Chapter 22

2.1K 67 3
                                    

Chapter 22

"Hey are you okay?" Natauhan ako ng may humawak sa magkabilang braso ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakasalubong ng tingin ko ang nag-aalalang tingin sa akin ni Joshmer. 

Ngumiti ulit ako sakaniya. Hindi ko namalayan na malalim na pala ang iniisip ko. Tumango ako, marahan na inalis ang kamay niya sa balikat ko pagkatapos ay pinagkislop ang dalawang kamay namin.

"Ayos lang. May nalaman sa pagkatao ko." I chuckled. Lahat ng mga tanong ko noong mga nakaraang buwan ay nabigyan kasagutan. 

Kaya pala kung tratuhin ako ni Papa na parang hindi tunay na anak ay dahil hindi naman niya talaga ako tunay na anak. 

But it's okay though. At least, inalagaan niya ako sa loob ng eighteen years diba? He still sheltered and gave me food for eighteen years. I'm still thankful for that. 

"Do you want to talk about it?" Marahan ang pagkakatanong niya. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse tiyaka ako pinapasok doon. 

Sinuot ko na ang seat belt. Agad din siyang nakapasok sa kotse at nagsuot ng seat belt. 

"Where are we going?" I asked. Pinaandar na niya kasi ang sasakyan pero mukhang ibang daan ang tinatahak namin keysa daan pauwi. 

"La Union." Napangiti ako sa tinuran niya.

Isa rin sa mga naging paraan ko para maging payapa ang pag-iisip ko ay ang dagat. Mayroon kung ano sa dagat na nagpapakagaan ng pakiramdam. Yung tunog ng alon na tila hinehele  ka para mawala lahat ng negatibong iniisip mo. Bawat paghampas ng hangin sa balat mo na tila may yumayakap sa'yo. At ang araw, ang araw na sumisimbolo sa panibagong umaga para sa panibagong pag-asa. 

Bago kami bumaba ay dumaan muna siya sa seven eleven. Hindi na ako bumaba, may bibilhin lang daw siya. Pagkabalik niya naman ay may dala na siyang ice cream. 

This guy really knows how to make me at peace. 

"Comfort food." He chuckled when he handed me the ice cream. 

"You really know everything about me." Asar ko sakaniya. Nagsimula na ulit siyang magdrive para makababa na kami sa Baguio. 

"Because you're important to me." Tumango ako, siya rin naman. Importante sa akin. 

"What if we give it a try?" Bahagya pa siyang napapreno sa tanong ko. Tiningnan niya ako ng may gulat sa mata bago tumingin ulit sa dinadanan namin. 

"Don't surprise me like that. I'm driving." Sermon niya sa akin. This man beside me is so soft, look at his cheeks. He's blushing! 

"What? I'm just asking. What if we'll work out?" I tried to ask him again. 

Honestly, I'm falling. 

He was not the one who fixed me, he was not the one who completed me. But he became His instrument for me to fix and to be complete.

"I really don't want to confuse your feelings as much as I could." He said while his eyes were on the road. "I wanted you to fully love and accept yourself before loving me, before loving others." 

"But I'm in the process." I whispered. 

"You are in the process." He repeated like he wanted me to understand it. "The world is so cruel. We don't know what will happen in the future. I don't want you to lose yourself again and I don't want to be the reason." 

"I promise, I won't." Because I know He is guiding me from above.

"You really wanted me to become your boyfriend eh?" He chuckled. Napanguso tuloy ako sa biglang pagbabago ng mood niya. Nang-aasar na siya ngayon, kanina ang seryoso niya. 

Lost In A Cold City [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon