CHAPTER 1
"Ahhh walang nanay! Walang nanay!" Umiiyak na ako dito sa may dalampasigan. Kanina pa kasi ako binubully ng mga classmate ko eh.
Araw-araw na lang binubully nila ako lalo na ngayon dahil family day.
"Diba ang isang pari bawal magkaroon ng asawa kaya wala silang anak? Eh bakit sila father ang kasama mo sa family day? Dapat diba ang mama at papa mo ang kasama mo ngayon?" Tanong isa kong kaklase. "Wala kasi siyang mama at papa dahil napulot lang siya sa labas ng simbahan." Tumatawang sagot naman ni Ken, kaklase ko rin siya.
"Wahhh, walang family si Euna! Dapat wala ka dito kasi wala kang mama at papa. Bleeehhhh." Pambubully nila sa akin. Umiyak na lang ako kasi sabi ni Father George 'wag ko na lang daw sila pansinin.
Nasa beach kami ngayon dahil family day ng school namin. Hindi sana ako sasama pero ang sabi ni father dapat daw sumama ako dahil masaya daw kapag family day. Pero ngayon binubully lang nila ako dahil wala akong mama at papa.
"Hoy! Anong ginagawa niyo!" May sumigaw na bata kaya tumakbo na yung mga kaklase kong nambubully sa akin.
"Okay ka lang ba bata?" Tanong nito sa akin. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko rin siya kaklase.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Don't cry na, bata." Pinunasan niya ang mukha ko gamit yung panyo niya.
"Salamat sa ginawa mo kanina ah. Sige alis na ako baka hinahanap na ako nila father."
Nagmulat na ako ng mata dahil sa ingay ng alarm clock ko. Napapanaginipan ko pa rin yung nangyari noong 7 years old pa lang ako. Hindi ko alam kung bakit ko pa siya napapanaginipan eh nakalimutan ko na yung mukha niya. Pati sa panaginip hindi ko rin maaninag ang mukha niya.
Winaksi ko na lang yung napanaginipan ko sa isip at naghanda na sa pagpasok sa eskwela. Bago ako umalis dito sa kumbento, nagwalis muna ako labas kasama yung bestfriend kong si Clarisse.
Hindi rin kami nagtagalan sa pagwawalis dahil konti lang naman ang nalaglag na dahon ng mangga.
"Clarisse, tara na! Marami pa akong gagawin." Sigaw ko kay Clarisse dahil baka tumagal pa yun sa harap ng salamin. "Oo, andiyan na!" Sagot niya.
"Mother Ria! Father George! Pasok na po kami." Pagpapaalam ko sa kanila.
Naghintay kami ng jeep dito sa sakayan. Habang naghihintay, nakinig muna ako ng music. Palinga-linga ako sa daan para macheck kung may paparating bang jeep.
Nakarating na kami ni Clarisse sa school. At agad akong nagtungo sa faculty room para sa friday routine ko dito sa school. Hindi kasi ako nakakapasok sa klase tuwing friday dahil may mga kailangan akong gawin.
Napapansin ko rin tuwing friday konti lang ang pakalat-kalat na estudyante sa school ground. Siguro dahil mamayang alas-nuebe pa magsastart ang halos lahat ng klase.
"Ano bang tinatakbo ng mga 'to?" Tanong ko sa sarili ko. May ilang estudyante kasing panay takbo. "Baka nagmamadaling magcomply."
Hindi ko na lang sila pinansin kasi nagmamadali rin ako. Pagkapasok ko sa faculty room. Sinimulan ko na ang mga gawain ko para hindi na ako gabihin mamaya sa pag-uwi ko.
Hindi ko namalayan ang oras kaya hindi ko napansin na lunchbreak na pala. "Bessy, ano naman bang pumasok sa utak mo? Akala ko ba matalino ka? Ba't ata hindi ka marunong magbasa ng oras?" Ito ata ang lunch ko ngayon. Sermon na naman po. "Eh, may ginawa ako kaya di ko napansin ang oras." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Soul's Heartbeat
RomanceSome do believe but few do not. It might be your once upon a time but it could be your tradegy ever after. The word soulmate always knocks on every person's mind. It is still theory but they say experience is the best explanation to prove that thing...