CHAPTER 2

2 0 0
                                    

CHAPTER 2

Ano ba'tong lugar nato? Bakit sa ganitong lugar naisipan ni Mr.Raymundo para makipagdiscuss sa akin yung producer? Mali ata tong pinasukan ko ngayon. Di pa naman din alam nina father na dito ako pupunta. Eh kasi naman di ko rin alam na sa isang exclusive club pala kami magkikita. Bakit pa kasi ginagawa ko yun...

"Hija, can I talk to you?" Ani ng mukhang mayaman na lalaki...

"Po? Ako po? Bakit po?" Tugon ko naman sa kanya. Sino ba to? Katakot naman. Mukha pa namang istrikto.

"Yes, hija. I would like to talk to you about what you did awhile ago." Haluhh, baka nairita to sa boses. Baka nawalan ng ganang kumain o kaya napasama ang araw niya dahil sa pagkanta ko. Kasi naman tong si Clarisse at yang mga brain cells niya eh wala ng ibang maisip na ipagawa sa akin. Kahiya tuloy kanina sa restaurant.

"Naku po. Sorry po talaga kanina. Mukhang nasira ko ata yung araw niyo." Pagpapaumanhin ko sa kanya. Naku ano ba tong ginawa mo Euna Careign Gomez. Nakakahiya ka. Ano nalang kaya sabihin nila father kung malaman nila ang pinaggagawa mo. Naku napakatanga mo talaga Euna.

Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa. Taray naman ng lalaki... no scratch that hindi pala ata to lalaki kasi kung makataas ng kilay tinalo pa niya ang Mount. Everest sa taas. Charot lang po. Alam ko corny joke pero namamawis na ato tong mga kasingit-singit ng katawan ko sa tinging ipinukol niya sa akin. Tuyong-tuyo na yung lalamunan ko at mukhang magkakapasa na ata tong labi ko sa tindi ng pagkagat ko para mabawasan lang yung kaba na nararamdaman ko ngayon.

"You look tense hija." Ngumiti ito ng matamis. Nako confirm bakla ang kuya niyo. Pero infairness ang gwapo niya po. "Don't be sorry for what you did. In fact, ohh I forgot to introduce myself. I'm Nikko Raymundo, and I am a talent scout." Pagpapakilala nito sa akin. Ahhh talent scout pala siya. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Hmmmmm... Pero wait, ano yung sabi niya? Talent scout siya? Huh?

Sasagot na sana ako kaso umepal si Clarisse. Nako tung babaeng talaga to, kung saan-saan na lang susulpot. Matagal ko na talagang hinala na ipinaglihi to sa kabute.

Agad ko siya siniko kasi mukhang nagulat ata tung si Mr.Raymundo nung biglang sumulpot si Clarisse.

"Hi pogi. I'm Clarisse Reyes at your service." Pagpapakilala ni Clarisse dito. Bakit ba ganto tong si Clarisse? Hindi niya ba na sesense na hindi babae ang gusto ng taong kaharap niya? Di pa nahiya, siya pa tong unang nagpakilala. Hindi ata to nakinig sa mga pangaral ni Mother Ria.

Halatang nairita si Mr.Raymundo sa ginawa ni Clarisse kaya hinila ko siya mula sa harap ng ni Mr. Raymundo. Tinitigan ko ng makahulugan si Clarisse at salamat nakinig naman siya. Tsaka ko hinarap si Mr.Raymundo.

"As I said awhile ago, nung wala pang umepal." Tinarayan niya si Clarisse.

"I am a talent scout. As what I've heard kanina nung pinakanta ka ng mga kaibigan mo, you sound like a professional. Napakaganda sa pandinig ang boses mo. That's why I would like to scout you at ipapakilala kita sa kilala kong tanyag na producer." Pagpapatuloy niya sa naputol naming usapan kanina.

Ano sabi niya? Maganda daw ang boses ko? Akala ko pa naman nawalan siya ng ganang kumain dahil sa boses. Tinignan ko sa Clarisse na ngayon ay sobra kung makangisi sa akin. Base sa facial expression niya, halatang sang-ayon siya sa sinabi ni Mr.Raymundo. Binalik ko ang tingin ko kay Mr.Raymundo. May inabot siyang calling card sa akin.

"That's my calling card. Baka iniisip mong scammer ako." Calling card niya pala to. Napansin niya siguro ang alinlangan sa mukha pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan ako. Hindi kasi sumagi sa isip ko maging isang professional singer. Ang gusto ko lang ay kumanta para sa panginoon. Binalik ko ang calling card sa kanya.

Soul's HeartbeatWhere stories live. Discover now