaari mong maranasan. May mga taong magiging balakid sa inyung dalawa." Nangangambang sagot nito sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pangamba.
"Sundin mo lang yung puso mo para hindi ka maligaw at walang pagsisisihan sa huli." Nakangiti na ito ulit sa akin.
"Aling Pasing mauna na po kami. Ito po ang bayad. Salamat po sa hula." Nakangiting sabi ni Clarisse.
Ngumiti lang ako kay Aling Pasing at agad na hinila ako palabas ni Clarisse. Hindi pa rin humuhupa yung kabang nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi ni Aling Pasing kanina.
"Euna, bilisan mo." Hinatak ako ni Clarisse papunta sa van.
Nagpahatak na lang ako sa kanya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Aling Pasing tungkol raw sa soulmate ko.
Totoo ba talaga ang soulmate?
YOU ARE READING
Soul's Heartbeat
RomanceSome do believe but few do not. It might be your once upon a time but it could be your tradegy ever after. The word soulmate always knocks on every person's mind. It is still theory but they say experience is the best explanation to prove that thing...