♤ Chapter 01: Ang Buhay ni Mara ♤

13 2 0
                                    

CAUTION: Kung ikaw ay madaling tamaan ng anxiety o panic sa mga problema, huwag mo ng ituloy basahin ito. Ang manunulat ay kasalukuyang nag-aaral ng 'Psychology' at binabalaan kang basahin ito kung madali ka magkaroon ng problema sa simpleng bagay.

The content of the story may contain violence, sexuality, strong language, and graphical depicts that may affect your psychological thinking. Please read by caution, thank you.

=READ IN DARK MODE FOR BETTER EXPERIENCE=

*******************

Chapter 01: Ang Buhay ni Mara

Dear Mara,

Salamat naging anak ka namin at ikaw na ata ang pinakamabait na bata sa buong mundo. Magpakumbaba ka lang at lagi kang magbigay ng galang sa mas nakatatanda sayo...

Mara POV

Gumising ako ng 4:56 PM na ng hapon at bumaba ng hagdanan para tignan kung may mga bisita na sa salas. Nakita ko wala pang Tao kahit isa, nalungkot naman ako. Nagtungo ako sa kusina upang masilip kung anong ginagawa nila mama.

Natuwa naman ako nung nakita Kong may spaghetti na sa lamesa, pinuntahan ko si mama at niyakap. Nagulat siya, "oh anak gising ka na pala", sabi niya habang nagluluto.

Tinignan ko siya habang nakayakap pa din ako sa kanta, "mama ano yan? Fried chicken?", tanong ko sa kanya, masaya naman siyang tumango at ginulo ang buhok ko. "Mama bakit wala pa akong bisita?", tinanong ko siya. Kanina pa kasi ako nag-aabang ng bisita pero kahit sino wala pa. Kahit kapitbahay lang namin kasi ayaw ni papa na pinapapunta ko mga kaklase ko dito sa bahay kasi bata palang daw kami.

"Anak, wala tayong bisita eh", malungkot na sinabi ni mama habang busy pa din sa pagluluto. Nalungkot din naman ako dahil walang pupunta. Ineexpect ko pa naman na sana kahit isa o dalawa man lang ang pumunta sa kaarawan ko.

Bumitaw ako sa pagyakap kay mama at umupo ako sa upuan dito sa kusina, "anak? Magcecelebrate haman tayo kasama kami diba? Si mama at si papa lang. Ayaw kasi ni papa mo may ibang tao, kahit ako gusto ko din naman pero wala tayong magagawa", sabi ni mama na may halong lungkot din sa kanyang mukha.

Naiintindihan ko naman sila pero bakit palagi nalang si papa ang nasusunod? Wala na ba kaming karapatan? "May regalo pala ako sayo anak", bigla naman ako nalinawagan sa sinabi ni mama.

"Saan ma?", tanong ko na may halong excitement na gusto ko agad buksan ang regalo ko pero mas gusto ko mamaya nalang pagdating ni papa. Tinuro ni mama kung nasaan ang regalo ko, sinubukan ko namang hanapin pero wala naman doon sa tinuro ni mama.

"Mama niloloko mo naman ako eh", sabi ko sa kanya, tumawa siya at tinuro pa niya kung saan talaga nakalagay ang regalo ko, sinundan ko kung saan siya banda nakaturo at nakita ko ang isang aparador, binuksan ko yon at nakita ko ang mga magaganda at bagong damit sa akin.

Halos hindi ko maramdaman ang lungkot ng kaarawan ko dahil sa bisita. Mas dumoble ang tuwa ko sa regalo na ibinigay ni mama sa akin. Mabilis ko siyang niyakap at pinasalamatan. Ang dami niyang regalo, puro magaganda at bago ang mga damit, halos lahat mga bestida.

Bigla namang tumunog ang maliit na kampana sa pinto, tumambad sa paningin ko si papa na pagod at galing trabaho pero ngumiti siya noong nakita niya ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at binigyan siya ng malaking yakap na karapat-dapat niyang maramdaman dahil galing siya sa trabaho.

"Happy birthday sa unica hija namin, ang pinakamagandang bata sa buong mundo, pinakamabait, pinakamapagkumbaba, ang nag-iisa naming Mara", bati ni papa, niyakap niya din ako pabalik at mahigpit iyon. Ramdam ko sa kanya na miss na niya agad ako. Humiwalay din siya agad sa yakap at hinawi ang buhok ko. "May regalo din ako sayo anak", dagdag pa ni papa.

Mas dumagdag naman ang saya ko noong narinig ko yon sa kanya, tinignan ko siya at nakita ko ang isang paper bag na lukot-lukot na galing sa bag niya. "Anak, eh sorry kung nalukot ha?", paumanhin niya sa akin. Nginitian ko siya.

"Ok lang po pa", sabi ko sa kanya. Inabot niya sa akin yung regalo at binuksan ko agad yon dahil sakto din naman na pagkabukas ko ng regalo ni mama ay dumating si papa.

Noong binuksan ko yun, "wow ano to?", tanong ko kay papa ng makita ko ang libro tungkol sa psychological facts para sa mga bata. Ang kapal at mukhang makakatulong sa pag-aaral ko ito, may bundled stories din siya about psychology.

"Sana makatulong sa pag-aaral mo", sabi ni papa. Tinanguan ko naman siya dahil sigurado akong makakatulong talaga ito sa akin. Napakasaya ko ngayong araw dahil nakatanggap ako ng dalawang regalo na hindi ko naman hiningi sa kanila pero ibinigay nila sa akin. Halo-halo na ang emosyon ko at masasabi kong ito ang pinakamagandang pangyayari na nangyari sa buong buhay ko.

*******

Sabay din kaming kumain ng hapunan as hapag-kainan, kinain namin ang handaan ko. Bumili si papa ng cake na roll lang dahil gipit na kami ngayon sa pera pero naiintindihan ko siya atleast may cake para sa birthday ko.

"Happy birthday Mara!! Say cheese!!", sabi ni mama nang pipicturan na ako habang kumakain pa ako ng cake. Medyo nakakahilo yung flash, kumuha pa ako ng spaghetti dahil ito ang pinakafavorite kong pasta at masarap din kasi magluto si mama.

"Happy birthday Mara!", bati nilang dalawa sa akin at nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi ko maiinda ang tuwa na nararamdaman ko dahil halos pinagsamang saya ang nararamdaman ko.

Natutuwa din ako dahil napakaswerte ko, mayroon akong buong pamilya at masaya kaming nagsasama-sama. Kahit minsan nag-aaway sila mama at papa ay sa dulo nagbabatian din sila dahil ayaw nilang malungkot ako.

Ako lang ang nag-iisang anak nila kaya napakasweet nila sa akin, kailanman hindi ko sila dinismaya at pinangakuan ko sila na tutuparin ko ang pangarap ko paglaki at suklian ang paghihirap nila.

Lumapit ako at niyakap silang muli.

End of chapter 1

*****************
Thanks to myself lolsss
Artwork by: Rea Rosio

Dear Mara (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon