Prologue
Nanginginig ang aking kamay habang nakahawak sa mouse ng laptop ko. Pinindot ko ang refresh button. Hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. My eyes were about to cry kahit wala pa naman resulta. Bahagya akong napabuga ng hininga nang nag-error ang page. I tried to refresh it again and again.
Damn. I got seventy three.
Not bad right? Kaya ko pang bawiin sa finals but of course. I failed. Still failed. Even if I did my best I failed.
I'm such a failure.
What the hell did I just do? I already did my best! Isn't it enough? I buried myself by reading textbooks, watching tutorials on youtube and listening to our professor.
Why isn't it enough?
Kumalampag ang pintuan hudyat na nakita na nina Papa ang grado ko, maybe they opened the parent's portal. Kaagad kong pinunasan ang pisngi ko tiyaka kinalma ang utak ko. Masyadong maraming boses ang nasa utak ko, hindi ko na alam kung anong papakinggan ko at baka lalo lang lumalala ang away namin ni Papa kapag hindi ako kalmado.
I tried to calm myself.
With shaking hands, I opened the door knob. Padabog itong binuksan ni Papa mabuti nalang ay nakalayo na ako kung hindi ay natamaan pa ako sa pagbukas ng pintuan.
"Putang ina, Dianna!!" Malakas na sigaw niya sa akin na parang mabibingi. Nasa likuran niya si Mama na umiiyak lang at walang magawa.
"Pa, sorry, pa." Iyak na sabi ko sakaniya. Umaasa pa rin ako na babawiin niya ang sinabi niya sa akin kahit na nakapag-impake na ako. Babawiin naman niya iyon diba? Hindi niya naman ako kayang tiisin. Anak niya pa rin naman ako.
"Sorry nanaman?!! Anong magagawa ng sorry mo ngayon?! Papasa ka ba sa putang inang sorry mo?!" Hinampas niya pa ang pader kaya lalo akong napalundag sa gulat.
"Tang ina, nakikita naman kitang nag-aaral huh?! Anong pinagagawa mo? Bobo ka ba!!!" Singhal niya sa akin. Wala na akong magawa kung hindi punasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.
Takot na makita ang mga mata nilang punong-puno nang pagkakadismaya.
Kung meron man isang bagay na pinagsisihan ko ngayon sa buong buhay ko ay ang maging isang consistent honor student.
Akala ba ng ilan na masayang maging honor student? Hindi. Dahil tataas ang expectation ng nga magulang mo sa iyo.
There's no room for mistakes when you're an honor student. That's always in their mind.
A ninety grade will never be enough. It must be ninety eight or ninety nine. Kasi nakakakuha ka na nung simula pa ng ninety so ano ang pinagkaiba diba?
"Mula ngayon!" Tinuro niya ako, ramdam ko ang galit niya dahil sa panginginig ng kamay niyang nakaturo sa akin. "Mula ngayon! Wala na akong anak na katulad mo!" Lalo akong napahagulgol dahil don.
"Lumayas ka sa pamamahay ko dahil wala akong anak na bobo!!" Kinuha niya pa ang maleta at bag ko para ibalibag. Napaluhod ako sa sobrang panghihina habang nakahawak sa maletang nakahandusay sa sahig.
"Sorry po, Pa. Sorry if I didn't meet your expectations. Ito lang po kasi ang kaya ko, ang kaya ng anak niyo. Sorry po. Hindi ko naman po talaga ginusto na kunin ang kursong ito pero dahil may respeto at mahal ko po kayo, kinuha ko." I still managed to say it kahit na hirap na hirap na akong magsalita sa pag-iyak.
"Tigilan mo ako sa drama mo at lumayas ka na rito!!" Sigaw niya sa akin pagkatapos ay umalis na sa kuwarto ko. Patuloy lang ang paghagulgol ko. Lumapit sa akin si mama para punasan ang luha ko.
"Pasensiya ka na sa Papa mo, anak." Umiiyak na saad nito. Tumango lang ako sakaniya tiyaka dahan-dahan tumayo. Kinuha ko na rin ang maleta at bag ko.
"Ayos lang po. Ayos lang po kahit na hindi niyo po ako pinagtatanggol kay Papa. Alam ko naman po, ramdam ko naman po na mahal niyo ako." Sagot ko kay mama.
For the last time, I hugged her tight.
"Paalam muna po." Umiiyak na sabi ko tiyaka hinila ang maleta at binitbit ang bag ko.
Hindi ko alam kung may dadaan pa ba na jeep or taxi ngayong gabi. Hila-hila ko pababa sa Pucay road ang maleta ko habang bitbit ang isang bag at ang bag ko na may gamit sa eskwela.
Joshmer's right, trying to please people will lead me to lose myself.
Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang gulo-gulo na ng utak ko.
I'm lost. In this cold city, I'm lost. Help me. I'm lost.
Nakarating na ako kanto, maghihintay na ako ng jeep o kaya ng taxi. Hindi ko rin alam kung saan ang punta ko. Hindi ko na alam kung saan pa ba tutungo ang buhay ko. Hindi ko na alam. Wala na akong alam. Ang gulo na ng isipan ko.
Niyakap na ako ng lamig. Niyayakap na rin ako ng kadiliman.
Hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na kotse, agad na nagpark sa tabi ko.
Nagmamadaling lumapit sa akin si Joshmer tiyaka pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Kaagad niya akong kinulong sa bisig niya.
Parang bata, sa dibdib niya ako umiyak.
"You're right." Wika ko sakaniya habang humihikbi ako.
"Hush." He tried to calm me down. Hinahagod niya ang buhok at likod ko. Hinalikan niya ako sa noo habang umiiyak ako sa mga bisig niya.
"I'm lost, Joshmer. I'm lost." Parang batang sumbong ko sakaniya.
"I told you, let's get lost in this fucking cold city!"
"I don't know where to go. I don't know where I will go. I want to die." Parang batang sumbong ko ulit sakaniya habang umiiling.
"Sshh." He cupped my face, tiningnan niya ako sa mata habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Pinupunasan naman niya ito. "Don't worry about it. Hmm. You don't have to worry, I'm here. I always got your back, remember?" Pag-alo niya sa akin.
"Bu-" I didn't finish my words. Nilagay niya ang daliri niya sa labi ko para patigilin sa pagsasalita.
"Live for you. Live with me."
After he said those words that made my heart fluttered he claimed my lips. And I found peace in him.
BINABASA MO ANG
Lost In A Cold City [Baguio Series #2]
ChickLitBaguio Entry #2 [Completed] Dianna Farrah Pascua found herself studying Accountancy at Saint Louis University than following HUMSS align course. Just like the other students, she's having a hard time dealing with her course. It is also the reason wh...