Kabanata 2

0 0 0
                                    

[Kabanata 2]

" A Promise "
F_C

UNANG KABANATA

Filipinas 1874

San Lorenzo 1874

Soy Francisca y esta es la historia de mi vida.

Sa Bayan ng San Lorenzo, sa isang Barrio, sa kabilang bahagi ng malawak na palayan mayroong isang maliit at simpleng Bahay Kubo, at doon naninirahan ang Pamilya Estrella. Puno ng masasayang alaala ang kanilang tahanan at higit sa lahat puno rin ito ng pagmamahalan sa bawat isa.

"Magandang umaga aking kapatid, bumangon kana diyan upang tayo'y sabay nang mag-agahan" nakangiting wika ni Isabela sa kanyang kapatid na si Francisca habang binubuksan ang kanilang bintana.

Agad namang napadilat ng mga mata si Francisca mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa labas ang bumungad sa kanya ng buksan ng kanyang ate ang bintana ng kanilang silid, kinusot niya muna ang kanyang dalawang mata saka nag-inat ng kamay, at saka tumayo na upang ligpitin ang kanilang higaan.

Pagkatapos ligpitin ni Francisca ang kanilang higaan ay agad siyang nagtungo sa kusina upang magmugmog ng tubig.

"Francisca anak, halika na rito pagsaluhan natin ang kunting ani ng inyong ama mula sa kanyang mga pananim sa bakuran" tawag ni Inay Laida sa kanyang anak na si Francisca, "Opo Ina" agad na tugon ni Francisca sa kanyang ina na abala ngayon sa pagbabalat ng nilagang kamote at saging para sa kanilang agahan.

Naghugas muna ng kamay si Francisca saka tumungo sa kanilang hapag kainan kung saan naghihintay ang kanyang Ina,ama at ang kanyang ate Isabela. "Ito anak ang paborito mong nilagang saging" ngiti ni Inay Laida sabay abot ng tatlong pirasong nilagang saging para sa anak na si Francisca, "salamat Ina" tugon agad ng anak sabay ngiti.

Ako si Francisca Estrella, labingsiyam na taong gulang(19 years old), ikalawang anak nina Aling Laida at Mang Fredo samantalang si Isabela Estrella naman ang panganay na anak.

Bata pa lamang sina Francisca at Isabela ay namulat na sa mahirap na buhay sapagkat ang kanilang ama ay isang trabahador lamang at ang kanilang Ina ay isang alipin sa isa sa mga mayamang pamilya dito sa Bayan ng San Lorenzo, ngunit kahit palaging wala ang kanilang mga magulang nandiyan ang kanyang Ate Isabela na palagi niyang kasama sa lahat ng gawain at lalong lalo na sa pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Matangkad ng kaunti at balingkinitan ang katawan ni Isabela samantalang si Francisca ay katamtaman lang ang taas at balingkinitan din ang katawan, mahaba at medyo kulot ang buhok ni Isabela samantalang ang buhok naman ni Francisca ay mahaba at tuwid, pareho silang maputi na namana nila sa kanilang ama na may dugong kastila.

"Isabela anak?" sambit ni Inay Laida sa anak na si Isabela, "Ano ho iyon Ina?" agad naman na tugon ni Isabela, habang si Itay Fredo at Francisca naman ay abala sa pagkain ng nilagang saging at kamote.

Pinalaki talaga sila ng kanilang mga magulang na mabait,masunurin, at magalang.

"Ako at ang inyong ama ay magtutungo na mamaya sa hacienda Cabrera, kaya kayong dalawa na ni Francisca ang bahala rito sa bahay, alam niyo naman di ba kung ano ang gagawin hindi ba?"sambit ni Inay Laida sabay tingin at ngiti sa dalawang anak na abala sa pag-nguya ng pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Promise For You Where stories live. Discover now