♤ Chapter 02: Ang Hapunan ♤

8 3 0
                                    


CAUTION: Kung ikaw ay madaling tamaan ng anxiety o panic sa mga problema, huwag mo ng ituloy basahin ito. Ang manunulat ay kasalukuyang nag-aaral ng 'Psychology' at binabalaan kang basahin ito kung madali ka magkaroon ng problema sa simpleng bagay.

The content of the story may contain violence, sexuality, strong language, and graphical depicts that may affect your psychological thinking. Please read by caution, thank you.

=READ IN DARK MODE FOR BETTER EXPERIENCE=

*******************
Chapter 02: Ang Hapunan

2 years later...

Mara's POV

Hapon na ng makauwi na si mama galing sa palengke upang mamili ng mga pagkain para sa hapunan namin mamaya. Noong nakita ko siya ay nilapitan ko agad siya at nagmano, tinulungan ko siya na buhatin ang mga pinamili niya.

"Ma, uuwi kaya si papa mamaya?", tanong ko sa kanya paglagay ko ng mga pinamili sa lamesa sa kusina na ikinatigil niya, tinignan niya ako at hinawi ang buhok ko.

"Anak..." simula niya pero alam ko sa loob niya ay nahihirapan siyang sabihin ang susunod na mga salita sa likod ng dila niya, "sana... sana hindi siya umuwi", pagpapatuloy nita na ikinagulat ko.

Tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko na hinahawi niya, kumunot-noo ako, "ma? M-may balita na b-ba sa kanya?" Tanong ko sa kanya na may halong kaba, alam na namin ang isyu tungkol kay papa na medyo nasasakal kami sa kanya dahil sa kahigpitan niya sa amin.

"Actually anak wala pa... nagbabaka-sakali ako na sana nga hindi na siya magpakita pa dahil alam mo namang ma--"

"Ma huwag ka nga magsalita ng ganyan", inis kong sinabihan si mama. Hindi ko naman din gustong sabihan siya ng ganon pero si papa pa din iyon at tatay ko siya. Wala naman din kaming magagawa kung ganon si papa. Hindi ko nga alam ang dahilan kung paano siya nagbago ng husto dahil last 2 years hindi naman ganon ang ugali ni papa.

"Sorry kung nasaktan ka anak... aalis tayo ngayon, ihanda mo na ang mga gamit mo", sabi ni mama na nagpapanic, mabilis siyang umalis sa kusina para tumungo sa kwarto pero pinigilan ko siya. "Mara kailangan na nating uma--"

"Ma ano ba!?", naaasar kong tinanong ulit sa kanya. Alam ko namang natatakot si mama sa mga ugaling ipinapakita ni papa. "Pag nalaman ni papa na wala tayo dito sa bahay hindi mo ba alam na halos mga lalaki diyan sa tambay mga kaibigan niya? Paano kung pagbawalan din nila tayo umalis? Pag sinumbong pa nila kay papa edi mas doble tayong mananagot sa kanya", natatakot na din ako pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na kainin ng katatakutan as ugali ni papa.

Ako lang naman din ang kakampi ni mama at pareho kaming nabibiktima, araw-araw kami ang biktima. Parang teleserye lang ang buhay namin, masyadong maraming drama ang nangyayari, kami ang bida, kami ang kawawa habang si papa naman ang kontrabida. Napapagod na din naman ako sa palabas na ito at ramdam ko din kay mama iyon pero ngayon sana maintindihan niya ang pag-iisip ni papa, kaya niya kaming utakan kahit ako lang ang inaasahan ni mama na maliligtas ko siya laban kay papa.

Pareho kaming walang laban sa kanya, gusto kong ipakita na may karapatan din kami bilang babae, bilang asawa at anak niya pero wala kay papa yun at sadyang ganon na talaga ang kinasanayan ni papa.

Hinila ko si mama palayo sa hagdanan, pinaklma ko muna siya at pinaupo sa upuan sa salas. Saglit kong iwanan siya para pumunta ng kusina at kumuha ng isang basong tubig. "Anak... Salamat dahil mabuti ka", sabi niya pagkaabot ko ng tubig sa kanya.

Umupo naman ako sa tabi niya at pinatpat ang likod. Ramdam ko ang lungkot na dinadaranas ni mama ngayon, malungkot din ako ng nakikita ko siyang ganito. "Ako nalang ang magluluto ng hapunan ma", paalam ko sa kanya.

"Anak, sa tingin ko tama din ang sinabi mo na huwag na muna tayo umalis at baka dumagdag na naman ang problema", sabi niya sa akin sabay ngumiti, nalinawagan naman ang mukha ko nang makita ko siyang ngumiti na.

"No problem ma", sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi simple o madali ang problemang hinaharap namin. Bakit kasi kailangan magbago ni papa?

********
Kayakap ko lang si mama nang makaidlip siya sa balikat ko habang hinahawi ko ang manipis niyang buhok, pagod na pagod si mama, palagi ba namang pinapahirapan ni papa mula sa kanyang mga inuutos at mga gusto niyang gawin kay mama.

Hindi ako makapaniwala na ang dating mabait at maginoo kong ama ay magiging isang tarantado ngayon. Tahimik lang ang bumabalot sa salas nang biglang tumunog ang tunog ng maliit na kampana sa pinto.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at nakita ang pigura ni papa na halata ang pagod sa kanyang mukha, nang makita niya kami na nakaupo lang sa upuan ay napuno ng galit ito.

Bigla nagising si mama sa tunog ng maliit na kampana kahit na mahina lang ang tunog non, tumaas na naman ang takot niya nang makita si papa. Pareho kaming tahimik na tnitigan lang si papa sa pagpasok niya sa bahay.

"Anong ulam? Gutom na ako", sabi niya sa amin. Bigla namang nanginig at kinabahan si mama sa tanong niya. Tumingin pa siya sa akin na parang nagtatanong sa kanyang isip kung nagluto na ba ako, pero umiling ako bilang sagot ko at nanlaki ang mga mata niya. "Narinig niyo sinabi ko? Gutom na ako", ulit pa ni papa, ni dalawa sa amin ni mama ay hindi magawang gumalaw o magsalita dahil wala pang ulam.

Tinignan ko ang wrist watch ko at hindi ko aakalain na mag-aalas siyete na pala ng gabi at hindi ko na namalayan. Napalunok ako, "m-Mahal, wala pang ulam, anong gusto mo? Lulutuan k-ka namin sabihin mo ano", nauutal na tinanong ni mama at may panginginig sa kanyang boses.

Natigilan naman si papa at lumapit sa aming dalawa, ngumisi ito sabay sinampal si mama ng malakas na ikinatalsik ni mama palayo sa sofa. Pingilan ko agad si papa pero hindi siya nagpapigil at nagpatuloy siya.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga nakikita ko mula sa kanilang dalawa, palagi nalang silang ganito, yung dating hanggang salita lang ang pinag-aawayan nila ay may halong aksyon na din. Patagal ng patagal mas lalong nagiging bayolente si papa.

Nakaramdam ako ng galit, kumuha ako ng vase at hinampas iyon sa ulo ni papa ng hindi ko man lang iniisip ng dalawang beses.

Galit lang ang nararamdaman ko.

End of chapter 2

************

Dear Mara (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon