Kabanata 1

1 0 0
                                    

[Kabanata 1]

Manila, Philippines 2016

Sabi nila kaya raw ipinanganak at nabubuhay ang isang tao dito sa mundo ay dahil sa meron itong misyon o layunin na dapat gampanan hanggang sa huling hininga niya.

Ako?....hindi ko alam kung bakit ba ako ipinanganak at bakit ba ako nabubuhay, ano nga ba ang layunin ko dito?Kaya nga hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin kung ano nga ba ang misyon ko dito sa... mundong ibabaw.

"Shen,Ali!mauna na ako sa inyo haa"bigla naman akong natauhan dahil sa sigaw ni Mara.Hindi ko na pala namalayan na tulala na pala ako kakatitig sa bawat patak ng ulan."Ingat ka Bes"pasigaw na tugon ko saka marahang ngumiti, ang lakas kasi ng ulan eh kaya sigawan kami ngayon hahaha!

"Oh sige Bes ingat ka ha"sigaw rin ni Shen kay Mara,ngumiti ito saka tumango bilang sagot at sumakay na sa Bus pauwing Quezon City.

Malakas ang ulan ngayon at madilim ang kalangitan dahil sa natatakpan ito ng mga ulap na nagdadala ng ulan.Nandito kami sa waiting Shed sa labas lang ng University na pinapasukan namin dito sa Maynila, kaka tapos lang namin kanina mag-enroll kaya pauwi na kami ngayon pero ang malas naman dahil naabutan kami ng ulan at hirap makasakay ng bus dahil halos lahat kanina na dumaan ay punong-puno na kaya heto kami ni Shen nakatayo at naghihintay ng Bus pauwing Cavite, si Shen sa Imus at ako naman sa Dasmariñas kaya sabay na kami samantalang nauna na sa amin si Mara dahil taga Quezon City siya.

"Bes! huhuhu makakauwi pa ba tayo? kanina pa tayo nag-aantay dito ng bus" nag-aalalang wika ni Shen."Kung alam ko lang na ganito yung panahon ngayon sana next day na lang ako nag-enroll huhuhu" mangiyak-ngiyak pa na patuloy niya.Siya nga pala, siya si Sheena Castillo or Shen classmate/bestfriend ko na siya since high school at hanggang ngayon na 4th year college na kami palagi talaga kaming magkasama kulang na nga lang itali yung mga buhok naming dalawa para hindi na maghiwalay pa.

"Hoy!tumigil ka nga, daig mo pa 5 years old na hindi na makakauwi dahil lang sa lakas ng ulan" pang-asar ko sa kaniya at hinampas siya sa kanyang balikat saka tinawanan.

"Ano ka ba Bes,ang lakas-lakas ng ulan oh tapos ikaw nakuha mo pang tumawa diyan"nakasimangot na saad niya na mukhang iiyak pa, nakita niyo na ba ang mga batang parang iiyak dahil hindi pa nasusundo ng kanilang mga magulang, yan ngayon ang mukha ni Shen hahaha joke lang! baka sabunutan ako nitong bestfriend ko haays!

Itinaas ko ang aking kanang kamay at sinalubong ang bawat patak ng ulan na binabasa na ngayon ang aking mga palad. Gusto ko ang ulan sa totoo nga lang paborito ko ang ulan, gusto kong pagmasdan ang bawat patak nito, nag-eenjoy rin akong maligo sa ulan noong bata pa ako kahit nga hanggang ngayon mas pipiliin kong maligo sa gitna ng ulan kesa sa mga beach or swimming pool.Pero hindi ko alam kahit gustong-gusto ko ang ulan, pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko pa rin parang ang hatid sa akin ng ulan ay lungkot at dalamhati.

Ako nga pala si Frances Analiyah Arenas but tawagin niyo na lang akong "Ali" or "Aliyah" Nineteen years old and a Theater in arts student member rin ako ng Theater group sa school kasama ko si Shen samantalang si Mara naman ay isang nursing student. Naging member ako ng group dahil sayang rin yung half tuition na offer nila, dagdag tulong na yun para mabawasan ang babayarang tuition ni kuya at mama at isa pa theater student na rin ako kaya sumali na ako.

"Bes,bes,bes!!!halika na nandiyan na ang bus!" nagulat naman ako dahil sa sigaw ni Shen at mukhang tuwang-tuwa pa siya dahil may bus na kaming masasakyan kaya bigla na lang niya akong hinila papalapit sa tapat ng pintuan ng bus at agad na umakyat sa loob at humanap ng mauupuan.

Umupo na kami ni Shen at agad nagbayad ng pamasahe sa konduktor na ngayon ay abala na sa pangongolekta ng pamasahe ng iba. Nandito ako ngayon nakaupo malapit sa bintana favorite spot ko talaga kase yung malapit sa bintana dahil gusto kong pagmasdan ang paligid at magagandang tanawin.

A Promise For You Where stories live. Discover now