Chapter 2

3.1K 91 30
                                    

Chapter 2

"Ay sayang akala ko pa naman Engineer." Nasasayangang wika ng katabi ko. 

"Is there a problem, miss?" Tanong nung proctor nung nasa tapat siya ng upuan namin. Kaagad napaayos ng upo si Desiree. 

Binigyan kaming lapis pagkatapos ay nagpaliwanag ulit bago kami sumagot hanggang sa nag start na ang pagsagot sa part one. May part two pa kasi. Isa't kalahating oras ang binigay sa amin para sagutin ang part one, mabuti nalang sa HUMSS maraming vocabulary words kaya hindi ako masyadong nahirapan. 

Sa part two naman ay isang oras ang binigay sa amin na oras. Akala ko nga matutulog lang si Desiree pero seryoso siyang nagsasagot sa papel niya. 

Mabilis lumipas ang araw. Ngayon na ang graduation day namin. Nakahinga na ako ng maluwag sa wakas lalo na nung ako ang nag valedictorian, kung hindi baka itakwil na ako ni Papa sa sobrang dismayado niya. 

Syempre nasa mood si Papa nung gabing iyon dahil pwera sa pagiging valedictorian, marami rin akong nakuhang special awards sa mga sinalihan kong contest kagaya ng journalism, mga best in sa iba’t-ibang subjects at nag best in research pa kami. 

“Nako, ang talino naman pala ng anak mo kumpare.” Bati nang isang kaklase noon ni Papa. Ngayon din kasi naghanda sa maliit na bakuran namin. Ngumiti ako sa kaibigan ni Papa tiyaka nagpasalamat. 

“Hindi ba siya sa Manila mag-aaral?” Tanong niya. Umiling agad si Papa. Ayaw din kasi ni Papa sa Manila ako dahil magulo ang siyudad na iyon. 

“Dito na muna siya, baka kapag magtatrabaho na siya.” Si Papa na ang sumasagot sa mga tanong na para sa akin, dahil siya rin naman ang masusunod sa huli. 

“Saint Louis University?” 

“Hinihintay namin ang resulta ng exam niya pero panigurado naman na pasado ang anak ko.” Pagmamayabang ni Papa sa kaibigan niya. 

Nag excuse ako ng tinawag ako ni Mama para mabati naman ng mga kamag-anak namin. Ganto lang naman ako sa pamilya namin, pang display kagaya ng mga awards na nakukuha ko. Swerte nga nung bunso namin dahil paborito siya ni Papa, siguro dahil lalaki siya. Kahit hindi ganon kataasan ang grades niya ay never siyang pinagsabihan ni Papa. 

Ngiting naiilang at pasasalamat ang naging role ko sa handaan na hinanda nina mama para sa akin. Hindi nga lang nakapunta si Zebi dahil may lakad sila ng pamilya niya sa baba, si Diego naman ay ngayon din ginanap ang handaan sakanila.

Umupo ako sa bakanteng upuan habang tinatanaw sila na masayang nagkukuwentuhan. Masaya naman ako sa mga awards ko syempre pero hindi ko maiwasang magsisi. Grabe yung pressure na nasa akin ngayon lalo na mag college na ako, gusto ni Papa na maka graduate ako sa college ng may Latin Honor, kung Pyschology sana ang kinuha ko mabibigay ko pa ang gusto niya. 

“Aren’t you tired being a puppet with Papa?” Napatingin ako sa harapan ko ng umupo roon si Harris. Yung kapatid ko, grade twelve na siya niyan sa pasukan. 

“Sinong bang hindi mapapagod?” Mapait na ngiti ang iginawad ko sakaniya. Ang dami kasing bawal na ayaw pagawa sa akin si Papa at marami ring Pwede na gusto niyang ipagawa pero ayaw ko. 

“I hope you won’t lost yourself in the middle of your journey.” Napangiti ako ng tuluyan sa sinabi ng kapatid ko. Minsan mas umaakto pa siyang matanda sa akin. 

Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa naisipan kong buksan ang phone ko. Pagkatapos ay dumeretso sa portal, sa portal kasi makikita kung nakapasa ka sa entrance exam. Kita ko naman yung mga story ng mga friends ko na pumasa, kaya kumuha muna ako ng lakas ng loob para tingnan yung akin. 

Lost In A Cold City [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon