Chapter 16
Ilang minuto rin kaming nakaupo ni Joshmer sa waiting shed. Hinihintay niya lang akong kumalma habang nakayakap siya sa akin.
This position is so peaceful. My mind was fucked up but Joshmer made it at peace. Just like how dark the night is, my mind was too but Joshmer brought peace within.
Pinunasan ko ang huling luhang pumatak sa mata ko, naramdaman ko pa ang paglamig ng pisngi ko dahil sa mga natuyong luha. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa gitna ng kadiliman.
"Ice cream?" He asked. I chuckled. He remembered every little thing I said to him.
"Malamig." I joked but the truth is "Tara? Ice cream?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo pagkatapos ay inalok niya ang kamay niya sa akin. Kinuha ko iyon pagkatapos ay pinagkislop niya ito. Bahagya akong napangiti sa simpleng ginawa niya para sa akin.
He's always handed his hand on me when I need someone to hold to.
May isang store sa harap ng Guisad Grocery, sa Dali EMPC, kung saan pwedeng umupo at may isang maliit na lamesa. Kaya doon na kami pumunta ni Joshmer. Umupo na ako sa isang upuan habang kumuha naman siya ng tig-isang cone ng ice cream, binayaran na niya ito sa counter pagkatapos ay umupo sa harapan ko.
He handed me my comfort food.
"Bukas na kita bayaran ah? Wala akong dalang pera ngayon." Nahihiyang sambit ko sakaniya, nilibre na niya kasi ako kanina sa Mang Inasal tapos nilibre niya pa ako ngayon.
"No need." He said. We both opened our ice cream. "Did you still remember oblicon?" He asked. Ngumiti ako sakaniya tiyaka tumango.
"Oo naman. Nakapagbasa naman din ako bago nangyari yung alam mo na." Nahihiyang kuwento ko sakaniya. He nodded and licked his ice cream, so I did.
"Sunduin na kita bukas?" Namilog ang mata ko habang kinakain pa ang ice cream ko. He chuckled because of my reaction, lalo na at kumalat pa ang ice cream sa ibabaw ng labi ko.
He immediately took a photo of me. Kumunot ang noo ko pero tuloy-tuloy lang siya sa pagpicture habang tumatawa. I tried to avoid it by blocking my hands but he's still capturing me. Napangiti na rin tuloy ako sa ngiti niya.
There's something on his eyes and smile that keeps me from forming a smile.
He perfectly captured my smile. Lalo tuloy siyang napangiti dahil don.
"See?" Pinakita niya sa akin ang picture ko na may hawak ng ice cream sa kanang kamay ko habang nakangiti. Napanguso ako dahil maganda na sana kung wala lang kalat na ice cream sa taas ng labi ko. "You're beautiful but when you smile? You're gorgeous."
Bigla akong nakaramdam ng tambol sa puso ko. Pwede ba iyon? Na kahit siya lang ang nagsabi parang ako na ang pinaka magandang babae sa buong mundo.
"Sus! Binobola mo lang ako eh!" I said to divert my heart from beating fast.
"I'm not." Kaagad na depensa niya. "Ate, she's gorgeous right?" Bahagya pang namilog ang mata ko dahil tinawag niya si ate na nasa cashier.
"Napintas ngay." Ngiting tugon ni ate. Sa ilocano niya pa ito sinabi.
"See? I told you, I'm not kidding."
"Oo na! Oo na!" Tumatangong wika ko sakaniya.
I always saw how his eyes spark when he's seeing my smile.
Nagulat ako ng may panyo na dumampi sa ibabaw ng labi ko habang nakangiti pa rin siya. Pinunasan niya ang lumagpas na ice cream.
"My baby doesn't know how to eat ice cream properly." He chuckled. Natapos na niyang punasan kaya napanguso ako.
BINABASA MO ANG
Lost In A Cold City [Baguio Series #2]
Chick-LitBaguio Entry #2 [Completed] Dianna Farrah Pascua found herself studying Accountancy at Saint Louis University than following HUMSS align course. Just like the other students, she's having a hard time dealing with her course. It is also the reason wh...