CHAPTER 3

0 0 0
                                    

CHAPTER 3

Pagkadating namin sa kumbento, naka-impake na ang mga damit ko. Alam na talaga ata nila Mother Ria ang lahat.

Kinausap rin ako nila Father George at sinabi niya na dapat ko raw tanggapin ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon baka ito na daw ang paraan pala makilala ko ang mga totoo kong mga magulang. Ilang beses ko na kasing sinubukang hanapin sila pero wala eh di ko sila mahanap.

Pagkatapos akong kausapin ni Father George may dumating na mga lalaki pati na rin si Miss Mia para kunin ang mga gamit ko. Kukunin na daw ngayon nila Miss Mia ang mga gamit ko para di na raw ako mahirapan bukas. Ang bilis ata ng pangyayari. Sa isang iglap lang magbabago na ang buhay ko. Wala man lang warning na ibinigay si Lord sa akin.

Nahinto ako sa mga gumulo sa isip ko ng mapansin kung parang may pinagkakaguluhan ata sa may parking lot ng school. Oo nga pala pumasok pala sila ngayon. Bakit kaya di ko sila napansin noon? Siguro dahil marami akong iniisip sa mga panahon na yun. At every friday lang din sila pumapasok kaya malabo talagang magkrus ang landas namin.

Tinignan ko ang relo ko. Naku 30 minutes na lang bago magsimula ang klase. Kailangan ko ng magprepare para sa reports ko.

Nagmamadali akong pumasok ng classroom at hindi na ako nagtaka kung bakit kokonti lang kami dito. Ganun din kaya ang sasalubong sa akin kapag naging ganap na isang singer na talaga ako?

Mahina kong sinampal ang mukha ko para maalis iyon sa iniisip ko. Hindi ko dapat muna pangunahan ang mga bagay bagay.

Matapos kong maghanda sakto at nandito na ang lahat ng mga kaklase ko including yung limang lalaking iyon. Nasa bandang likuran sila kaya wala sa harap ang atensyon ng mga babae kong kaklase. Naku naman bakit ba kasi pumasok ang mga ito ngayon.

I started my report pero hindi ko ito maayos kasi yung iba sa kanila hindi nakikinig sa akin. Kasi naman nakabaling yung atensyon nila sa mga lalaking hinahangaan nila.

So this is it, I don't have any choice but to be a little strict ngayon para lang makinig sila. Sakit pa naman sa ulo tong mga ito lalo na kapag may bagsak sila.

"Whoever wants to just stare them please you may go out. Nadadamay yung mga gustong makinig." Napukaw ko agad ang atensyon nila kaya lang masama ang tingin ni Ruby sa akin.

Napansin ata ni Clarisse ang tingin ni Ruby sa akin.

"Oh ano Ruby? Bakit masama yang tingin mo kay Euna? Papalag kang bobita ka? Bakit matutulungan ka ba ng mga titig mo sa kanila para pumasa ka sa subject na nirereport ni Euna ngayon?" Tinarayan ni Clarisse si Ruby.

Sasagot pa sana si Ruby pero naunahan siya ni Clarisse.

"Wag ka ng sumagot. Lumayas ka na lang dito kung hindi ka interesadong makapagtapos ng pag-aaral. Nandadamay ka pa diyan." Nilibot ni Clarisse ang tingin niya sa kabuuan ng classroom. "Baka may gustong sumama kay Ruby para lumabas? Nakakaabala kayo." Walang ni isang sumagot sa tanong ni Clarisse kaya walang nagawa si Ruby kundi manahimik na lang sa upuan niya.

Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat at ipinagpatuloy ang report ko. Paminsan minsan nagtatanong yung mga kaklase ko sa akin lalo na sa mga part kung saan sila naguguluhan.

Nagbibigay din ako ng mga examples para mas maintindihan nila ang topic. Natapos ko naman lahat ng mga reports ko. And I am glad dahil naintindihan nila ang mga topics.

Tsaka about sa pag-aaral ko, sabi ni Clarisse wala na akong dapat ikabahala dahil na settle na daw lahat at gaya nila Matthew, every friday lang ako papasok sa school. Tinanong ko pa si Clarisse tungkol sa alibi na ginawa nila para hindi magtaka ang mga kaklase namin. Ang sabi naman niya, siya na daw bahala dun.

Soul's HeartbeatWhere stories live. Discover now